Tinapos namin lahat ng kakailanganing requirements nang kami lang dalawa ni Cherry. We decided na sa condo ko nalang kami gumawa.
Sobrang pagod ng matapos kami. Alas kwatro ng hapon ng magdecide si Cherry umuwi kahit na sinabihan ko syang magpahinga muna.
''No thank you. I really need to go na talaga kasi may family dinner kami.'' she politely said.
''Alright. Ingat ka.'' hindi ko na sya pinilit pa.
Kailangan kaya maiisipan ng pamilya ko na umuwi. Kanina bago ako umalis ay tumawag sila mommy at daddy para kamustahin ako. Ganun din sila lolo at lola.
I did not complain anymore kasi marami talaga silang naiwang trabaho ng maaksidente at sumailam ako sa heart surgery. And they deserve their trip anyway.
Lola and mommy are so excited to go home kasi marami nadaw silang nabili for me.
Dahil nga sa nagmamadali ako kanina ay agad ko nang tinapos ang pag-uusap namin kasi puro nalang pasalubong para sa akin ang sinasabi nila.
I decided to take a nap. Mamaya nalang ako uuwi.
Nang magising ako ay madilim na. Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang oras.
It's eleven thirty in the evening. I immediately went out and hailed a taxi. Lagot ako nito.
Hindi ko mahagilap ang phone ko sa aking bag. Damn. Naiwan ko pa yata.
''Manong pakibilisan po.'' kinakabahan kong sabi. Hindi ako nakapagsabi na nasa condo lang ako. Akala ko kasi magigising ako agad.
Hinarang pa ang taxi na sinasakyan ko kaya hindi agad ito nakapasok sa loob ng subdivision. Kinailangan ko pang buksan ang bintana para makita ako ng mga guards.
Agad nilang pinaraan ang taxi. ''Naku ma'am kanina pa po kayo hinahanap ni sir Brandon.'' ani ng guard na mas lalo lamang nagpakaba sa akin.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay nakahilera ang mga sasakyan ng pulis habang nag-aabang sa pagbaba ko. Malamang naitawag na ng guard sa gate na nakarating na ako.
Kahit sobra sobra ang kaba na nadarama ko ay nagdesisyon parin akong bumaba. Pinaalis ko rin agad ang taxi na sinakyan ko dahil baka madamay pa sya.
Napakagat ako sa aking labi. Nauna kong nakita si Xander na nakatingin lang din sa akin. Katabi nya si Brandon na kinakausap ang mga pulis.
Kumapit ako kay Xander pero inirapan lang ako.
Kung hindi lang ako natatakot ngayon inasar ko na sana sya na bakla.
''You can go now.'' Ani Brandon sabay tingin sa akin.
Napalabi ako. ''Sorry po sa abala.'' ani ko sa mga pulis.
Saglit pa silang nag-usap habang ako ay hinihila ang laylayan ng damit ni Xander. ''Hoy help me.'' Bulong ko dito.
Ngumisi lamang ito. ''Bahala ka.'' he stuck his tounge out at me. Iniwan nya ako at tumakbo papasok.
Lalo akong natakot ng lingunin ako ni Brandon. ''P-papasok na'ko.'' dali-dali akong pumasok at nagkulong sa aking kwarto.
Marahas na bumukas ang pinto hindi pa man ako nagtatagal sa loob. Bago pa sya makapagsalita ay inunahan ko na. Tumayo ako at yumakap sa bewang nya. Isinubsob ko rin ang mukha ko sa kanyang dibdib. ''Brandon sorry na. Hindi ko naman kasi namalayan ang oras eh. Iidlip lang sana ako kaya lang pagkagising ko gabi na pala.''
Hindi sya umimik kaya sinilip ko pa ang mukha nya. Nahuli pa nya akong nakatingin sa kanya. Mamaya nyan isipin nya pa na hindi ako sincere sa paghingi ng tawad kaya sinubsob kong muli ang mukha ko sa dibdib nya. ''Sorry na. Wag kanang magalit sa akin. Hindi ko kasi makita yung phone ko kaya hindi kita nacontact agad.''
Marahas syang huminga kaya't akala ko ay magsisimula na syang magsermon pero bigla nya lang akong niyakap. ''You really know how to calm me huh? '' Ilang sandali pa ay kinarga na nya ako. ''Don't do that again. You left your phone. Binalikan pa kita kanina sa meeting place nyo para ibigay ang phone mo pero nagka salisi tayo.'' mabini nyang hinaplos ang aking likod.
Napangiti ako. Success! He's not mad anymore.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.
