5

2.1K 48 7
                                        


Hila-hila ko ang tainga ni Xander hanggang sa makapasok kami sa dati kong kwarto. Talagang nang gigigil ako sa isang 'to.

Agad na sumalubong sa akin ang mga naglalakihang Teddy bear, paper bags na puro galing sa mga mamahaling shop. ''What's this?''

Bago pa ako makapag tanong ulit ay bumukas na ang pinto sa likuran namin ni Xander. Gosh. Bakit nakakimutan kong nakasunod siya?

''Bro mag-usap---'' Hindi na natuloy pa ni Xander ang sasabihin niya ng putulin ito ni Brandon.

''No need. I'll just get these stuff.'' Bahagya pa niyang nadanggi ang braso ko nang dumaan siya sa tabi ko. Dumiretso siya sa kama kung saan nakalagay ang mga paper bags. Isa isa niya itong kinuha.

''Bro kay Cassy 'yan hindi ba?'' Maging si Xander ay mukhang walang alam sa kinikilos ng pinsan niya. So am I.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko lalo na nang magsalita siyang muli. ''I'm sure ayaw niya nito, kaya kukunin ko nalang.'' Nang humarap siya sa akin ay ngumiti siya ng matamis. ''Diba Cassy?''

I can't answer because of a sudden pain inside my chest. Ano 'to? Bakit nararamdaman ko'to? Wala na dapat 'to!

Muli siyang tumalikod at kinuha pa ang mga natitirang paper bags sa kama. Pati ang mga teddy bears na malalaki ay balak niya rin yatang kunin kung hindi lang siya masyadong nahihirapan sa bitbit niya. ''Babalikan ko nalang yung iba.''

''Brandon are you kidding? Kay Cassidy Entice lahat 'yan diba? Bakit mo binabawi? At anong gagawin mo dyan? Itatapon?'' Obvious sa boses ni Xander ang pagkairita niya. Habang ako ay nakatayo lang at hindi makapagsalita.

Tumitig siya sa amin ni Xander pero mas matagal ang pagtitig na ginawa ni Brandon sa akin bago siya tumingin kay Xander. ''Magugustuhan ni Macy lahat nang ito kaya hindi masasayang.'' He said using a cold voice.

Kahit na alam kong ito naman talaga ang gusto ko hindi ko parin maiwasan masaktan sa ginagawa niya. But I won't allow him to see that I'm hurting.

Ito ang tama. Ang layuan na namin ang isa't isa, gaya ng ginawa ko sa loob ng dalawang taon.

I held my chin up and arched my brow. ''Make it fast kasi gusto ko nang magpahinga.'' Bumaling ako Kay Xander. ''And you. Mag-uusap pa tayo bukas.''

I didn't wait for them to answer. Alam kong alam nila na pinapaalis kona sila. Dumiretso ako sa bathroom at naligo. I stayed under the shower for I dont know how long. Siguro sa mga oras na'to ay nakaalis na sila. Siya to be precise.

Nagbihis ako ng isang cotton shirt and a very comfy short. Karugtong ng bathroom ang walk in closet ko kaya walang hirap akong nakapag bihis. Gusto ko nang matulog. Kaya halos atakihin ako sa puso nang maabutan ko si Brandon na nakaupo sa kama ko.

Come on. I just want to rest.

Kinamalma ko muna ang sarili bago magsalita. ''May naiwan paba?'' Hindi ako tumitingin sa kanya habang naglalakad papunta sa mga luggage ko. Kinuha ko ang pouch na naglalaman ng mga personal hygiene ko.

Pumunta ako sa kama at umupo. He's still not talking kaya naglagay na ako ng lotion. ''Mukhang wala na namang natira. Pero kung may naiwan man wag kang mag-alala ipapadala ko sayo agad.'' Nakatalikod ako sa kanya at patuloy lang sa paglolotion. Dapat bigyan ko ng award ang sarili ko dahil sa pagiging kalmado.

''Kung wala kanang sasabihin pwede kanang umalis.'' Kung kanina halos atakihin ako, ngayon ata ay talagang matutuluyan na ako. Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. He is now standing in front of me and staring like I did something wrong.

''Why?'' I stuttered. My gosh Cassy. Maglotion ka nalang para hindi ka kabahan.

''Wala kang sasabihin?'' He drawled.

Agad akong kinilabutan sa pananalita niya. Pero syempre I'am Cassidy Entice Tiu kaya 'di ko siya pinahalata. ''Wala naman.'' I said casually kahit na sobrang nagwawala na ang puso ko.

''Damn.'' Rinig kong mahina siyang napamura.

Bakit ba kasi ayaw pa niyang umalis.

Tapos nakong maglotion kaya wala na akong choice kundi harapin siya. So yeah. ''I want to rest.'' Maarte kong sabi.

Tumitig lang siya sa akin.

Here we go again.

''Ahm Brandon can please leave now. Matutulog kasi ako.''

His jaw clenched. I know his mad right now. Wala siyang sinabi but he smirked before he left my room.

Doon palang ako nakahinga nang malalim.






-------------------
Please read UNFORGETTABLE VACATION. 😘😘😘😘

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon