Tahimik lang kami habang kumakain. Wala ni isang nagsasalita. Nakayuko lamang ako dahil sa hindi ko matagalan ang mga titig ni Brandon sa akin. Wala sana akong balak kumain kaya lang hindi ako tinigilan ni Xander.
Kahit na nakayuko ay hindi nakalalagpas sakin na panay ang titig sa akin ni Brandon. Minsan ay eksahirado syang titikhim, o di kaya naman ay bigla nalang niya ibabagsak ang hawak na kubyertos. Hindi ko maiwasang mapatingin dahil don pero agad din ang ginagawa kong pagyuko dahil sa naabutan ko ang masama niyang paninitig.
Kanina pa sya ganyan. Ang sama-sama niya makatingin hindi ko naman sya inaano.
Maraming putahe ang nakahanda sa hapag. I wonder if Brandon cooked all of these. Kasi kung pagbabasihan ko ang lasa sigurado akong siya nga. Hindi ko naman magawang magtanong dahil sa nahihiya ako. Maging si Xander ay tahimik lang habang kumakain at parang lumulutang pa ang isip.
Inaantok pa siguro.
Again, I tried to peel a shrimp kaya lang kawawa lang ang kinakalabasan kaya itinigil kona. Gusto ko sanang kumain pero hindi ko magawa ng maayos ang pagbabalat. Puro kanin nalang ang nginunguya ko simula kanina.
Tatayo na sana ako dahil tapos na akong kumain pero pinigilan ako ni Brandon. ''Sit.''
Parang aso lang?
Kahit na ayaw ko ay siya parin ang nasunod kaya't umupo nalang ako. Naglagay siya ng maraming kanin at marami ding shrimp. Nabalatan narin ang mga ito. ''Eat.'' utos niya.
Napanguso ako, ang dami naman masyado. Nang mapansin na hindi ko parin ginagalaw ang pagkain na inilapag niya ay tumingin na naman siya ng masama sa akin. ''Do I need to repeat myself Cassidy Entice?''
''N-no.''
I wondered if he ate the cake, o di kaya naman ininom kaya nya yung kape na ginawa ko?
Hayaan na nga lang. Kumain lang ako ng tahimik. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit na hindi nya ako kinakausap ramdam ko parin na may pakialam parin sya sa'kin. Lagay sya ng lagay sa plato ko ng hipon, binalatan narin nya.
He's done eating pero nanatili parin syang nakaupo sa may kabisera habang nasa parehas na gilid naman kami ni Xander.
Napansin ko lang sa sarili ko na nagiging bipolar narin ako gaya niya. Dati siguradong sigurado na akong iiwasan ko na siya pero konting galawan lang niya nakakalimutan kona. Gaya kanina, sobra akong nalungkot ng hindi manlang niya ako pansinin. Pero ngayon naman na kahit masungit siya at masama makatingin ay ayos lang kasi bibigyan niya ako ng maraming shrimp.
Diba bipolar ang tawag sa paiba-iba ng mood?
Dumiretso na ako sa room ko ng matapos akong kumain. Akala ko hindi ako makakaramdam ng antok pero agad akong nakatulog ng humiga ako. Nagising lang ako ng maramdaman na parang may nakatitig sa akin.
Pagdilat ko ng mata ay nakita ko si Brandon na abala sa pagtingin ng mga pinamili ko sa mall kahapon.
Shoot.
May binili nga rin pala ako para sa kanila ni Xander. Siguro pwede na'yong pang regalo sa kanya. Agad akong tumayo at lumapit sa pwesto ng mga pinamili ko. Bahagya pang nagulat si Brandon sa presensya ko pero agad din naman nyang ibinalik ang pagka 'poker face' nya.
Kahit na nakakahiya ay iniabot ko parin sa kanya ang isang paper bag kung saan nakalagay ang shirt na binili ko para sa kanya. Siguradong walang wala 'to kung ikukumpara sa mga natanggap niyang regalo pero ito lang kasi ang maibibigay ko.
Kahit na nakasimangot siya ay tinanggap parin naman niya. ''Ahmm pasensya na sa regalo ko.'' hingi ko ng paumanhin. ''Hindi ko talaga kasi naalala na birthday mo pala kahapon kaya wala akong maayos na regalo.'' kung maayos bang regalo ang matatawag sa diary, photo album na puno ng picture namin o di kaya ay gumagawa ako ng video about him. Yun kasi ang mga ginagawa ko tuwing birthday niya, kaya lang baka kung gagawa na namn ako ng ganung klase ng regalo mas lalo lang siyang madissapoint sa akin.
Marahas ang ginawa nyang pagbuntong hininga. ''You really forgot my birthday huh?'' mapang akusa nitong sabi.
Hindi nako nakasagot pa. Ano ba naman kasi ang sasabihin ko? Talaga namang nakalimutan ko ang birthday niya. Kahit pa magdahilan ako alam kong mas lalo lang siyang magagalit sa akin. Paano ko naman kasi maalala kung halos anim na buwan akong coma, pagkatapos ng magising ako ay inabala ko lang ang sarili ko sa pag-iwas sa kanya.
Kahit na magkasama kami sa iisang bahay ay hindi niya ako kinakausap. Wala akong makausap dahil madalas ang ginagawang pag-alis ni Xander. Naayos kona rin ang mga credentials ko sa university'ng pinapasukan kaya wala akong dahilan para lumabas. Sa tuwi kasing magpapaalam ako kay Brandon ay puro 'hindi pwede' nalang ang sinasabi niya.
Kahapon nagulat ako dahil suot suot niya ang shirt na iniregalo ko sa kanya. May nakatatak dito na 'My Knight' kaya akala ko hindi niya isusuot, ayaw niya kasi ng ganun dahil baduy daw. Binili ko lang naman 'yun kasi nacute-an ako sa tatak nito.
Nang makita niyang nakatingin ako dito ay agad ang pag-ingos nya. ''Wala na'kong damit kaya sinuot ko. Hindi pa nagpapa laundry si Xander.''
Depensive masyado. I didn't say anything kaya. ''Okay.''
Kahit na masyado syang masungit hindi parin niya nakakalimutang ipagluto ako. Madalas sya pa ang nagsusubo sa'kin kasi daw ang bagal kong kumain at hindi pa sya agad makapag hugas ng mga pinggan. Mga maliliit na bahay na lagi niyang ginagawang big deal. Pu-pwede naman ako nalang ang maghugas kung mahuli man akong matapos. ''Amoy sabon pag ikaw.'' lagi din syang may dahilan kapag may isinasagot ako.
I pouted. Mapang husga masyado ha.
Pero love ko.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.
