15

1.9K 59 17
                                    

"Ang arte arte di naman maganda."

Napakunot ano noo ko ng makarinig na naman ng pagrereklamo galing kay Xander.

"Ayaw niya daw. E ako gusto ko."

Tumigil na ako sa pagkain at pinagmasdan nalang siya habang nilalantakan ang leche plan na nasa plato ko. Hindi ko siya inalok pero heto siya at halos ubusin na ang sa akin.

"Palighasa emotera ng taon." Halos mabulunan na siya. Kumuha pa siya ng isang slice ng cake. Isa nalang lagot 'to sakin. "Buti pa ako hashtag food is life lang." Tumigil pa ito at ginawa ang number sign gamit ang mga daliri.

"Jologs." Nangingiti kong sabi.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Parang ako pa ngayon ang nakikihati sa plato. Sumimangot ako at tumingin sa patay gutom na Xander. "Nahiya kapa. Bakit di mo nalang kunin ang pinggan ko."

Ngumiti lang siya at ang magaling kinuha nga ang pinggan ko. "Ikaw may sabi niyan ha."

Oh my. Talking to him is useless.

Nang matapos sa pagkain ay seryoso naman itong tumingin sa akin. "Pero di nga Cassy. Bakit inayawan mo ang grand party for your comeback?"

Now I understand why he's acting like this. "It just a party. Hindi na kailangan pa." Simple at maikli kong paliwanag. Kahit sila daddy ay nagulat ng sinabi kong ayaw kona magpaparty pa sila. Everything was settled but I just said no and the party did not happen. Kaya heto si Xander walang ginawa kundi magreklamo. Gusto daw kasi niyang magparty.

"You're so corny you know. Party 'yon e."

"Ang arte mo. Edi mag host ka ng sarili mong party."

"Ayokong gumastos."

Dumiretso ako sa sala para manood. Pero paano ako makakapag concentrate kung may katabi akong walang ginawa kundi magsalita?

"Palighasa prinsesa ka ng lahat kaya tambay ka lang. E ako? Kailangan kong magsumikap para makakain sa araw araw." Litanya nito.

Wala na talaga akong masasabi sa isang 'to.

Imbes na mag aksaya ng oras mas pinili ko nalang humiga sa lap niya. Tama siya, tambay nga lang ako. Wala akong ginagawa kundi gumising, kumain at matulog. Wala namang reklamo sila mommy at daddy. Mas gusto daw nilang nakikita ako pag-uuwi nila.

"Don't worry on your birthday magpapa pizza ako."

Kitang kita ko ang inis sa mukha ni Macy ng ipinatawag siya ni mommy para sabihing hindi na tuloy ang party. Well, sinong hindi maiinis? Naghirap siya sa pag-aayos ng mga details for that party. Tapos hindi naman pala matutuloy.

"But maam, everything was settled. Hindi narin po natin mababawi ang mga binayad natin. Specifically the catering services."

Mommy waved her hand and chuckled. "Hija money is not a problem. It's fine kung hindi na mabawi."

Wala na siyang nasabi at tumango na lamang.

"Pizza party? Ano ako bata?" Patuloy lang ako sa paglipat ng channel at hindi na pinag kaabalahan pang sagutin si Xander.

"Comb my hair please. I'm sleepy." I turn off the television already. Wala namang magandang palabas.

Naramdaman ko nalang na sinusuklay na niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. When Iam with Xander, I feel at peace.

Nagising ako na nasa loob na ng sariling kwarto. Madilim na sa labas. Bumangon ako para bumaba at humingi ng tubig. For sure wala na si Xander. Hindi na ako nag abala pang magsuklay.

Dumiretso ako sa kusina. "Manang can I have a glass water." Pero imbes na si manang ang maabutan ko ay si Brandon na abala sa pagluluto. Lumingon siya sa akin at inihinto ang ginagawa. "Sandali ikukuha kita." Mabilis ang bawat kilos niya, hindi ko na nga namalayan na nasa harapan kona siya. Pero imbes na iabot niya sa akin ang baso ng tubig ay siya na mismo ang nagpainom sa akin.

"There." He smiled. "Gusto mo pabang uminom?"

I blinked my eyes repeatedly. Baka kasi namamalikmata lang ako. Last time I saw him was the time that he was crying. But seeing him right now with a vibrant aura really looks odd to me.

I tried to remain cool and smiled. "No, I'm fine."

He just smile back and continue what's he's doing before I came, which is cooking. "Sit down already. Malapit na akong matapos."

I'm not that hungry but I obeyed him. Kahit na nag-aalinlangan ay nagsalita parin ako. "Where's manang Brandon?" I asked, a bit nervous.

I saw his body stiffened before he uttered a curse. He look at me. Pinatay na niya ang apoy sa niluluto niya at lumapit sa akin. "She's in the market. I don't know what do you wanna eat, so I asked her to buy some ingredients."

"Pero madami na tong niluto mo." Minsan lang kami magkasabay nila mommy at daddy every dinner kaya for sure kaming dalawa lang ang kakain. "I think mom and dad will get home late. Si lolo and lola bumalik sa State for two weeks business matters. Xander is not here also."

Nakita ko ang pagkabigo sa ekspresyon niya ng mabanggit ko ang panggalan ng pinsan. Guilt suddenly hit me. "But we can eat together." Agap ko.

Agad na nagningning ang kanyang mga mata. Tumango ito nang mabilis. "That will be great." He smiled genuinely.

He prepared everything. Ang ginawa ko lang ay umupo at maghintay. Nang matapos siya sa pag-aayos ng dining table ay umupo na siya sa kanang bahagi ko.

"Ako na." Pigil ko ng simulan niyang lagyan ng pagkain ang plato ko.

"No I insist." Nagpatuloy siya kahit na hanggang sa matapos sa ginagawa ay pinipigilan ko siya.

Tahimik na lamang akong kumain habang panaka-naka akong sumusulyap sa kanya. Pero agad ding magbabawi ng tingin kapag nahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin. He's not eating.

I heaved a sigh and look at him. "I think you should eat too."

"Of Course." Saka lamang siyang nagsimulang kumain.

We were eating silently when I heard something. Noong una ay mahina pa. Hanggang sa lumakas ang tunog ng stilettos nang kung sino man.

Agad akong napatigil ng marinig ang malambing niyang boses.

"Good evening Brandon and Cassy." She has this cheerful aura that can make everyone loves her. Kaya siguro lahat gusto siya. Even him.

"Macy." Brandon stood up and kiss her cheek. He even pulled a chair for her.

And right there and then. I know where I will stand in this story.

*****************

😍Sana po basahin niyo ang another story ko. "Unforgettable Vacation"

Pag dinaanan ako ng sipag tatapusin kona ang My Spoiled Brat Princess and then icocontinue kona ang Unforgettable Vacation. Sana magustuhan niyo din.😘😘

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon