''Bato bato pick...'' sabay naming bigkas ni Xander.It's a tie.
''Bato bato pick.'' papel ako, gunting siya so....
''Talo ka Xander.'' I shouted happily.
He prodded my forehead using his forefinger. ''Umiiral na naman yang pagka slow mo.'' ingos nya. ''Panong mangyayaring talo ako?''
Ngumiti ako. ''E kasi sabi ko.'' I confidently said.
''So kapag sinabi mo, 'yun na ang masusunod? Hindi pwede, akin na ang kamay mo.'' aniya.
Tumingin ako sa may kitchen. Brandon still busy cooking for our lunch. Napanguso ako. ''Ayaw ko na palang maglaro Xander.'' pinal kong sagot sabay higa sa sofa. We are here in the living room.
''No way. Wag kang madaya. Give me your hand.'' utos pa nya.
Napatingin naman ako sa mga kamay ko. Masakit na parehas. Akala ko kasi matatalo ko sya sa bato bato pick kaya pitikan sa kamay ang ginawa kong parusa. Ang galing ko kaya dito dati. Lagi ko pa silang natatalo ni Brandon nung mga bata pa kami. Andaya naman.
Pipitikin na sana ni Xander ang kaliwa kong kamay nang may biglang pumitpit sa braso nya. ''Damn.''
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang masungit na mukha ni Brandon. ''Tayo, kakain na.'' sabay talikod.
Nagpapaka walk out king 'to these past few days.
Ang magaling na Xander hindi manlang hinantay ang pangalawang pagtawag. Nauna pa talaga sya papunta sa dining table.
Hay, talaga din naman.
Pagkaupo ko saka palang naglagay si Brandon ng pagkain sa kanyang pinggan. Napatingin ako sa harapan ko dahil wala akong plato. I was about to stand to get a plate when Brandon pulled the hem of my dress.
''Upo.''
Wala akong nagawa kundi ang umupo at panoorin syang magsandok ng kanin at ulam sa kanyang plato. Wala namang pakialam ang hinayupak na Xander. So panonoorin ko lang silang kumain?
Sumubsob ako sa lamesa. Gutom pa naman ako.
''Cassidy sit properly.'' kahit na tinatamad ay umupo parin ako ng ayos pero itinaas ko ang paa ko sa upuan. Wala naman si mommy kaya walang magagalit.
''Oh.'' agad na nagningning ang aking mga mata ng inilapit ni Brandon sa aking bibig ang kutsarang hawak. Punong puno yun ng kanin at ulam. Pero kahit na ganon ay walang alinlangan ko iyong kinain.
''Tss. Patay na patay.'' Xander.
Hindi naman sya pinansin ni Brandon. Maybe hindi nya narinig? Nang magtama ang tingin namin ni Xander ay ngumisi lang sya at nagpatuloy lang sa pagkain.
Sa pagkain lang talaga matino ang isang 'to.
Patakbo akong umalis sa dining table pagkatapos kumain. Hinabol pa nga ako ni Xander dahil ako daw ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. ''Look Brandon inaaway ako ni Xander.'' Nagtago pa ako sa kanyang likuran. Agaran ang ginawang pagtigil ni Xander at padabog na pumunta sa kitchen.
Woah! Ligtas.
Actually ako talaga dapat ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Dahil kung sino ang natalo sa laro naming bato bato pick ay siya rin ang maghuhugas bukod pa sa parusang pitik sa kamay.
Kaya ngalang ayaw kong maghugas.
Ganun ang naging set up namin isang buwan matapos kong makalimutan ang birthday ni Brandon. Nagsusungit parin sya pero hindi na masyado kasi lagi nya akong kinakantahan para makatulog every night. Kadalasan sya pa ang nagsusuklay sa akin at namimili ng damit na susuotin ko. At si Xander parin ang taga laba namin. Napangiti ako dahil 'don.
![](https://img.wattpad.com/cover/31135574-288-k282572.jpg)
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Fiction généraleShe can get whatever she wants, but not his heart.