1

3.2K 53 7
                                    


''Cassie come on umuwi na tayo.'' Xander frustratedly said. Umirap lang ako at patuloy na kumain.

Palakad lakad sya at talagang mukhang problemadong problemado. Bakit ba ang hilig niyang ma-stress dahil sakin? Eh pwede namang umuwi na siya at wag nang bumalik pa.

''Xander go home. Sinong maysabi na pumunta ka dito? I can live alone, just so you know.''

''Nah paano ako makakauwi eh ayaw mong makicooperate?'' Huminga ako nang malalim bago siya titigan ng mariin.

''Listen very carefully. I wont comeback anymore. Hinding-hindi na. At sabihin mo sa kanya magbigti na para mabawasan ang mga masasamang tao sa mundo, Alright?'' nakangiti kong sabi.

Kita kong namutla sya. Napaayos din siya ng tayo matapos marinig ang sinabi ko. I continue eating like there's no one around. Wala na akong pakialam.

I just don't want to listen anymore. Nakakasawa narin kasi.

''You've changed a lot.''

I smirked. ''Of course.'' Ngumiti ako. ''Kaya kumain kana at saka umalis. Wala kang mapapala sakin.'' Ngunit imbes na tumigil ay nagpatuloy pa ito.

''Cassie don't you miss your parents?''

''Dinadalaw nila ako palagi.'' Sagot ko naman.

''How about your grandparents?''

''Actually kakaalis lang nila kahapon. So definitely hindi ko pa sila namimiss.'' Tumayo na ako at sinimulang magligpit ng mga kinainan ko. Xander did not eat, its a miracle.

''How about your life in Manila? Mas masaya don.'' Pamimilit pa niya. Sayang-saya pa siya na akala mo makukumbinsi pa niya ako.

Nang matapos kong hugasan ang mga pinggan na ginamit ko ay dumiretso ako sa sala para manood nalang.

''Cassidy Entice you're such a pain in the ass.'' He shouted.

Napangiti ako. Alam kong inis na siya, at pag nainis si Xander means susuko na siya.

Maya-maya pa ay tumabi na sya sakin at nakinood nalang din. Akala ko tatahimik na sya pero mas lumala pa. ''Ililibre kita----'' I cut him off.

''Sabihin mo sa kanya ayoko na.''

Huminga ako nang malalim bago magpatuloy. ''Tell him to find someone else kasi ayaw ko na.'' I whispered.

-----------------------------
Please read my other ongoing story. ''UNFORGETTABLE VACATION''

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon