Chapter 24

4.3K 89 3
                                    

Nang gabing 'yon pinatulog ulit ako ni Brandon gaya ng dati. Namiss ko talaga ang pagkanta nya ng lullaby habang karga ako. Well, ako lang naman talaga ang nagbawal sa kanya na puntahan ako kahit na lagi syang nagpupumilit.

We're back to normal. Lahat ng kanyang oras ay nakalaan lang para sa'kin. Bumabawi lang daw sya.

Babangon na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. I thought it was Brandon. But it's my parents.

''Can we talk?'' alanganing tanong ni mommy. Habang si daddy ay mataman lamang nakatitig sa akin.

Kinakabahang tumango na lamang ako.

Tumabi sa'kin si mommy. Nanatili lamang akong tahimik. Pagkaraan ng ilang minutong katahimikan ay narinig kona ang pag-iyak ni mommy.

Maging ako ay napaiyak narin. I know I'm such a burden.

''Anak please. Pumunta na tayong States.'' nagmamakaawang sabi ni daddy habang yakap-yakap si mommy.

Lalo akong napaiyak dahil sa nakikitang takot sa kanilang mga mata. ''Let's take a risk.'' dagdag pa nito.

Humikbi lamang ako. I don't know.

''Please Cassy, anak.'' ani mommy.

Tumango lamang ako para sa ikapapanatag ng loob nila. Pero ang totoo natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na'ko makauwi.

Ilang linggo na'kong hindi nakakapasok. Hindi ko'yon ipinapaalam kay Brandon o kahit na kay Xander.

Madalas na'kong mahirapang huminga kaya sobrang nag-aalala na sila para sa'kin.

''I'll book our flight right away.'' ani daddy na agad ko namang tinutulan.

''Dad please. S-sasama ako pero pagkatapos na po ng graduation ni Brand-.'' hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang sumigaw si daddy. Lalo rin lang lumakas ang iyak ni mommy.

''Stop it Cassidy. Don't defend your life with anyone. Make your own decision.'' tumulo narin ang luhang kanina pa pinipigilan ni daddy.

I know. But I can't. He's my life.

''Daddy, mommy please po. Gusto ko lang pong makita si Brandon na maka-graduate. Please po.'' I plead.

Niyakap ako ni mommy at marahang tumango. ''Okay, but after that aalis na tayo.''

I nodded. Dad heaved a sigh but hug me afterwards. ''Alright.'' masuyo nyang sabi.

Nakahinga ako ng maluwag ng pumayag sila. I still have three weeks.

Three weeks to be with him.




My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon