''Brandon get off me.'' I shouted this time.Kanina pa ako nagmamakaawang tanggalin niya ang pagkakayakap sa akin pero wala.
''I said get off me.'' He's really infuriating.
Buong lakas akong tumayo at nagawang makatakas sa pagkakayakap niya.
Hingal na hingal ako at pawis na pawis nang magising sa isang panaginip.
Right! It's just a dream.
Brandon hugging me from the back and the things that happened with him, were all just a dream. Yeah, just a dream.
It's already morning. I need to go to work. I just had a dream that we're fine but no. Xander sudden visits the other day left me this effect. An endless dream. A nightmare to be precise.
Ibang iba ang panaginip ko sa mga bagay na nasa isip ko na mangyayari kapag nagkita kaming muli.
He can't tame me that easily. No.
Never.
I busied myself with paper works. Nag overtime din ako. Sobrang nagtataka pa ang mga employees namin dahil sa pag oovertime ko. I just really want to forget the feeling.
Longing. That's what I felt.
This is my life now. I chose to stay away from him. Tama to.
Xander stop pestering me already. Hindi narin siya nangungulit. Maayos ang naging buhay ko sa loob ng dalawang linggo. Gigising, papasok sa trabaho at matutulog. That's my daily routine and I'am now starting to feel that it's boring.
I woke up this morning thinking about pursuing my plans
Sawa na ako sa buhay ko dito sa Laguna so I decided to return home gaya nang gusto ng pamilya ko. Wala namang masamang bumalik sa sarili kong bahay. At isa pa, alam kong wala siya.
Nagsabi ako kay daddy na ayaw ko nang magwork at gusto kong magtravel. And being a spoiled brat princess of the family he said yes immediately. Kami naman ang may-ari ng company na pinagtatrabahuhan ko, so there will be no problem.
Nagpasundo ako kay Xander tutal wala naman siyang ginagawa sa buhay. At baka kasi maisipan kong magsama ng companion kapag nagtravel na ako, pwede na siya.
Pagdating namin sa mansion na kinalakihan ko ay bumungad agad sa akin sina lolo at lola. Beside them are my parents. Lahat sila kakikitaan ng saya sa pagbabalik ko. And I'm happy that I'am back.
''Hija we miss you so much.'' Una akong nilapitan ni lola. She hugged me tight and kiss me endlessly. Sumunod sa kanya si mommy na umiiyak na ngayon. ''Please anak wag kanang aalis ulit.'' She sobbed.
I smiled. ''Sorry mommy kung nagworry kayo. Hindi napo mauulit.'' Tumango lang ito at nag-aya ng pumasok. Daddy and lolo hugged me too before we went in.
Sunod lang nang sunod si Xander. Para siyang pet.
Lola cooked my favorites. I tattle tale nonstop and they seem interested naman. Xander on the other hand open a topic about their new project. Dad said na balak niyang maginvest dito.
Habang nagsasalita si Xander narealize ko na pati siya nagbago narin. He's not the Xander that I used to know. Well medyo nagbago siya ng konti kasi kung pagbabasihan ko ang pagiging palahingi niya, yun parin siya. Mas lumala pa nga yata.
What do I expect? After I graduated college umalis na ako para tumira sa Laguna. And it's been two years already. Kaya hindi nakakapagtaka na maraming pagbabago sa paligid ko.
Mommy said she wants to throw a party for my comeback. I can't say no because dad, lola and lolo agreed immediately.
We continue eating while Xander still talking about business.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pamilyar na boses. She sounds happy. Tumatawa pa nang pumasok si Macy sa may dining area. I stiffened.
''Oh Macy hija nandito na pala kayo. Come join us.'' Aya pa ni mommy.
Napapikit ako ng mariin. Pagmulat ko ay sumalubong sakin ang nanlalaki niyang mga mata. ''Cassy? Oh my gosh your back.'' Nang makabawi sa gulat ay mabilis itong lumapit sa akin. ''I miss you Cassy.'' Yumakap din ako bilang ganti. Ayoko namang maging bastos. Masaya rin naman akong makita siya muli.
Nang hindi parin ako makapagsalita ay binaklas na ni Xander ang mga braso ni Macy sa'akin. ''Namiss karin daw niya.'' He said with a smirk. He's staring with someone else.
Naging akward na ang lunch simula ng dumating sila. Macy seems oblivious about it though. Nalaman ko lang na kaya siya nandito ay dahil pinatawag siya ni mommy dahil sa party para sa akin.
And guess what kung sino ang sumundo sa kanya? No other than Brandon.
Oh diba? Ang gandang pawelcome.
Kanina kopa gustong sakalin si Xander pero hindi ko lang magawa dahil sa nandito pa sila dad. Tatlong oras kaming magkasama sa byahe pero hindi niya manlang sinabi na may unwanted visitor kami.
''I want it to be perpect ha Macy?'' Ani mommy sa malambibg na boses.
''Opo ma'am.''
Napakatagal bago matapos ng pagkain namin dahil sa ang hinayupak na Xander ay nagbida nanaman. ''Tita sino pong magiging escort ni Princess Cassy? Ako po ba o si Brandon?''
Talaga!
Ang kaninang masiglang aura ni mommy ay napalitan na ngayon ng pag-aalala. And now they've noticed that I'am not comfortable anymore. Thanks to you Xander.
''Ahm k-kung ayaw naman ni Cassy kahit wala na.'' Nag-aalangan pang sagot ni mommy.
I massaged my temple. ''I think kailangan kona munang magpahinga.'' I stood and smiled to everyone. ''Mauna napo ako.''
Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagtayo din ni Brandon. He's is sitting beside Macy, yung katapat nang inuupuan ko. Ang saya naman.
Bago ako umalis sa hapag ay hinila ko sa tenga si Xander. Kailangan ko siyang pagbayarin sa paglalaro niya sa akin.
At isa pa, kailangan ko ng human shield dahil hanggang ngayon nakasunod parin si Brandon.
Napaka gandang pawelcome back!
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Ficción GeneralShe can get whatever she wants, but not his heart.