I can't move.
Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o hindi.
Pero mali 'to. Sigaw ng aking kunsensya. Anong sasabihin ni Macy?
Bago pa ako makapag desisyon kung ano ang tamang gawin ay siya namang biglang pagbukas ng pinto at iniluwa nito si Macy. Agad kong naitulak si Brandon dahil sa pagkabigla.
Her smile immediately vanished when she saw us. Parang ngayon lang naintindihan ang naabutan.
I'm nervous. Feeling ko ang laki-laki ng kasalanan ko kahit na hindi ko naman ginusto ang nangyari.
Nang makabawi ay agad na lumipat ang mga mata niya Kay Brandon na ngayon ay papalapit na sa kanya. Akmang may sasabihin pa si Macy nang marahang hinila ito ni Brandon.
May pag-iingat ang paghawak niya dito. Gaya ng dati.
Gaya nang dati kapag ako ang kasama niya.
Bago pa man maisara ang pintuan ay narinig ko pa ang sinabi ni Brandon. "Let me explain." Marahan nitong sabi na animo ay nagmamakaawa pa.
Of course siya ang priority.
Naiwan akong tulala sa loob ng aking kwarto. Mag-isa.I feel like I was being betrayed again.
Bakit pa niya sinabing gusto niyang bumalik kami sa dati Kung harap-harapan ipinamukha niya sa akin na si Macy parin ang pipiliin niya?
I wiped my tears away. Tinatagan ko ang sarili ko. Hindi na ulit ako iiyak dahil sa kanya. I'm done with this. Hindi na ako magpapaloko. Hindi na ako magpapa-uto.
Brandon did not come back anymore. Hanggang sa dumating at umalis si Xander. Maging sila mommy at daddy ay pinauwi ko narin dahil gusto ko lang mag-isa. Ayaw nila noong una pero napilit ko rin naman sa huli.
Nagdaan ang buong maghapon at ngayon nga ay malalim na ang gabi pero hindi na siya bumalik pa. Alam ko naman kung bakit. Kahit na pilit kong alisin sa isipan ko ang nangyari kanina hindi ko magawa.
I'm not crying anymore. But I feel numb. Nakatitig lamang ako sa bintana. Bukod sa tunog ng aircon wala na akong naririnig pa. Walang bituin sa langit at puro kadiliman lang ang nakikita ko.
It's like lifeless. Like me.
Parang wala na akong maramdaman. Naulit na naman. Inulit na naman niya.
Pumikit ako ng mariin. Lagi kang second choice Cassy. Tandaan mo 'yan!
Kahit na hindi pa ako inaantok ay pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Hindi gaya ng dati kaya ko nang matulog mag-isa. Kaya ko na kahit wala siya.
At kakayanin ko hanggang dulo.
Maagang dumating sila mommy at daddy. They're fixing our papers para sa pag-alis namin. I even forbid Xander to come with us. Gusto ko kung aalis kami ay walang taong konektado sa kanya. Alam nilang lahat ang pag-alis namin pero hindi nila alam kung kailan ito.
Nakaupo ako sa wheelchair habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking kwarto. The city life is suffocating for me now. It used to be my home because he's here. Pero ngayon nag-iba na. Gusto ko lang ng katahimikan. I want to be free from pain.
"Anak may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala siya sa akin. Her sad eyes makes me want to cry.
I smiled slightly. "There's no problem my. I'm good." Ipilit ko man na pasiglahin ang aking boses ay parang kulang parin.
She knelt in front of me. "Anak kung nasasaktan kana sabihin mo naman kay m-mommy. Wag mong itago kasi natatakot ako na baka umalis ka ulit." Hindi ko na napigilan at umiyak na talaga ng tuluyan.

BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.