Chapter 30

5.3K 135 9
                                    


''Why do you want to learn?''

Natigil ako sa pagsabunot kay Xander dahil sa biglang pagsulpot ni Brandon. Ngumiti ako. ''Nothing.'' kimi kong sagot.

Nagtaas siya ng kilay.

Naramdaman ko nalang ang prisensya nya sa aking likod. ''You don't need to learn how to peel a shrimp princess. Because I can do it for you.'' aniya sabay kuha sa'kin ng tinidor at sya na mismo ang nagbalat.

Xander whistled. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

How can I ignore Brandon if he's acting like a cupid?

I can't move. Brandon stay at my back kahit na tapos na sya sa ginagawa. I was about to ask him when I felt something cold in my neck.

A necklace.

Nilingon ko sya. ''Para saan 'to?'' I asked, confused.

He bent down and kiss my forehead. ''Because you've passed.'' he smiled.

Kung dati 'to nangyari malamang sayang-saya na'ko. Pero gustuhin ko man na magtatalon sa tuwa ngunit alam kong hindi na maaari.

I shooked my head. ''You don't need to give me this.'' I gave it back to him. ''A simple 'congratulations' will do.'' I smiled at him.

Before he can protest, I spoke again. ''Anyway, what are you two doing here?'' Trying my best to change the conversation.

Hindi sumagot si Brandon at mataman lamang akong tinitigan.

He looks disappointed but I just ignore it. I need to ignore him.

Umiwas na lamang ako ng tingin.

Even Xander has the same expression in his face. They're both disappointed. And it's all because of me.

I know they've noticed my attitude towards Brandon. That I'm being distance since I woke up from coma. Ibinaling kona lamang ang aking atensyon sa mga hipon. Maganda at pulido ang pagkakabalat nito kumpara sa ginawa ko na parang namurder. Kawawa naman.

Lumapit sa'kin si Brandon. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko kaya't napilitan akong tingnan sya. Mataman lamang syang nakatitig sa akin. ''Tell me, is there something wrong? Is it because of what I did to you--''

''Ofcourse not.'' tanggi ko.

Pinilit kong tanggalin ang mga kamay nya na nakahawak sa akin. Lumayo ako. ''Is just that, I think it's too expensive.'' dahilan ko pa. ''Walang problema. I'm fine.'' pagtatapos ko.

I forced myself to smile. ''Stay. Mag cecelebrate kami later. A simple dinner.'' ani ko.

Akmang lalapit pa sya sa'kin ngunit muli lamang akong humakbang palayo dahilan kung bakit natigilan sya. Namutla sya ng muli akong humakbang palayo.

Gustong-gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya gaya ng dati pero pinigilan ko ang aking sarili.

Xander faked a cough that's why my attention diverted at him. ''Yeah, we knew it. Your lolo called Brandon and he inform us that you've passed. Hindi mo man lang sinabi na ngayon ka kukuha ng exams, edi sana nakasama kami ni Brand----.''

Matalim ko siyang tinitigan. Nag peace sign naman agad ang ulupong.

Kahit kailan talaga pahamak 'tong si Xander.

I didn't tell them because I think it doesn't matter. Kinaya ko naman mag-isa. At kakayanin ko pa sa mga susunod na araw. Sana.

Binaliwala ko nalang ang pagpapasaring ni Xander. ''Let's go inside.'' Nauna na'kong pumasok sa loob at hindi na nag-antay pa ng sagot galing sa dalawa.

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko sila mommy at daddy kasama ang parents nina Brandon at Xander.

''Hija, we're so proud of you.'' Ani tita Brigette. Nauna syang makapansin sa pagdating ko.

''Thank you po.'' I said.

I kissed mom and dad. They said that they're both happy for me. Umupo ako sa pagitan nila.

Tita Mariam asked me if I'm doing better. I nodded immediately. ''That's good to hear. By the way where is your bodyguards.'' she asked while chuckling.

As if on cue dumating sila Brandon at Xander. Nakasimangot ang huli sa di'ko malamang dahilan. Habang si Brandon naman ay nakatitig lamang sa akin.

Umiwas na lamang ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa mga magulang namin na masayang nagkekwentuhan.

Maya-maya ay dumating sila lolo't lola. ''Table is ready.'' anila.

Naunang tumayo sila mommy habang sumusunod sila tita Brigette at tita Mariam. Dahil sa ayaw kong maiwan kasama sila Brandon pinilit kong makasabay kina mommy.

Pagdating sa dining table I'd make sure na nasa gitna ako nina lola. Para narin makaiwas sa matalim na titig ni Brandon.

Nakakatakot sya. Kanina pa siya nakatingin sa'kin.

''Oh apo hindi kaba uupo sa tabi ni Brandon?'' lolo asked me.

Shoot. Umiiwas nga eh.

I saw Brandon smirked. Umiling na lamang ako. ''I want to sit beside you and lola po. Because I missed both of you.'' I answered whole heartedly.

Lolo patted my head and smiled. While lola in the otherhand hugs me tight. ''My very sweet apo. We've missed you too.'' aniya naluluha.

''Alright everyone let's cut the drama now. Let's eat.'' mommy said while wiping her tears. ''Let's eat na anak.''

I smiled and nodded.

They're are talking about business when tita Mariam batt in. ''Oh by the way hija, did you drink your vitamins on time.''

Padabog na binitawan ni Brandon ang kanyang kubyertos dahilan kung bakit napabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.

Umiwas ako ng tingin ng makitang matalim syang nakatitig sa akin. Bumaling ako kay tita Mariam. I smiled before I spoke. ''Yes po tita, nag-aalarm po ako para diko makalimutan.''

Lahat sila ay nagulat dahil sa sagot ko. Malamang dahil sa alam nila na si Brandon lang ang nakakapag painom sa akin ng gamot. ''Really!? Well that's good to hear. Edi anak pwede kanang magtake over sa company. Cassy is perfectly fine naman pala eh.'' ani tita Brigette na sinang ayunan naman nila mommy.

''Your mom is right hijo. Kami na ang bahala kay Cassy.''

Napakunot ang noo ko. Hindi pa sya nagtetake over sa company nila? How come?

Tiningnan ko si Brandon na nakaupo lang sa may harapan ko. Nakatitig lang siya sa'kin na para bang mawawala ako. ''I'm not yet ready to take over the company mom. Babawiin ko muna ang dating akin.'' aniya.

My Spoiled Brat PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon