Chapter 35

5K 125 12
                                    

Nanatili ako sa loob ng sasakyan. Halos isang oras akong nag-intay bago sila makabalik. Akala ko mayroong binili si Macy pero wala naman syang dala pagdating nila.

Nanatili akong nakapikit at nagpapanggap na tulog hanggang sa maramdaman kong umandar na ang sasakyan.

''Masyado yatang nainip si Ma'am Cassy. '' ani Macy.

Nanatili akong nakapikit.

''Yeah.'' ani Brandon sa pagod na boses. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha niya. Nanatili parin akong nakapikit. ''Ihahatid muna kita bago kami umuwi.''

Hindi na sila nag-usap pang muli hanggang sa maihatid na namin si Macy.

''Salamat. Tatawag nalang ulit ako.''

''Alright.''

Ang pag-papanggap kong tulog ay talagang natuluyan na. Naramdaman ko nalang ang mabining haplos sa aking pisngi. Bumungad sa akin ang malamlam na mata ni Brandon. ''I'll carry you.'' he said.

Hindi na ako tumutol pa at ikinawit na ang aking braso sa kanyang leeg.

Hindi ko napigilang mapahikbi. He's body stiffened. I know this is a childish act, but I just can't stop myself to feel this way. It's really painful.

Once he's caring, and then he get mad, tapos magiging cold siya sa akin at pagkatapos gagawa na naman siya ng bagay na makakatunaw ng tampo ko sa kanya.

This is too much. Ayoko na.

Alam kong alam nya na umiiyak ako. Basang basa narin ang kanyang leeg pero hinayaan nya lang ako.

Umakyat sya sa pangalawang palapag ng aming bahay at tinungo ang aking silid. Wala siyang imik habang maingat akong ibinababa sa kama.

Agad akong tumalikod at sumubsob sa unan. I sobbed pero wala na akong pakialam kung nandyan parin siya.

This time, I want him to witness this side of mine. Yung umiiyak dahil pagod na. Yung Cassidy na hindi laging masaya at madaldal. Because I want him to realize that I'm still a human. I have feelings.

I heard him sighed. I'm tired. Too tired to handle his actions. He really likes to play push and pull. Kapag down na ako hihilahin nya ako pabalik pero sa oras na mahulog ulit ako sa mga aksyon nya, gagawa naman sya ng bagay na makapag tutulak sa akin palayo.

Paulit-ulit nalang.

''N-nag take out ako ng paborito mo. Hindi mo kasi naubos yung pagkain mo kanina. Kumain ka muna bago ka magpahinga.'' he said in a pleading tone.

See. He's always like that. I don't know what to do anymore.

Huminga ako ng malalim. I promised myself that I'll stop now. I promised that I'll forbid myself to be hurt because of him.

Inangat ko nang bahagya ang aking ulo bago sumagot. ''I will eat later, bababa nalang ako pag nakaramdam ako ng gutom. M-magpahinga kana.'' my voice broke.

Napapitlag ako ng hagurin nya ang likod ko. ''P-princess--.''

''Please Brandon. Gusto ko nang magpahinga.'' hindi ko na sya hinayaang makatapos sa pagsasalita.

Ayaw ko na.

Alam kong hindi pa sya umaalis. Hindi parin ako humaharap sa kanya. Hanggang sa antukin ako ay ramdam ko na pinagmamasdan nya parin ako.

I heard him talking to someone before I fell asleep. ''Pumunta ka dito. F-fuck I need your help.''

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon