Ang sama-sama talaga ng loob ko sa kanilang lahat. Paano ba namang hindi, eh lahat sila umalis. Kasama ang mga maids, si manang at si Mang Bert. Isama narin ang ulupong na si Xander dahil hindi ko siya macontact.
Ito na nga sana ang pagkakataon para makatulong siya sa akin pero wala pa siya.
Sabagay, hindi naman tumutulong ang isang yon kapag walang maku-kuhang kapalit.
Pinagmasdan ko ang kalangitan mula sa bintana ng aking kwarto. Madilim pa.
Pero gutom na'ko.
Dahil sa sobrang inis ko sa pag-iwan nilang lahat ay hindi nako kumain. I did not talk to Brandon and locked myself at my room.
Pero pinagsisihan ko ang hindi pagkain kagabi dahil gutom na gutom na talaga ako ngayon.
Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng aking silid. Bumaba ako patungong kusina para kumain.
Natakam ako ng makitang halos lahat ng paborito ko ay nandito. I wonder if Brandon cooked all of this?
Nagsandok ako ng kanin at ulam. I was about to start eating when someone sat infront of me.
Sino pa nga ba, eh dadalawa lang kami dito ngayon. ''Good morning Princess.'' he said in a hoarse voice.
I just ignore him and continue eating. Hindi narin siya umimik muli at pumangalumbaba na lamang sa aking harapan habang mataman akong tinitigan.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo dahil sa gutom. Kakalimutan ko muna ang table manners na itinuro ni mommy sa'kin.
Matapos kumain ay tumayo ako para sana hugasan ang mga pinagkainan ko ng pigilan ako ni Brandon. ''Ako na.'' aniya. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig at isa ring baso ng gatas. ''Drink this.''
Tinanggap ko iyon at muling umupo. Panaka-naka niya akong pinagmamasdan habang naghuhugas siya. Nang makita niyang nakatingin ako ay nag-iwas siya ng tingin.
I sighed. ''What is it?'' I asked. Pag ganyan ang inaakto niya meaning may kailangan siya.
Alanganin siyang ngumiti. ''W-well I just want to ask i-if...'' he paused.
''If?'' pag-uulit ko.
Huminga siya ng malalim at itinigil ang ginagawa. ''If you like the foods? Masarap ba?'' alanganin niyang tanong.
I smiled and nodded. ''Yes. It tastes good.'' I admitted. Bukod sa paborito ko lahat ng niluto niya, ay talaga namang masarap.
He smiled and walk towards me. He kissed my forehead and hug me. ''That's good to hear.''Aniya sa maligayang boses.
Biglaan ang pagtibok ng puso ko. Akala ko nung pagkagising ko galing sa pagkaka coma ay mawawala na ang epekto niya sa akin. Akala ko kasi after kong sumailalim sa heart surgery at makaligtas sa aksidente ay mababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pero hindi man lang nabawasan. Parang mas nadagdagan pa nga.
Pinigilan ko ang mapaiyak sa harap niya. Miss na miss ko na si Brandon. Yung Brandon na laging ako ang priority. Yung Brandon na sinusunod lahat ng gusto kahit na may maapektuhang iba, basta maibigay nya lang ang nais ko.
I patted his back before I pushed him. ''Thanks for the foods.'' Tumayo na ako at lumabas ng kusina.
Ayoko ng ganitong set up. Kasi feeling ko pinahahalagan niya talaga ako. But the truth is, napipilitan lamang sya because of my parents.
I wiped my tears.
It's Saturday kaya wala akong klase. Dumiretso ako sa aking kwarto at nagpalit. I'll jog.
I checked my phone. But to my dismay no one dare to text me.
Aren't they going to ask me if I'm okay?
Because I'm not.
I went out immediately. Hindi nako nagpaalam kay Brandon tutal dito lang naman ako sa loob ng subdivision mag jojogging.
Halos dalawang oras akong tumakbo. Nang mapagod ay bumalik din agad ako. Papalapit pa lamang ako sa gate ng aming bahay ng mabungaran ko si Brandon. He's staring at me intensely.
Ano na naman ang ginawa ko?
''Where have you been?'' he shouted. Napaatras ako dahil don.
I don't like him when he's shouting. ''S-sorry.'' takot kong sabi.
Marahas niyang hinaklit ang braso ko. Napapitlag ako dahil don.
'Mauulit na naman ba?'
Hindi ko napigiling mapahikbi. I bowed my head at inaantay ang muli niyang pagsigaw. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha.
He cupped my chin kaya napilitan akong tumingin sa kanya. Lumikot ang mga mata nya ng makita ang itsura ko.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang aking mga luha. ''Next time, tell me if you want to go out. Para masamahan kita.'' he said calmly.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.
