Naging maayos ang buhay ko sa mga lumipas na araw. Walang kahit na sinong nambulabog sakin particulary there's no Xander around.
Nakapag trabaho ako ng walang istorbo. Walang tumatawag. Walang napunta sa bahay. I'm all alone now. At yun ang gusto ko, ang mag-isa.
Well actually akala ko lang pala dahil kinaumagahan ng Lunes ay bumungad na sa harapan ko ang pagmumukha ni Xander. This time he's wearing his confident smile. ''Hello princes.'' Bati nya bago dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay ko.
''Xander I have work today. I don't have time for this shit of yours.'' angil ko.
''Ah ah. Bad mouth princess.''
''Ano na naman bang problema mo?''
Ngumiti lang ito ng nakakaloko bago pumasok sa kwarto ko. Sinundan ko sya at naabutang nag-iimpake ng mga gamit ko.
What the hell?
''What are you doing?''
''Packing your things princess. Uuwi kana sa Manila. And just so you know wala kanang trabaho.'' He said happily.
I snatched my luggage to him. Nagsimula akong ilabas ang mga gamit ko. ''This is my home now. Hindi ako uuwi at anong walang trabaho? Kami ang may ari ng company na'yon!'' I said frustratedly.
Hinablot niyang muli ang maleta mula sa akin. ''Para sabihin ko sayo hindi na kayo ang may-ari ng 'company na'yon'.'' He said mimicking my voice.
''I so hate you to the moon and back!''
He just laughed.
''You'll love me after this.'' Nagpatuloy lang siya sa ginagawa habang pasipol sipol pa. Tumingin pa ito sa relo niya bago nakangising tumingin sakin. ''Kung tatayo kalang dyan aabutan ka niya.''
''Hindi talaga ako aalis dito kahit anong mangyari kahit anong gawin mo.'' I shouted.
''Bahala ka parating narin naman siya any moment.'' Nakangiting sabi nito.
Bago pa ako makapagreact ay biglang may nagdoorbell. No fucking way!
Sunod sunod ang pagtunog nito and I started to panicked.
''Prinsesa pakibuksan ang pinto at baka wasakin na naman ng mahal na prinsipe.''
Damn this bastard!
I know they made a trick again. I walked back and forth thinking how can I escape from him.
''I told you, you'll love me after this. Kaya lang umiral na naman yang katigasan ng ulo mo. Now face the consiquence.''
Hindi ko na pinansin ang talipandas because I'am starting to make a plan. And damn it dahil wala akong maisip.
Bumaling ako kay Xander at walang sabing binato siya ng unan. ''You idiot. Bakit hindi mo agad sinabi?'' Nanggagalaiti kong sabi. Patuloy parin ang pagkalambag ng pinto at feeling ko any moment masisira na'yon.
Nang wala na talaga akong maisip na paraan ay dali-dali kong dinampot ang vase malapit sa may pinto sabay labas. It's now or never.
''Princess wag mo munang patayin si Brandon. 'Yong kotse ko hindi pa niya naibibigay.'' Narinig ko pang sigaw ni Xander.
Talaga naman!
-------------------------------
Please read my other story ''UNFORGETTABLE VACATION''
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Fiksi UmumShe can get whatever she wants, but not his heart.