''Bullshit! Paanong hindi mo alam? Ikaw ang pinagkwekwentuhan niya hindi ba?''''Dude relax, sige ka baka magising ang prinsesa at umiyak na naman. Ikaw din, baka magbigti kana kapag nangyari na naman 'yon.
''Fucking shit! Xander I'm not kidding.''
''Come on dude. Hayaan mo na lang muna.''
''No way, I can't stand seeing her like that.''
Naalimpungatan ako ng may narinig na nagtatalo sa labas ng aking kwarto. Dahil sa antok ay hinayaan ko lang 'yon tutal bahagyang humina na naman ang kanilang boses.
''Alright what do you want to know? The truth or not?''
''Ofcourse yung totoo. Anong sinabi nya?''
''Well.... wala naman talaga syang sinabi. Yun ang totoo.''
''Damn you! Are you fucking kidding me. Paanong wala, she's too talkative. Imposibleng wala syang sinabi----''
''That's the point. She's too talkative. But since she woke up from coma tinawag kaba niya?''
Parang may mga bubuyog na nagbubulungan sa labas pero hindi ko naman magawang tignan dahil sa sobrang antok.
''She can't sleep without you by her side. Pero ilang buwan na ang nakakalipas simula ng magising sya at ni minsan walang tumawag sayo para sabihing 'hindi makatulog si Cassy kasi wala kapa'.''
''This can't be. She always needs me.''
''Uhuh. Tama ka naman 'don. Pero ngayon humingi naba sya ng tulong sa'yo? Hindi diba? Everyone noticed the changes of her behavior but you.''
Unti-unting lumilinaw ang mga boses. But I'm still sleepy.
''So what are you trying to say, na hindi kona alam ang mga bagay-bagay sa kanya?''
Tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata dahil sa malakas na kalabog mula sa labas ng aking kwarto.
''Not really. But it seems you didn't notice her changes. Okay let me tell you a story. Ehem, ehem. Once upon a time there was a princess--
''Stop it Xander Benjamin. Sabihin mo na kung anong gusto mong ipahiwatig!''
''Oh, hindi mo parin gets? Ngayon ko lang nalaman na ang bobo mo pala pinsan. Nakakahiya naman.''
Isang malakas na pagtawa ang umecho sa buong paligid. I know that irritating voice. Sa paraan ng pagtawa nya alam kong nang-aasar siya. Muli kong ipinikit ang aking mga mata. Baka mahiya ng konti si Xander at maisipan naman nyang hinaan ang boses niya.
''Fuck you.''
''Oy, hindi kita papatulan ha. Gusto ko yung mga sexy na mga babae. Hindi ako bakla noh.''
Kahit kailan talaga hindi marunong lumugar ang kaingayan ni Xander. Malamang masuntok na'to ni Brandon pag hindi parin tumigil.
''Fine sasabihin ko na, ang sama mo makatingin eh.''
Anong pinag-uusapan nila at parang napaka importante naman ata?
Napakunot ang noo ko ng biglang tumahimik. Makikinig pa sana ako.
Napuyat ako kakaiyak kaya't hindi ko namalayang nakatulog akong muli. Tanghali na ng magising ako. It's Sunday morning so there's no problem.
Naghilamos lang ako ng mukha bago bumaba. Hindi narin ako nag-abala pang magsuklay kaya't makalat ang buhok ko. Pagkababa ko ay naabutan ko si Brandon na nakaupo sa dining table at walang imik, habang walang humpay naman ang pagdakdak ng maingay na si Xander.
Napahilamos ng mukha si Brandon dahil sa huling bagay na sinabi ni Xander na hindi ko naman narinig.
Nang muli syang mag-angat ng mukha ay nagtama ang aming paningin. Tumayo sya at agarang lumapit sa'akin.
Nailang ako ng bigla nya akong yakapin. Heto na naman. Huminga ako ng malalim at niyakap din sya pabalik. Kagabi I promised myself na hindi na'ko muling iiyak at masasaktan nang dahil sa kanya. If he wants to play push and pull I will allow him. Pero simula ngayon kahit na mahirap ay pipigilan ko na ang aking sarili na umasa sa mga aksyon niya.
''Brandon I'm hungry.'' patuloy parin siya sa pagyakap sa akin. Halos hindi na'ko makahinga kung hindi lang ako hinila ni Xander.
''Dude gutom na daw ang prinsesa.'' ani Xander.
Lumunok ng ilang ulit si Brandon bago dali-daling tumalima sa gusto ko. Hindi nakaligtas sa akin ang panginginig ng mga kamay nya habang mabilis na nagsasalin ng pagkain sa platong nasa harapan ko. Pasulyap-sulyap din sya sa akin.
Binalingan ko si Xander na nakakunot lang ang noo habang nakatingin sa ginagawa ng pinsan. He sighed. ''Kaya napag hahalataan eh.'' bulong pa nito na narinig ko naman. Nagtama ang mga mata namin at matamis lang siyang ngumiti sa'akin.
Napailing na lamang ako. Weird.
''Kain kana.'' Akmang susubuan pa sana ako ni Brandon pero umiling lamang ako. Kaya ko naman.
''Ako na. Kumain narin kayo.'' ngiti ko.
Tumango sya at umupo sa tabi ko. Pinagmamasdan nya lamang ang mga kilos ko at hindi kumakain. Habang si Xander naman ay walang pakialam sa paligid nya at tuloy-tuloy lang sa pagkain.
Ngayon ko lang naisip. Bakit bigla nalang ito sumulpot dito? Parang nung isang araw lang ay hindi ko'to macontact.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Tahimik lang si Brandon sa aking tabi kaya hinayaan ko na lamang.
Nang matapos akong kumain ay agad na tumayo si Brandon para kunin ang plato ko. I shook my head. ''Ako na.'' tipid kong sagot. Sa totoo lang kaya ko naman gumawa ng mga gawaing bahay dahil tinuruan ako ni mommy na huwag umasa palagi sa mga maids.
Kina Brandon at Xander lang naman ako pala utos dahil alam kong susunod sila. But now is different. Narinig kong bumulong si Xander. ''See. That's what I mean.'' mayabang nitong sabi.
Matapos kong maghugas ay lumabas ako patungong garden. Kasunod parin sila. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang dalawa. Agad naman silang nag-iwas ng tingin. Napailing na lamang ako. ''Pwede kayong sumama sa'kin.'' ngumiti ako. ''Tara sa garden.''
Agad na naghubad si Xander at tumalon sa swimming pool para maligo. ''Ang sarap.'' he shouted.
I smiled. Parang bata. Kaya malapit ako sa kanya dahil para syang lalaking version ko. Bumaling ako kay Brandon at ngumiti. ''Aren't you going to swim?'' I asked him but he just shook his head.
''I-ll stay here.''
Tumango nalang ako at umupo sa may swing na malapit sa pool. Agad na tumabi sa akin si Brandon kaya't umusog ako ng konti. ''About what happened yesterday, I want to apologize---.''
Agaran ang ginawa kong pag-iling. ''You have nothing to worry about.'' I smiled sweetly at him. ''Wala kang kasalanan.''
Yun naman talaga ang totoo. Wala syang kasalanan. Ako lang naman ang gumagawa ng dahilan para masaktan. Pero simula ngayon pagbabawalan ko na ang sarili kong mangialam patungkol sa kanya.
Napatigil sya dahil sa sinabi ko. Ngumiti akong muli. ''Don't worry I'll behave now. Kapag aalis ka dito lang ako sa bahay para hindi kana mag-alala pa. Para matagal ang bonding time nyo ni Macy.''
This is it. I will start a new journey without him. And that's a promise.
![](https://img.wattpad.com/cover/31135574-288-k282572.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Fiction généraleShe can get whatever she wants, but not his heart.