Chapter 34

4.9K 122 19
                                        


''I'll cook, what do you want to eat?'' he asked. Umiling lang ako bilang sagot.

Kanina pa sya tanong nang tanong. Kung gusto ko bang kumain, mamasyal, mag-shopping, mag swimming at kung ano-ano pa.

Tanging iling lamang ang sinasagot ko. Halata na sa boses at itsura nya ang inis.

Simula kaninang umaga pag-uwi ko galing sa pagjo-jogging at matapos nyang magalit sa akin ay hindi nako umimik pa. Kaya alam ko naiinis na sya sa'kin.

Nakahiga lang ako simula kanina dito sa sofa sa sala habang nanonood ng hindi ko alam. Hay!

He was about to speak again when his phone rang. Dali-dali nyang kinuha ito at lumabas.

It's Macy.

Dati wala syang pakialam sa mga tumatawag sa kanya. Kung sagutin man nya ang tawag ay ginagawa nya 'yon sa'king harapan.

'But now is different.' pagalit ko sa aking sarili.

Bumalik sya ng may nakapaskil na ngiti sa kanyang mga labi. Gone the irritated looks because of me. Lumapit sya sa akin. ''Let's go out. Let's eat fast food?'' he asked.

I nodded immediately. Ni minsan hindi siya nag-aya na kumain ng fast food. Ngayon lang.

Ang pagkakatanda ko ayaw nya ng ganoong klase ng pagkain dahil sa hindi raw healthy. Kaya nakapagtataka na nag-aya siya ngayon.

Hindi nako nag-abala na mag-ayos pa dahil saglit lang daw kami.

Pero ang saglit na sinasabi niya ay nauwi sa maghapong pagkwekwentuhan nila ni Macy.

Pagdating namin sa paborito kong fast food chain ay nandon na si Macy. Nakaorder narin sya.

Halos lahat ng inorder niya ay hindi ko gusto. Kung ako pa ngayon ang dating Cassidy Entice malamang nagwala na ko.

Pero ika nga, Change is coming!, Kaya tahimik lang akong kumain habang abala silang dalawa.

Hindi man lang sila nag-abala na isama ako sa pag-uusap nila.

Kaya pala nag-aya si Brandon dahil tinawagan siya ni Macy para ayaing kumain. Bale, nadamay lang ako sa paglabas nila kasi walang maiiwan kasama ko.

Still a liabity to Brandon.

Sana pala hindi nalang ako sumama. ''Exuse me, cr lang ako.'' dire-diretso ako at hindi na lumingon pa.

Nagtagal ako sa loob ng comfort room. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I'm just wearing a white shirt, jeans and slippers.

Ang sabi nga kasi saglit lang. Samantalang sila bihis na bihis. Pwede nanga silang magdate sa fine dining restaurant sa sobrang ayos nila.

Nagtatawanan sila ng makaupo akong muli. Tinitigan ko ang pinggan ko. Hindi man lang nangalahati.

''Ma'am Cassy ayaw mo po ba ng pagkain mo?'' umiling ako.

''No it's okay. And please stop calling me ma'am, Cassy will do.'' I smiled.

Brandon did not say anything. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagcecelphone.

Tawa sila nang tawa samantalang inip na inip na talaga ako. Tinignan ko si Brandon na abala sa pagtawa pero nakutuon naman ang buong atensyon sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumayo na. I can't take this any longer. ''I'll go now. Enjoy.'' nginitian ko si Macy.

Dali-dali akong lumabas at hindi na lumingon pa. Malapit na akong makalabas ng may humablot sa braso ko.

''Cassidy Entince.'' mariin nyang sabi. ''We're still talking.'' Brandon said in greeted teeth.

Ngumiti ako ng mapakla. Pinipigilan ang pag-iyak. ''K-kaya nga aalis nalang ako.'' buong tapang kong sagot.

''Brandon I think I should go now.'' hindi ko namalayang nakasunod pala silang dalawa sa akin.

'First name basis huh!'

I'm not mad at Macy. Galit ako kay Brandon. Sana hindi nalang niya ako sinama kung ganito lang naman ang magiging papel ko dito. A fucking chaperone.

''Ihahatid kana namin.'' alok pa ni Brandon. Hindi nya binibitawan ang kamay ko kaya't hindi ako makaalis.

''Hindi na, dadaan pa kasi ako sa mall.'' nahihiyang tugon ni Macy bago ngumiti sakin.

''No I insist. Samahan ka narin namin sa mall. That's the real plan anyway.'' ani Bradon.

Real plan? Eh ba't sinama pa ako?

Nahihiyang tumango si Macy. Wala na'kong nagawa ng hilahin ako ni Brandon papunta sa kanyang sasakyan. Binuksan nya ang pinto sa backseat bago tumingin sakin. ''Hop in.''

Pinigilan kong makaramdam ng kahit anong klaseng sakit. But I failed. Pinagbuksan nya ng pinto sa passenger seat si Macy bago umikot at sumakay narin.

He even helped her to buckle her seatbelt. Ngiti lang naman ang sinagot sa kanya ni Macy.

Pumikit ako ng mariin at nanalangin na sana matapos na'to. I used to sit beside him. But who am I? She's his girl and not me.

Hindi na'ko nag-abalang ikabit ang seatbelt ko. I plugged my earphone at tinodo ang volume nito. Binaliwala ko ang kanilang prisensya kahit ang hirap hirap gawin.

Patuloy sila sa pagkwekwentuhan. Brandon seems happy. Kasiyahan na kahit kailan hindi ko naibigay dahil sa naging pabigat lamang  ako para sa kanya mula noon at hanggang ngayon.

Pinunasan ko ang mamakulit na luhang umalpas mula sa aking mga mata. Kahit anong pagalit ko sa sarili na wag ng masaktan, hindi ko parin magawa.

Ang hirap-hirap makitang masaya sya ng dahil sa iba.

Minsan isinasali ako ni Macy sa pag-uusap nila. Siguro nahalata nyang naiinip na ako. She's really nice. No doubt nagustuhan sya ni Brandon.

Pinagmamasdan ko lang ang dinadaanan namin hanggang sa iparada ni Brandon ang sasakyan nya sa parking malapit sa isang mall.

Nauna syang lumabas. Macy smiled at me kaya ngumiti ako pabalik. ''Tara na?'' she said politely.

I shook my head. ''Dito nalang ako.''

Bumukas ang pinto sa side nya kaya napatingin kaming dalawa 'don. Inilahad ni Brandon ang kamay nya para alalayan palabas si Macy. Bumaling sya sa akin at malamig akong tinitigan. ''Let's go.''

He's smiling from ear to ear kapag si Macy ang kaharap nya pero pag ako na he's cold.

I forced myself to smile. ''K-kayo nalang. I'll wait here.'' nanginig ang boses ko.

Huminga siya ng malalim. Hindi na sya umimik pa at isinara na nang tuluyan ang pinto. Nagawa pang kumaway sa akin ni Macy, samantalang diretso lang ang paglalakad ni Brandon at hindi na muling sumulyap pa sa akin.

Pinagmasdan ko silang umalis. Patuloy lang sa pag-agos ng aking mga luha.

My Brandon is now gone. He's not mine anymore.

I smiled bitterly.

Hindi naman talaga siya naging akin. I just assumed.

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon