Chapter 14

4.3K 90 1
                                    


Everything went smoothly, hatid sundo parin ako ni Brandon. Inuuna niya pa nga akong ihatid bago siya pumasok.

Medyo naging busy na ngalang sya nitong mga nakaraang linggo dahil sa tinetrain na sya ng daddy niya para sa pamamalakad ng kumpanya nila.

But even if he‘s schedule is really busy he made sure na mas marami parin siyang time for me. Siya parin ang nagpapatulog sa akin. And as usual he kept on singing a lullaby until I fell asleep.

Sumulyap ako sa celphone ko ng tumunog ito. Kanina pa ako nag-aantay sa pagdating ni Brandon because he promise me na susunduin niya ako ngayon.

Napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang nagtext.

Xander
     
       -Cassy sorry I‘m late. Please wait for me.

Eh? Hindi naman siya ang susundo sa akin ah. Feeling talaga.

I dialled Brandon‘s number but he‘s not answering my calls. Damn.

Halos kalahating oras din akong nag-antay ng biglang pumarada sa harap ko ang isang pamilyar na sasakyan.

Humahangos na Xander ang lumabas mula roon at dali-daling lumapit sa akin. He stared at me from head to toe.

I arched my brow. Anong drama nito?

‘‘What the hell is your problem?‘‘ I shouted at him. Pano ba naman kasi, inikot niya ako ng inikot habang tinatanong kung may masakit ba sa akin.

Seriously?

‘‘Fuck Cassy  are you okay?‘‘ nag-aalala niyang tanong.

‘‘I‘m fine. Ano ba!‘‘

‘‘Are you sure?‘‘ he asked again.

Napairap nalang ako sa kakulitan ng isang ‘to. ‘‘Duh sa tingin mo may mangyayari sa aking masama kung may limang bodyguard na laging nakasunod sa akin?‘‘

Napakamot naman siya ng batok. ‘‘Oo nga no.‘‘

‘‘Use your brain Xander okay.‘‘

Luminga-linga ako ng mapansin na wala siyang kasama. ‘‘Where‘s Brandon?‘‘ I asked.

Namutla sya nang mabanggit ko ang pinsan niya. Hindi rin sya sa akin makatingin. ‘‘Xander.‘‘ ulit ko pa.

‘‘Ahm...well..‘‘ he can‘t even stare at me.

‘‘What?‘‘ I shouted.

‘‘Well he‘s kinda busy you know. Kaya ako nalang ang pinasundo niya sayo. He trust me kaya ayon--- hey Cassy where are you going?‘‘

I did not listen to him. Instead I went straight to his car. I want to see Brandon now.

‘‘Hey where are we going?‘‘ he asked confused. Siguro nagtataka siya kung bakit ako sumakay sa kotse niya. Kung kadalasan ay nilalait ko ang sasakyan niya. Kung hindi cheap, mabaho naman ang lagi kong puna dahil narin sa kung sino-sinong babae ang sumasakay sa kotse niya.

But I let it pass. Just by now. Because I really want to see Brandon. ‘‘Where are we going?‘‘ he asked again ng makalapit na sya sa akin. Umupo narin sya sa driver seat.

Napairap nalang ako. Such a slowpoke.

‘‘ Kanino paba? Ofcourse kay Brandon.‘‘

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon