Chapter 28

4.8K 101 6
                                    


After a month nadischarge narin ako. I just don't want to feel burden anymore kaya minadali ko ang paggaling ko.

I need to be an independent. 'Yan lang ang nasa isip ko simula ng magising ako.

Walang oras na hindi ko kasama sila Brandon at Xander noong nasa hospital pa ako. Madalas sila ang nagbabantay sa'kin para narin daw makapag pahinga sila mommy at daddy.

Halos anim na buwan pala akong tulog. Kaya maraming naiwang trabaho ang kumapanya na nangangailangan din ng atensyon. Dahil sa'kin napauwi ng wala sa oras sila lolo at lola.

Dahil din sa'kin muntik nang mawalan ng trabaho si Mang Bert. Pero dahil sa likas na maawain si mommy ay hindi sya pumayag sa gusto nila daddy at lolo. That's why until now nasa amin parin ang katapatan ni Mang Bert.

Maraming naapektuhan dahil sa nangyari sa'kin kaya I think it's a wake up call for me narin.

Kaya I have decided na tutulong ako sa kanila hanggang sa abot ng aking makakaya.

Naisip ko rin na masyado nga akong childish. A seventeen year old girl who can't sleep without Brandon singing a lullaby?

Ngayon ko lang naisip na napaka immature ko. Maybe Brandon is right, masama ako.

Actually sa lahat ng sinabi nya, 'yun lang talaga ang pinaka tumatak sa akin. It was the first time that he said that dahil madalas wala syang angal sa kaartehan ko. Totoo nga lahat ng tao ay nagsasawa rin.

Nang makauwi ako galing sa hospital ay pinakiusapan ko si Brandon na gusto kong makausap si Macy. Noong una tumanggi sya. Marahil iniisip nya na aawayin ko na naman si Macy. But I explained everything to him. I told him that I just want to apologize. Kaya sa huli pumayag din sya.

I talked to Macy alone. I was so shocked when she cried. ''Sorry po ma'am, kung hindi dahil sa'kin hindi po ito mangyayari.'' aniya habang patuloy sa pag-iyak.

I smiled. Brandon is right, she's nice.

''It's not your fault. I was at fault that's why I want to apologize.'' I sincerely said.

Sa huli pinatawad nya ako dahil sa pamimilit ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil 'don. Pagkatapos ay umalis na rin sya kasama si Brandon.

I don't know if they are together now, because I have no right to ask. Masakit para sa'kin na makita syang umalis kasama ng iba. But I need to endure the pain.

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon