I'am comfortably sitting while chewing my favorite pancake. Brandon still cooking more pancakes for me because I told him that I want to eat a lot for breakfast.I'm so hungry because I didn't eat anything last night. I immediately fell asleep while Brandon still carrying me and singing a lullaby.
I just realized that, yes I need to forget my feelings for Brandon and stop assuming for his actions, but I don't need to totally change my attitude. Kaya now, I decided na I won't forbid myself from loving him. But I promised na hindi na ako maghahangad ng anumang kapalit galing sa kanya.
Fair enough. I can show him how much he meant for me but I'll make sure that I would never be a hindrance to his lovelife anymore. Hahayaan ko lang syang 'pumag-ibig.'
Nakakapagod kasing pigilan ang sariling nararamdaman. Kaya, the old Cassidy Entice Tiu is now back. Yung jolly, madaldal, maarte, maldita at brat. Pero kahit ganun I will still lessen my bratiness to others. In that way I can earn more friends.
But like what I've planned, I will lessen my bratiness to others.
Others. Excluding Xander.
Kaya nang umupo ito sa harapan ko ay agaran ang pagngisi ko. Akala nya siguro na I will forget what he did last night.
Naputol lang sandali ang pagtititigan namin ng maglagay ulit si Brandon ng isang platong punong puno ng pancakes. ''More pancakes for my princess.'' he announced cheerfully.
Xander was about to get one when Brandon forbid him. ''That's not for you.'' tumalikod ito at muling nagluto.
I smiled devilishly at Xander.
Tinuro pa nya ako gamit ang kutsarang hawak nya. ''Ano umarte kana naman sa pinsan ko? Bakit nakangiti ka? Diba napagalitan ka?'' sunod-sunod nitong tanong. He's just whispering. Panaka-naka pa syang sumusulyap sa gawi ni Brandon.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. ''Yun ang akala mo.'' nang-uuyam kong sabi na lalo lamang nyang ikinasimangot.
Huminga sya ng malalim at nag puppy eyes. ''Cassy gutom na'ko pahingi ng isa.'' nagpaalam pa nakakuha na naman.
''PG.'' I said.
''Hoy, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagugutom ngayon. Kung saan-saan ako pinapunta ni Brandon. Hindi ka man lang mag thank you. ''
''Oh edi wow.''
''Thank you ang sabihin mo.'' patuloy sya sa pagnguya ng pancakes.
''Akala ko ba isa lang? Ang dami mo nang nakain hah!''
''Wag kangang madamot ang dami-dami nyan eh.''
Hinayaan ko nalang sya at nagpatuloy na sa pagkain. Ofcourse I'm thankful that he cares for me. Pero nunkang sabihin ko yon. Edi matuwa pa sya.
Lunes ng umaga ng ipasa ko ang group requirements namin for finals. It's a bit early pero mas okay ng mauna kaysa mahuli.
This coming friday na kasi ang final examination namin kaya busy na ang lahat. Except from me and Cherry dahil pagrereview nalang ang kailangan naming problemahin.
Diretso ang lakad ko papunta sa loob ng cafeteria ng biglang humarang sa diraanan ko ang grupo nila Maddie. ''Cassidy.'' tawag nya pero hindi ko man lang sya pinansin.
Whatever.
''Cassy.'' she called me again. Para silang aso na nakasunod.
''Cassy please babagsak kami pag hindi mo sinali ang pangalan namin sa requirements natin kay Prof. Ancheta.'' she pleaded.
Natawa ako dahil don. I'm not that bad kaya kasali parin sila sa pagpapasa ko. They will get the same grade that I will have, but only in projects. Malamang ang ikababagsak nila ay ang exams. If I'm not mistaken simula prelim ay puro mababa ang nakukuha nilang score sa mga quiz at exams.
''Oh! Akala ko ba isusumbong mo ako kay Prof Ancheta dahil inalis ko kayong tatlo sa grupo natin sa kadahilanang ang tatamad nyo?'' I asked.
Lumunok sya maging sila Thara at Heather. Ganyan nga matakot kayo.
''He just looked at us okay. Ofcourse hindi sya maniniwala samin lalo na at ikaw ang involve.'' she frustatedly said
Bingo!
''Buti alam mo na ngayon.'' titigan ko sila mula ulo hanggang paa. Halos lahat din ng tao sa loob ng cafeteria ay nakatingin na sa amin.
''Always remember this. Your money is nothing compare to my own money. Your family can't bring down Tiu empire. Kaya magtino kayong tatlo. Okay?'' I said sweetly.
They nodded their heads in unison. Very good.
Before I leave I told them that they are still part of the group. ''Oh my, thanks. We're going to pass na.'' maarte nitong sabi.
''Don't thak me yet. Are you sure you're going to pass just because of those papers?'' With that I left them dumbfounded.
Serve them right.
Friday ng umaga ay pumasok na agad ako kahit na hapon pa naman naka schedule ang exam ko. Brandon is not around and I don't know why. While Xander is busy preparing for his tuxedo. May party 'ata. Sa kanya nalang ako nagpaalam na papasok na ako para sa final review namin ni Cherry.
Sinabihan pa nya akong umuwi ng maaga na hindi ko na rin masyadong nabigyang pansin. I drove using my car. Ngayon ko nalang ulit nagamit ito dahil simula ng umalis sila mommy at daddy si Brandon na ang naghahatid sa akin papasok.
Sa library kami nagreview pagkatapos ay naglunch kami sa labas ng university.
Exactly twelve thirty in the afternoon ay nasa loob na kami ng classroom.
Ala una ng hapon nagsimula ang final examination namin. Everyone is seriously reading the test questionaire. If I know nangangamote na ang mga 'yan.
Nagkatinginan kami ni Cherry. Ngumiti sya ganun din ang ginawa ko. Madali lang para sa'min ang exam dahil halos lahat nareview namin.
Kami ang naunang natapos magtake ng exams. Matapos maipasa ang mga answer sheets ay agad na kaming umalis. While the others are still pretending that they're seriously taking the exam.
''Sa wakas. Vacation is coming.'' Cherry shouted pagkapasok namin sa sasakyan ko.
Tumawa lang ako. Nakakastress magreview at mag-exam. Pero ang mas nakaka stress ay ang wala kang maisagot sa exam. Buti nalang talaga masipag din magreview si Cherry kaya mas ginanahan akong mag-aral.
''So, where are we going now?''
Tila nag-isip pa ito. ''Oh my, let's buy new dress.'' she shrieked.
Agad ko naman itong sinang-ayunan.
Ang dami kong napamili. It's for Xander, Brandon and more for me. Sa mall narin kami nagdinner. Halos hindi namin namalayan ang oras kung hindi lang tumawag ang mommy ni Cherry para pauwiin ito.
''Are you sure okay ka lang magdrive mag-isa? Iwan mo nalang kaya ang car mo dito tapos ihahatid ka namin sa inyo?''
''Ano ka ba, kaya ko naman.'' hindi ko na siya hinayaang makapagreklamo pa at agad ng itinulak ito papasok sa kanyang sasakyan. Kumaway ako bago pumasok sa sarili kong sasakyan.
Tanging ilaw lang sa sala ang bukas sa bahay ng makarating ako. Uupo pa lang sana ako ng makita kong patakbong bumababa si Xander galing sa pangalawang palapag.
''Fuck, Cassidy san kaba galing?'' hinihingal nitong tanong.
Napakunot naman ang noo ko. ''Sa university, exam namin ngayon remember?''
''Nang ganitong oras? I told you to go home early.'' Marahas itong napakamot sa kanyang batok. ''Kanina pa nagwawala si Brandon dahil wala kapa.''
Tinambol ng kaba ang aking dibdib. Ano bang nangyayari?
Wari'y nabasa nya ang nasa isip ko. Hindi sya makapaniwalang napatingin sa akin. Nang hindi ako sumagot ay mahina itong napamura.
''Cassy today is Brandon's birthday.''
Damn.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.