Abala sila tita Brigette sa paghahanda para sa graduation party nila Brandon at Xander. Pinagsabay nila para narin maipakilala ang dalawa na papalit sa kani-kanilang ama sa pamamalakad ng kanilang kumpanya.
Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan ang mga taong pabalik-balik sa harapan ko.
Napaka bilis talaga ng panahon. Ang tatlong linggong palugit nila daddy para sa'kin ay tapos na. Bukas na bukas din ay aalis na kami.
Walang nakakaalam maliban sa parents nila Brandon at Xander. They knew about my condition. Iyak nang iyak si tita Brigette dahil sa nalaman. Habang ang daddy naman ni Brandon ay punong-puno ng simpatya ang mga mata habang nakatitig sa'kin.
I know they pity me. But this is life. I have to face it.
Umuwi rin ang mga magulang ni Xander galing sa bakasyon nila sa Barcelona. Ang mommy ni Xander ang magsasagawa ng operasyon kaya sasabay din sya sa amin paalis. Ito ang dahilan kung bakit alam ni Xander ang sakit ko sa puso.
''Hija umupo kalang dyan. Parating na sila. Nauna na kasi kaming umuwi after the ceromony to check the venue.''ani tita Brigette.
''And ofcourse to check on you.'' ani naman ni tita Sophia. Xander's mom.
Ngumiti lamang ako.
Hindi na dadalo sila mommy at daddy because they need to settle their business first. Matatagalan pa kasi bago sila makabalik.
Sila. Because I'm not sure if I can make it.
Unti-unti ng nagdatingan ang mga bisita.
Nag-aabang ako sa labas ng gate nang makita na paparating na ang sasakyan nila Brandon.
Nakangiti ako nang bumaba sya ng sasakyan ngunit unti-unting nawala ng makita ko kung sino ang kasama nya. Pinagbuksan pa nya ito ng pinto habang may ngiti sa kanyang mga labi.
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.
Sumunod na bumaba ay si Xander mula sa kanyang sasakyan kasama ang daddy nya at si tito.
'So, alone time huh.!'
Bakas ang gulat sa mga mata ni Brandon ng makita ako. Lalapit pa sana sya sa'kin pero tumalikod na ako at dumiretso sa loob.
So this is what I get huh?
Umupo ako sa dulong bahagi ng venue. Malayo 'to sa stage pero kitang-kita ko na nasa akin ang buong atensyon ni Brandon habang ipinakikilala sila bilang susunod na tagapag mana.
Napailing na lamang ako. Sana hindi nalang ako pumunta.
Nabati kona si Xander ng lumapit sya sa gawi ko pero after non ay itinaboy ko nasya. I want to be alone.
Mula sa'king kinauupuan ay kitang kita ko kung paano sya ngumiti habang ipinakikila sa mga investors ng kanilang kumpanya. At sa lahat nang pagkakataong iyon kasama nya lagi si Macy.
Bagay sila. Because she's not a liability.
Hindi napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at tinungo ang lamesang inuukopa nila. Padarag akong umupo doon at matamang tinitigan si Macy. Napayuko na lamang ito.
Pathetic.
''Cassidy maraming tao.'' ani Xander.
''Shut up.'' nanggigil kong sabi. Nakakaramdam narin ako ng kakaiba sa'king paghinga pero hindi ko ininda 'yon.
''Buti naman humiwalay kapa kay Brandon! Akala ko pangangatawan mona ang pagiging linta mo eh.'' mariin kong sabi.
Hindi ito umimik kaya lalo lang akong nainis.
''So feeling mo kawawa ka na?'' singhal ko dito. Napapatingin narin ang ibang tao sa pwesto namin. Maging si Xander ay binabalak ng patigilin ako ngunit pinupukol ko lamang sya ng tingin.
Nanatili lang tahimik si Macy kaya't hindi ko na napigilan ang sarili ko nang buhusan ko sya ng wine. Narinig kong napasinghap ang mga taong malapit sa amin pero wala akong pakialam.
''What, say something.'' sigaw ko sa kanya. Dahil dito nakuha na namin ang atensyon ng lahat.
Humikbi ito.'' Maam, wala po akong ginagawa-.'' hindi na nya natapos ang sasabihin nang biglang dumating si Brandon at pinatigil sya.
''It's not your fault Macy.'' ani Brandon bago ilapag ang dalawang pinggan na puno ng pagkain sa aking harapan.
So alalay na siya ngayon ng babaeng 'to?
Tumingin sya sa akin gamit ang malamig na mga mata. ''Say sorry Cassidy.'' mariin nyang sabi.
Napatayo ako sa gulat. Natumba pa ang upuan pero hindi ko na ito pinansin. ''Why would I do that. It's my fault kung maarte sya at iyakin.'' sigaw ko. Muling nanikip ang dibdib ko ngunit binalewala ko lamang ito.
Hinaklit ni Brandon ang braso ko. ''Stop acting like a child.'' galit na galit nyang sabi.
Pilit kong binabawi ang braso ngunit hindi niya ito binitawan. Maging si Xander ay sinusubukang agawin ako kay Brandon ngunit hindi ito nagpatinag. ''Stop it. Kaya sumasama ang ugali nya dahil kinukunsinti mo.'' sigaw nito kay Xander.
Pinilit ko syang itinulak at sa pagkakataong ito ay nagtagumpay ako. ''Hindi ako masama. Hindi ako masama.'' ulit ko pa.
Maging sila tita at tito ay nakalapit na sa amin. ''Brandon, what is the meaning of this?'' ani ng daddy ni Brandon.
Hindi ko na napigilang umiyak sa harap nila. Sa harap ng maraming tao. ''I'm just claiming what's mine.'' nanghihina kong sabi. Kitang kita ko kung paano nagsisi sa nagawa si Brandon. Humakbang ako paatras nang makitang lalapit sya saakin. Lalo lang nanikip ang dibdib ko.
''Hija calm down makakasama yan sayo.'' ani mommy ni Xander.
Umiling lamang ako. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Lahat sila nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Genel KurguShe can get whatever she wants, but not his heart.