Chapter 20

4.4K 101 0
                                    

Araw-araw parin akong hatid sundo ni Brandon sa school kahit na sobrang busy niya. Hindi narin sya nagbanggit pa muli nang tungkol kay Macy 'na palagi daw natulong sa kanya.

If he's not available to fetch me Xander will. Ganoon ang naging routine naming tatlo isang buwan matapos ng huli naming pag-uusap ni Brandon.

I did not allow Brandon to enter our house. Sinabi ko sa mga guard na hindi sya pwedeng pumasok kahit na anong mangyari. Pero kahit na ganon ang ginagawa ko, walang araw at gabi na hindi sya dumaan para silipin ako kahit nasa labas lang sya.

He keeps on calling me but I refused to answer. Akala ko nagsawa na sya ng tumigil ang pag-ring ng celphone ko, pero ilang segundo palang ay tumunog na muli ito. This time its Xander. ''What do you need?'' ani ko.

''I miss you princess.'' kinilabutan ako ng ibang boses ang sumagot imbes na si Xander. ''I miss you so much.'' ulit pa niya nang hindi ako sumagot.

I cleared my throat first. ''I'm busy, ibababa ko na'to.''

''Wait please, I just want to hear your voice. Please.'' He plead. I did not speak, hinayaan ko lang syang magsalita nang magsalita. ''Kailan ako pwedeng pumunta sa inyo?'' tanong niya sa pagod na boses.

''Nakakapunta ka dito Brandon. Ikaw ang sumusundo sa akin every morning, ikaw rin ang naghahatid sa akin pauwi.''

''Yes ofcourse. What I mean is, kailan ako pwedeng matulog sa inyo?'' hindi ako sumagot kaya nagsalita syang muli. ''Hindi mo naman ako kinakausap tuwing magkasama tayo.'' aniya sa nagtatampong boses.

Pagod akong napahiga sa aking kama. Walang mangyayari kong papatulan ko pa ang drama niya. ''I'll hang up bye--.''

''Wait, I'll sing.'' hindi na ako nagkumento pa at hinayaan ko nalang syang kumanta. I set my phone into a loudspeaker.

Ganito sya kahit noon pa, hindi nya nakakalimutan na sya lang ang nakakapag patulog sa akin. Napangiti ako sa isiping kahit na inaaway ko sya, he will still answer my whims and caprices.

Halos tumakbo na ako kinabukasan dahil sa tinanghali ako ng gising. Dali-dali kong kinuha ang aking bag at lumabas ng aming bakuran.

Last week pa umalis si lolo, kaya solo ulit ako. My mom and dad are still in a business trip sa Macau. Lola is busy traveling kahit na ayaw ni lolo. Dahil wala namang magagawa si lolo. Pinipilit parin nila akong sumama sa kanila papuntang States pero tumanggi ulit ako.

Basta, I don't want.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko si Brandon na abala sa pag-aayos ng mga pagkain na dala-dala niya.

Bakit nandito pa'to? Late na ah.

Lalagpasan ko na sana sya ng magtama ang aming mga mata. Ngumiti sya agad at sinalubong ako ng yakap. ''Good morning.'' bati niya.

''M-morning.'' tipid kong sagot. Itinulak ko sya nang bahagya. ''Ahm, let's go na.'' ani ko ng mapansin na parang wala pa syang balak umalis.

Tumango lamang sya at sinenyasan ang mga kasama kong body guard na sumunod na lang. ''Alright, your the boss.'' aniya sa masayang boses.

'Ang saya niya ha!'




My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon