Chapter 32

4.9K 113 8
                                    

My life became normal for the first time. Malaya akong nakakapunta kung saan ko man gustuhin. Pumapasok at umuuwi ako mag-isa galing university.

My parents gave everything that I want. And I feel good about it.

Nagkaroon ako ng mga friends na dati ay wala dahil sa itinutuon ko lang ang buong atensyon ko sa isang tao lamang.

Ang sarap pala sa pakiramdam na marami kang kaibigan bukod kina Xander at Brandon.

Nakakasama rin ako sa mga activity at paggawa ng projects kung meron man.

Everything was perfect not until I got home one afternoon.

Naabutan ko sila mommy at daddy sa living room kasama si Brandon. ''Anak come here.'' ani mommy.

Lumapit ako at humalik sa pisngi nila ni daddy. ''Where are you going?'' I asked. Mayroon tatlong malalaking maleta sa tabi nila. Kung aalis man sila mukhang matatagalan.

Mommy smiled at me. ''Mayroong business trip ang daddy mo at sasama ako.'' aniya sa maligayang boses.

Napataas ang kilay ko. ''Alright.'' alanganin kong sagot. Napatingin ako kay Brandon ng tumikhim siya.

''Oh my bad. Kaya pala nandito si Brandon kasi siya muna ang titingin sayo habang wala kami.''

No way. He's a control freak.

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag sila mommy at daddy na halos hindi ko naintindihan. ''He will stay here for three months habang wala kami ng mommy mo.'' ani daddy.

Napatingin ako dahil 'don. ''Three months?'' hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumango si daddy bilang sagot. Habang si Brandon naman ay tahimik lamang na nakikinig. Hindi ba sya magrereklamo?

''But dad, I can stay in my condo while you were gone.''Ani ko. Naibigay na sa'kin ang condo na matagal ko ng pinabibili kaya pwedeng dun muna ako habang wala sila.

'Ayokong maging guardian si Brandon noh!'

Agaran ang ginawang pag-iling nila mommy. ''Not gonna happen.'' aniya. ''Malinaw ang usapan natin na pupunta ka lamang doon just incase na gabihin kang umuwi. Napaka delikado na ng panahon ngayon. Paano kung may gumawa sayo ng masama at wala kami para ipagtanggol ka?'' eksaheradang litanya ni mommy.

Napakamot na lamang ako sa aking batok. Cassy Think.

Tinignan ko si Brandon dahil akala ko makakahingi ako ng tulong sa kanya. Pero ganun nalang ang inis ko ng makitang tumatango-tango sya habang may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi, tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ni mommy.

'Aba't-----!!!'

Hindi, hindi ako magpapatalo. Napangiti ako ng may maisip.

''But lolo and lola are here naman po diba? Don't disturb Brandon because I can manage.'' pagmamalaki ko pa.

Napanguso ako ng umiling-iling si daddy. ''They have a vacation. And they will be gone for five months.''

Nanlumo ako dahil don. That's my last card! Kainis!

'Talagang sabay-sabay sila aalis?'

Wala nakong nagawa ng makaalis na ng tuluyan sila mommy at daddy. Iniwan nila ako ng ganun-ganun lang. And worst, kasama pa ng taong iniiwasan ko.

Aargh..This is torture.

Kung noon baka magpa-party pa ako pag kaming dalawa lang ni Brandon. But now? I don't know.

''Let's get inside Princess. I'll cook your favorite.'' ani Brandon.

Hindi ako lumingon sa kanya at diretso lang sa pagpasok sa loob ng aming bahay. Bakit sya magluluto eh may mga maids naman kami?

''Manang.'' I shouted. Nagtaka ako ng wala manlang sumagot. Madalas isang tawag ko lang nandito nayun eh. ''Manang.'' I shouted again.

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Brandon sa aking likuran at dire-diretsong pumasok sa kitchen. Sumunod naman ako para tignan kung anong gagawin niya. Kumuha siya ng mga ingredients sa refrigerator bago bumaling sa akin. ''They are not here. It's just you and me.'' aniya habang may mapaglarong ngiti sa mga labi.

What the hell?

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon