16

2K 71 42
                                        


Gaya ng ginawa niya sa akin binigyan din niya ng pinggan at mga kubyertos si Macy. She's smirking pero sa akin niya lang ipinapakita. Inasikaso din siya ni Brandon but unlike mine hindi niya pinag serve ng pagkain si Macy. That's calm me a bit.

"I hope magustuhan mo ang food."  Ani Brandon bago bumaling sa akin at sinimulang subukang pakainin ako.

I'm not comfortable having her around. I can sense something from her and I don't like it. Umiling ako sa pagkain na iniumang sa akin ni Brandon. "Ako na."

"By the way natapos kona ang slides for your presentation tomorrow."

"Thank you."

Naiilang man but I chose to remain silent while they are talking about business. Inabala ko nalang ang sarili sa pagkain. Kahit paglunok ay mahirap para sa akin. Ramdam ko ang pagtitig ni Brandon habang kumakain ako at ang pag-irap ni Macy kapag napapatingin ako.

Hindi na ako nag-abala pang sumali sa usapan nila. Wala rin naman akong alam.

"Brandon why don't we try to have our vacation in France this time? I'm sure makoclose mo ang deal so I believe pagkatapos magbabakasyon ulit tayo? Just like these previous years."

That made me stop from eating. So lagi silang nagbabakasyon? Wala akong karapatan magtanong ng mga personal na bagay sa kanila kaya nanahimik na lamang ako.

"We'll see."

Puro business matters ang pinag uusapan nila kaya pakiramdam ko isa lamang akong palamuti dito.

Nang tumayo si Brandon at nagtungo sa kusina para kunin ang dessert ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap si Macy.

"I'm sorry." Tinapangan ko ang aking loob at nagawang tumingin sa kanya. Pero imbes na tuwa o simpatya man lang, galit ang nakita ko sa mga mata niya. Ngumisi din siya habang umiiling.

"If you're truly sorry then stay away." Bawat pagbigkas ay may diin. Tumingin siya sa lugar kung saan pumunta si Brandon. At ng masigurong wala pa ito ay saka siya muling bumaling sa akin. "Sana hindi kana bumalik. Alam mo bang maayos ang lahat kapag wala ka! Masaya si Brandon sa piling ko simula ng umalis ka. Ilang beses ka naba umalis? Bakit hindi mo pa lubusin at wag ng bumalik pa!"

Hindi ko na napigilan at tumayo na. I will never give her a chance to treat me like this, Iam still Cassidy Entice. "If he's happy with you then go to hell. What's wrong with you? Simula ng bumalik ako cold na ang treatment mo sakin. Bakit, dahil may gusto ka Kay Brandon? And the person that you love dearly is with me? Ganon ba?"

Tumayo din siya at sinabuyan ako ng tubig. "Malandi ka. Gusto mo sayong dalawa ang magpinsan. Gusto mo na sayo lahat ng atensyon. Palibhasa spoiled ka. Wala kang tunay na kaibigan kaya gusto mo makuha ang lahat. Maramot ka." Sobrang lamig dahil sa mga natunaw na yelo pero tiniis ko. Dinampot ko ang basong naglalaman ng juice at walang pasabing sinaboy sa kanyang mukha.

"How there you say that. Sampid ka lang sa buhay namin kaya wag kang umasta na ikaw ang api dito. Wala kang magagawa kundi ang  sumunod sa lahat ng utos at gustuhin ko. Yun lang ang papel mo dito."

She's trembling. I don't know if it's because of the juice that I've thrown to her or because she's fuming mad. "Ako padin ang kakampihan ni Brandon. Because he knows how childish you are. Gaya ng dati, mas pipiliin niyang kampihan ako kaysa sayo." She smirked. "Ano natahimik ka?"

Umiling ako. "Then if that's the case. Let's make him choose." Hamon ko. Kahit na alam kong maaring talo ako pero susubukan ko padin.

Ngunit ng magsimulang humikbi si Macy na para bang nahihirapang huminga ay napagtanto kong madumi siyang maglaro. Hindi ko alam kung kailan siya naging ganito. Pero maari ding ito na ang pagkatao niya simula palang noon.

I was still  trying to figure out everything when Brandon came. He went immediately to Macy. Tinignan niyang mabuti ang itsura nito. Bakat ang kulay ng juice na itinapon ko dito sa kanyang damit. Now I understand why she cried all of a sudden. What a pathetic bitch.

Kahit na kinakabahan sa galit na nakikita ko kay Brandon ngayon ay nagawa ko paring umirap. Umupo ako at pinagmasdan lang silang dalawa sa aking harapan.

"Walang akong ginagawa Brandon. Bigla nalang niya akong sinabuyan ng juice. T-tapos gusto pa niyang umalis ako kasi sabi siya layuan daw kita." She's good in acting. Bakit ngayon ko lang nakita.

I was startled when Brandon shouted at me. "What is it again Cassidy?" He's giving me a feral look. But I just shrugged my shoulders. Hindi naman ako umiyak kahit na tinapunan niya din ako ng tubig. So ano kayang iniiiyak niya? Gusto ko sanang sabihin but nah, sayang ang laway ko sa mga mapagpanggap na tao.

Huminga nang malalim si Brandon bago bumaling Kay Macy. "Say sorry Cassidy Entice." Mariin nitong utos. I just gave him a cold glare.

Nang hindi parin ako umimik ay muling nagsalita ang bruha. Tss.

"Brandon it's okay. Wag na nating pilitin pa si Cassy. Gusto ko nalang umuwi." Kahit na nahihirapang magsalita dahil sa pag-iyak ay pinilit pa talaga nitong mag request.

What an actress.

Tinatamad akong bumaling sa kanila. Specifically kay Brandon na ngayon ay mukhang naubusan na ng pasensya sa katawan. "Cassy I said say sorry." He shouted.

Nakaka walang gana. Uto-uto padin gaya ng dati.

"Kahit mahimatay payan sa harapan ko wala akong pakialam." Nanatili akong nakaupo.

"Brandon iuwi mo nalang ako. Ayos lang naman ako." Grabe talaga sa acting skills ang isang 'to.

Walang nagawa kundi ang tumango na lamang si Brandon. Doon ako naalarma. Tumayo ako at dinuro silang dalawa. Hindi ako papayag na makaisa naman siya sa akin. "Brandon kapag umalis ka kasama ang best actress na yan hindi kana makakabalik pa kahit kailan sa buhay ko."

Nakita ko pa ang pag-irap ni Macy bago muling nangkunwaring isang api. "You choose Brandon. Si Macy o ako." This time kapag pinili niya ako hindi na ako magdadalawang isip pa na bigyan ulit ng chance kaming dalawa. Wag lang niya ulit ipamukha na hindi ako ang priority niya.

Pero lahat ng pag-asang nasa akin ay biglang naglaho ng ibuka niya ang kanyang bibig.

"Stay. Mag-usap tayo pagbalik ko."

Walang tigil na tumulo ang aking mga luha ng mas pinili niyang umalis kaysa ang manali sa aking tabi. Hanggang ngayon mahirap padin pala para sa kanya na piliin ako.

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon