Chapter 8

4.8K 121 0
                                        

‘‘Manang I can‘t breathe.‘‘ ngawa ko habang hinihila ang laylayan ng bistida niya.

‘‘Normal lang yan dahil sa barado ang ilong mo ng sipon.‘‘ aniya pagkatapos akong abutan ng tubig.

‘‘Ei, kahit na manang. Diba dapat tinatawagan niyo na po si Brandon kasi kawawa naman ako.‘‘ I pouted para mas effective.

Umiling iling lamang siya habang inaayos ang mga unan na inihagis ko kanina dahil sa ayaw nila akong sundin. What‘s the big deal ba kasi? Eh I just want them to call Brandon lang naman. Para sasabihin lang naman nila na I‘m sick at kailangan ko sya. Duh.

‘‘Ikaw talagang bata ka, may pinagkaka- abalahan din naman yung tao. Mamaya niyan makaistorbo pa tayo. At saka sipon lang naman yan hija.‘‘ ani manang.

Lalo lang akong napasimangot dahil sa sinabi niya. ‘‘Manang naman hindi lang po ito sipon may ubo rin po kaya ako.‘‘ katwiran ko sabay ubo pa ng malakas para maawa siya saakin.

‘‘Hay nako kang bata ka. Sino ba naman ang may sabi na kumain ka nang kumain ng sorbetes?‘‘

Kailangan ‘sorbetes‘ talaga ang term?

‘‘Manang si lolo po talaga yung may kasalanan. Bumili po kasi sya ng maraming ice cream. Kaya po tawagin niyo na si Brandon.‘‘ ulit ko pa.

Bago pa man makasagot si manang ay biglang nagsalita si lolo na base sa pagkakangiti ay malamang sa malamang kanina pa nakikinig samin. ‘‘Bakit naman ako nasali sa usapan?‘‘ pilyong tanong ni lolo.

‘‘Please help me lolo. Call Brandon na.‘‘ I beg. ‘‘Please. Ikaw naman may kasalanan kung bakit ako may sipon eh. ‘‘ katwiran ko pa. Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

Like what I have expected. Huminga lang siya ng malalim bago kuhanin ang kanyang celphone. Yes!

‘‘You really depend on him huh.‘‘



My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon