"Brandon I want you to sit beside me." Utos ko ng mapansin na lalapitan siya ni Macy.
Nawala lang ako saglit pumuslit na agad kay Brandon.
Isang irap ang natanggap ko galing sa kanya pero wala akong pakialam. As long as what she wants doesn't want her back.
That will be fine with me.
Napataas ang kilay ko ng makitang lumusong na rin siya sa pool kung saan ginalingan niya sa pag papanggap na kunwari ay lumalangoy langoy pa. Una nilapitan niya si Xander para sa isang walang kwentang bagay. "Masarap ba yang juice mo?"
"Just fine."
Nang mapansin niya na wala na talaga siyang mapapala kay Xander ay dumiretso na siya sa amin. We were sitting at the pool side.
Kunwari ay nagpapadyak ako ng hindi sinasadya para matalamsikan siya ng tubig sa mukha. And boy it works.
Halata sa mukha niya ang pag pipigil sa inis, pero dahil nasa tabi ko ang target niya ay nagpapakabait ang ahas.
Para makatuklaw.
"Brandon let swim." She smiled wholeheartedly na kahit ako ay mapapaniwala na totoong mabuti siya kung hindi ko lang natuklasan ang totoo niyang pagkatao.
"I want you to just stay beside me Brandon." I pouted. Yumakap din ako sa hubad niyang katawan.
Mamatay ka sa inggit.
I smirked when he nodded before kissing my forehead. Tumingin ako sa banda ni Macy at mas lalo lang akong nagdiwang ng makita ko ang kanyang mukha. Huh! That's what you get.
"I'll stay. Anything for my princess."
He smiled to Macy. "Just ask Xander to swim with you Macy."
Lahat nang pagkakataon na makakalapit siya kay Brandon ay hinarangan ko. Wala siyang magawa dahil kasama ako lagi kung saan man pumunta si Brandon at Xander. It's not that I want to come with them. Pero dahil may misyon akong alisin sa landas ang ahas na si Macy ay pinanindigan ko nalang.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na bigo siya na makakuha ng oras kay Brandon. I became comfortable. I thought I can handle everything. Pero akala ko lang pala.
"I hate you."I shouted. Nalaman ko lang naman ngayon na aalis siya because of a business meetings abroad. And guess what with that girl.
"Cassie please listen. I wasn't able to tell--."
"No. Intensyon mo talagang hindi sabihin sakin para masolo mo si Macy. Kung yun pala naman ang dahilan mo dapat sinabi mo nalang sakin para hindi na ako nag effort na bakuran ka kapag nasa paligid lang siya. My gosh."
He chuckled. "Princess please." Tuloy parin siya sa mahinang pagtawa na lalong nagpa kulo sa dugo ko.
"Bahala ka sa buhay mo. Basta iwan mo sakin si Xander."
His laugh immediately vanished. "Kasama din si Xander."
Dahil sa sinabi niya ay lalo lang sumiklab ang galit ko. "Fine bahala ka."
Akala niya. Kahit wag na siya bumalik at magpaka saya na kasama ni Macy abroad. Basta wag nalang sila magpakita sa akin. Masya na ako don.
Nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na magtulog tulugan. Nang maramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama ay mas lalo ko pang idiniin ang pagkaka pikit ng aking mga mata.
Mabining haplos ang nadama ko sa aking ulunan. Just a simple caress from him can calm me.
Matagal akong nagtanim ng galit. Kaya masaya ako na nararanasan ko na ulit ang mga simpleng bagay na pinakawalan ko noon.
Pero mawawala pa yata ulit. Dahil lang sa business meetings na may kasama pang asungot.
"I can't say no to this. Kahit si Xander walang magagawa kundi sumama sa amin. It's for our companies Princess."
He heaved a sigh. "Bukas ng madaling araw na ang alis namin. And we will stay there for two weeks."
Hindi parin ako umimik. Basta kapag umalis siya magagalit talaga ako ng totoo. Kasi nag galit ko ngayon ay maayos pa. Pero kapag tinuloy niya ang pag alis isusumpa ko siya dahil bibigyan niya lang ng pagkakataon si Macy na maahas siya.
"Please talk to me. Hindi ko masabi sayo kasi alam ko na ayaw mo sa ideya na kasama si Macy. But I promise you nothing will happen."
Bumangon ako dahil sa sinabi niya. "Nothing will happen? Are you nuts Brandon? Ang mga ahas nanlilingkis yan at wala kanang magagawa pa kapag ginapang kana." Halos hingalin ako sa sobrang pagsigaw.
"Hey stop it. Wala namang ginagawang ganyan si Macy. At kahit na mangyari yon hindi ko siya papatulan, alam mo yan."
"Hindi mo pa siya pinapatulan ng lagay na yan pero kung ipagtanggol mo siya sakin sobra."
Napahilamos nalang siya mukha. "You know what you should sleep now. Mag usap tayo bukas."
I shook my head. "Saan tayo mag uusap sa video call? No way. Kapag umalis ka at kasama si Macy hinding hindi mo ako makaka usap."
"Cassidy please. Stop these." Alam kong galit narin siya pero ako parin dapat ang masunod hanggang sa dulo.
"Subukan mo Brandon." Banta ko pa.
"Fine."
Nagulat ako ng mapapayag siya na wag ng umalis. Pero akala ko lang pala.
"If you don't want to talk to me. Then let's not talk for two weeks."
Agad kong pinalis ang luha na tumulo sa mga mata ko. Agaran akong tumalikod ng makitang lalapitan pa niya ako para hawakan. Humiga na ako at nagtakip ng kumot.
Akala ko gaya ng dati ako ang masusunod. Kasi ganon naman dati ng wala pang Macy sa buhay namin. Ano yon, dumating lang si Macy na bait baitan nabago na lahat at na realize niya na masama na sundin lahat ng gusto ko? Tss.
"Umalis kana."
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.