The next morning went well. Maaga akong nagising dahil sa pananakit ng aking mga binti. Kailangan ko pa daw magstay para maobserbahan pa nang mas maayos.Tahimik na pinapanood kami nila mommy at daddy habang pinapakain ako ni Xander. Surprisingly sobrang bait niya today.
Pasipol-sipol pa siya habang nakikisubo rin ng sopas na kinakain ko. Ang takaw talaga.
Ang sabi ni Xander Lolo and Lola are waiting for us in U.S. Dadalhin ako sa States para mas makasigurado na gagaling ako at makakalakad muli.
Last night was a torture for me. I pretended sleeping cause I can still feel Brandon intently looking at me. Hindi ako nakapag react dahil sa inaakala kong nagkakamali lang ako ng narinig. But no, dahil inulit pa nito ang kanyang sinabi nang maraming beses habang marahang hinahaplos at dinadampian ng mababaw na halik ang aking mga palad.
"Please come back."
Pinilig ko ang aking ulo dahil sa naalala.
Tinanggap kong muli ang kutsarang naglalaman ng mainit-init pang sopas na iniuumang ni Xander sa aking bibig. Ngumiti siya at sumubo ulit.
Akala ko talaga mabait siya ngayon. But Xander is Xander. Hindi siya kikilos hanggat Wala siyang makukuhang kapalit.
Halos mas lamang pa ang nakakain niya kaysa sa akin. "So takaw." Bulong ko.
"Oy narinig ko'yon." He pouted pero patuloy sa pagkain.
Nasa ganoon kaming pwesto ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Brandon.
Nag-iwas na lamang ako ng tingin at muling nagpasubo Kay Xander. "Gusto ko ng cabbage." I said.
Napatigil si Xander dahil don. "Nakain kana ng gulay?" Hindi makapaniwala nitong sabi. Maging sila mommy ay napatingin din.
I rolled my eyes. People changed duh!
"Ang galing naman ng Princess namin." My mom said happily. "Wait I'm gonna call mama." Dali-dali itong lumabas habang nagdadial sa kanyang phone. Agad din namang nag-excuse si dad at lumabas din.
Nang binalingan ko si Brandon ay matalim itong nakatingin Kay Xander na walang pakialam sa paligid. Patuloy parin nitong nilalantakan ang sopas ko.
"Gusto mo?" Alok pa nito ng makitang nakatingin narin ako sa kanya ng masama. Akmang susubuan na niya ako ng biglang tinabig ni Brandon ang kutsarang hawak-hawak ng pinsan.
"Leave." He commanded.
Dala-dala ang mangkok ng sopas ay wala itong pagdadalawang isip na iwan ako. That bastard.
Hihiga na sana akong muli ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Good morning princess."
I stiffened. "G-good morning."
Hindi pa ito nakuntento at marahan pa nitong hinalikan ang aking ulo. "You smell so good princess, as always." He whispered.
Aatakihin na yata ako dito. Asan naba sila daddy?
Tinitigan ako ni Brandon at ngumiti ng matamis. "I miss you." He said sincerely. I can't think properly kasi hindi rin ako makahinga ng maayos. My gosh, what's happening?
Gaya kanina hindi ako nagsalita.
Pero bago ko pa man siya maitulak palayo ay siya namang bilis ng kilos niya.I just suddenly felt his lips with mine.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.