I hate attentions. But this time I held my chin up bago muling humarap kay Brandon. Wala na'kong pakialam kung nasa akin na lahat ng atensyon. This is my last card afterall.
''Make her leave.'' mariin kong sabi.
Ang kaninang pag-aalala sa mga mata nya ay napalitan ng galit. Hindi nya ako pinansin at napailing na lamang.
Ang sakit. 'Akala ko hanggang huli ako parin!'
Huminga ako nang malalim. Nararamdaman ko na naman ang paninikip ng aking dibdib. Tuloy-tuloy din ang pagtulo ng aking mga luha pero nakatitig lamang sya.
Nakita kong sinenyasan nila tita Brigette ang mga bisita na ipagpatuloy ang kanilang pagkain. Ang iba ay sumunod samantalang ang iba ay nakatuon parin ang atensyon sa'amin.
''Hija calm down, please.'' bulong nya sa'kin habang marahan akong hinihila paalis ngunit nagmatigas ako at umiling.
No. Ako dapat ang manatili dito.
Binalingan kung muli si Brandon. ''I said make her leave.'' I shouted.
''Sir Brandon aalis nalang po ako.'' ani Macy.
''No. Stay here.'' mariing sagot ni Brandon at kinaladkad ako paalis ng venue.
Narinig ko pa si Xander maging ang mommy nito na pinipigilan ang pag-alis namin.
Dire-diretso lang ang lakad ni Brandon, hindi alintana na halos matumba na ako dahil sa paghila nya. Hindi ko mapigilang mapaiyak lalo dahil sa higpit ng pagkakakapit niya sa aking braso.
''Brandon it hurts.'' ani ko.
Tumigil lamang sya ng makalabas kami sa kanilang bakuran. Luminga-linga sya na parang may hinahanap.
Hinawakan ko ang aking braso dahil sa sakit nito. ''Bakit mo'ko hinila palabas? Dapat yung babae na'yon ang pinaalis mo!'' sigaw ko.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin. ''Are you serious? She's my guest.'' ganting sigaw nya.
Natigilan ako dahil sa pagsigaw nya. Ngayon ko lang sya nakitang kagalit. Nakaramdam ako ng takot ngunit isinantabi kona lamang. I know he will answer my whims.
''I don't care just make her leave.''
He massaged his temple. He looks really pissed. ''Leave.'' utos nya.
Napanganga ako dahi sa sinabi nya. I stared at him and he's serious.
''W-why me? Bakit hindi sya ang paalisin mo? Tutal naman sya ang may gawa nito---.'' hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang nyang sipain ang gulong ng sasakyang malapit sa'min.
''I said leave. Ikaw ang may gusto nito diba? Then fine, ikaw ang umalis. We can celebrate without you here.'' nanggigigil nyang sigaw sa'kin. Hinigit pa niya ako at kinaladkad papunta malapit kotse namin.
'Nasaan na ang Brandon ko?'
Sinalubong kami ng aming family driver. ''Iuwi niyo na sya. We'll talk tomorrow Cassidy Entice.'' mariin nyang sabi.
'Tomorrow? But this is my last day to be with you.' gusto ko sanang sabihin ngunit pinigilan kona lamang ang aking sarili.
Iwinaksi ko ang aking braso mula sa pagkakahawak niya. Akmang lalapit pa sana siya ngunit umatras na lamang ako.
I can't breath. Pumasok ako sa backseat at hindi na muling tumingin sa kanya. ''Alis na'po tayo.''
Bumisina lamang ng isang beses si Manong Bert bago pinaandar paalis ang aming sasakyan. Hindi kona napigilan at napahagulhol na ako ng iyak.
''Ma'am ayos lang po ba kayo?'' nag-aalalang tanong ni Manong Bert.
''M-manong, I can't breath.'' mahina kong sabi. Agaran ang paghinto nito sa kotse.
''Tatawagan ko po sila madam.'' natataranta nitong sabi habang pumipindot sa kanyang celphone. Binuksan nya rin ang mga bintana ng kotse. ''Madam hindi po makahinga si ma'am Cassy.'' ani Mang Bert.
Hindi ko na maintindihan ang pag-uusap nila, ang alam ko lang ngayon kailangan ko ng hangin. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at lumabas.
''Opo madam.'' ani Mang Bert bago ibinaba ang telepono. Lumapit sya sa'kin. ''Ma'am Cassy sandali lang po kukunin ko lang po ang gamot nyo.'' natataranta nitong wika habang may hinahalungkat sa loob ng kotse.
Nanatili ako sa labas. Humakbang ako ng ilang hakbang sa pag-aakalang magiging maayos ang paghinga ko. Dahan-dahan akong humakbang pabalik nang makarinig ako ng malalakas na busina.
Huli na nang mapagtanto ko na papunta ito sa aking direksyon. I can't walk. Nakatitig lamang ako sa paparating na sasakyan hanggang sa maramdaman kona lamang na nakahandusay na ako sa kalsada.
Namamanhid ang buo kong katawan. Halos papasara narin ang aking mga mata ngunit nilabanan ko ito nang marinig ko ang boses niya.
''Cassidy, please don't close your eyes. Please princess.'' ani ng isang boses. Gusto ko pa sanang imulat ang aking mga mata ngunit hindi kona nagawa.

BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
General FictionShe can get whatever she wants, but not his heart.