Natigil lahat sa pagkain nang magsalita si daddy. Maging si Xander na maingay kumain ay natahimik. Hindi ako nakaimik dahil doon. Natuon sakin lahat ng atensyon, marahil nag-aabang sila sa magiging sagot ko.
''I'll think about it pa po tita.'' ani ko habang na kay daddy ang buong atensyon ko. Napailing na lamang sya dahil sa naging sagot ko.
''Oh well, I think maganda kung after ng graduation nila Brandon at Xander ka nalang magbakasyon. Para makasama sila. You know, before they take over the company.'' ani tita Brigette.
Tumango sila mom at dad. ''That's a good idea.''
I did not say anything. 'Masyado ba silang excited na mawala ako?'
I saw Brandon staring at me. Nakakunot ang noo. Napalunok nalang ako sa kaba. ''You want to have a vacation now?'' he asked.
As if naman pwede syang umalis. If I say yes sasama ba sya?
Umiling na lamang ako. ''It can wait.'' I said casually.
Xander heaved a sigh. Nakuha nito ang atensyon naming dalawa. ''You should go now Cassidy. You postponed this many times. It's bad.'' He said almost to himself.
I know. Pero pano kayo?
''Is there something you didn't tell me Cassidy?'' mariing tanong ni Brandon.
What now? I'm so tired about this.
I stood up. ''Tapos na po akong kumain.'' dali-dali akong umalis. Hindi ko narin sila inantay sumagot. I can't think straight. Lumabas ako ng gate at umupo sa harapan ng bakuran namin.
Hindi pa ako nagtatagal ng may baso ng tubig na tumambad sa harap ko. ''You did not drink yet.'' I just stared at him. ''Don't you like water? How about juice?'' aniya.
I shooked my head. ''It's fine.'' pagod kong sabi bago kinuha sa kanya ang baso ng tubig at uminom.
Kinuha niyang muli sakin ang baso bago nito inilapag sa kanyang tabi. Nanatili lamang akong tahimik.
Nagulat na lamang ako ng bigla nya akong niyakap.''Damn, I miss you so much.'' bulong niya. Isiniksik nya lalo sa aking leeg ang kanyang mukha. ''Please don't do that again. Wag mo na akong dedmahin, alright.'' ramdam ko kung gaano kabilis ang tibok ng kanyang puso.
I sobbed. ''Ayaw na kitang maging kaibigan.''
He shook his head immediately. ''No, don't say that please.''
''I hate you, pinagpapalit mo na'ko sa Macy na yon.'' Iyak lang ako nang iyak. He hugged me tight.
''That's not true. How many times do I have to tell you that it will always be you?'' his voice broke. Ramdam ko rin na nagtatampo sya.
Pero nagtatampo rin naman ako ah?
''Mas gusto mong kasama siya kaysa sa'akin.'' akusa ko. ''Ipinagtatanggol mo pa sya.'' sigaw ko sa kanya. ''D-dapat ako lang.''
Inihiwalay nya ang katawan niya sa'akin. Saglit lang yon dahil yumakap lang lalo ako sa kanya. Dapat yakapin nya ako kasi nagtatampo ako sa kanya.
''Because she's a nice girl.'' dahilan nya.
Sumimangot ako dahil sa sagot nya. ''Ah basta ayoko. Dapat ako lang pinagtatanggol mo, kasi diba love mo ko? Bakit love mo naba sya?'' dire-diretsyo kong sabi habang nakayakap parin sa kanya.
'Mukha na'kong tuko nito.'
Tumawa lang sya dahil sa sinabi ko. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at mataman akong tinitigan. ''Always remember this.'' he paused. ''No one, can defeat the love that I have for you.'' aniya bago hinalikan ang aking noo.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.