Epilogue

7.6K 166 16
                                        

'Sandali.'' dali-dali akong tumakbo papunta sa sasakyang huminto sa harap ng aming bahay.

We're playing outside with our neighbors. Pero dahil dumating na sya ayaw ko nang maglaro.

Nakasunod sa'akin si Xander. Parehas kaming nag-aabang sa paglabas niya. Awtomatiko ang pag ngiting ginawa ko ng masilayan ang maamo nyang mukha.

''Hi Brandon.'' kumaway siya. ''Hi Xander.'' halos hindi na namin maintindihan ang sinabi nya dahil sa dalawang lollipop ang nakasubo sa kanyang bibig.

Agad kong kinuha ang towel na nakasabit sa aking balikat at pinunasan ang gilid ng kanyang bibig. Panay ang tulo ng laway nya dahil sa pilit nyang pinagkakasya ang dalawang lollipop sa kanyang bibig.

Ang cute nya.

Sandali nyang tinanggal ang kinakain at saka nagsalita. ''Brandon gusto mo?'' iniaabot nya sa akin ang isang lollipop.

She's really sweet. In her own way.

''Ako gusto ko.'' singit ni Xander.

''Ay sorry Xander, three kasi 'to kanina.'' itinaas pa nito ang tatlong daliri. ''Kaya lang habang nagdrive si daddy papunta dito kinain ko na yung para sayo.'' Tumigil ito sandali at dinilaang muli ang hawak na lollipop. ''Yung kay Brandon nalang at ang akin ang natira. Kaya lang natukso ako kaya binuksan ko rin yung kay Brandon.'' patuloy nito.

Napakamot na lamang ng ulo si Xander. '' Woah, ibang klase.'' nadidismayang sabi nito.

Gaya nang dati hindi ito pinansin ni Cassy. Bumaling ito sa akin at ngumiti. ''Gusto mo ba nito?'' itinaas nito ang hawak na candy.

Ofcourse. That will be an indirect kiss pag nagkataon.

I know that what I'm thinking is wrong. I'm just ten and she's just seven. Pero gusto ko talaga eh.

''Kaya lang may laway ko na.''

Kahit na gusto kong kunin ang lollipop na inaalok nya ay pinigilan ko ang aking sarili. Halata kasing ayaw nya talagang ibigay. She's just being polite.

Umiling ako. ''Hindi na. Sayo nalang 'yan.''

''Yehey. Thank you.'' Agad syang kumandong sa'akin at humalik sa aking pisngi. ''You're the best.''

Every Sunday lang kami nagkikita. Minsan sila ang napunta sa amin o kaya kami ang pupunta sa kanila. Kaya talagang Sunday ang paborito kong araw sa buong linggo.

Kaya sobra ang pagtataka ko nang hindi sila pumunta sa bahay namin. ''Mommy bakit po hindi pumunta sila Tita Cassandra ngayon? Saka po si Cassy?''

Kanina pa kasi ako nag-aabang. Gumising pa nga ako ng maaga para magluto ng paboritong pancake ng aking prinsesa. Gabi na at hindi ko parin sya nasisilayan.

Bakit kasi magkaiba kami ng school? Edi sana everyday ko syang makikita kong schoolmates kami.

Malungkot lamang itong ngumiti. ''May sakit kasi si Cassy anak.''

''Ha? Bakit hindi mo po agad sinabi mommy? Puntahan po natin si Cassy.'' natataranta kong sabi.

Sobra talaga ang kaba ko. Baka umiiyak sya ngayon? Kailangan nya ako.

Agad akong pinigilan ni mommy. ''Gabi na anak. At saka nandoon na si Tita Mariam mo para icheck ang condititon ni Cassy.'' masuyo nitong sabi.

I shook my head. ''Mommy gusto ko pong alagaan si princess.'' hinila ko ang laylayan ng dress ni mommy.

Kaya naman tuwang-tuwa ako nang pumayag sila na kina Cassy ako matulog.

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon