This will be the last chapter of MSBP. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa, nagvote, nagcomment at nag-add sa kanilang library ng istoryang ito. Sana po makita ko ulit ang mga names ng mga taong nagtyagang bumasa nito sa susunod kong isusulat ''Unforgettable Vacation''. Hindi ko na kayo imemention isa-isa, pero tanda ko po kayong lahat. PROMISE.
Thank you po ulit. Love you all...
----------
''Bro, hindi pumasok.'' agad ang pagkunot ng noo ko dahil sa sinabi ni Xander.
''Monday to Friday hindi pumasok?'' pagalit kong tanong. I was too busy this past few days. Kaya ang pagsundo kay Cassy ang naisip kong pambawi.
Paanong nangyari 'yon? Masipag pumasok ang prinsesa ko.
Well, kung tinatamad syang mag-aral sa university pwede namang magbayad ako para sa bahay nalang siya.
''Baka tinatamad lang.''
''Masipag mag-aral si Cassy alam mo yan.''
Tumango naman ito agad. ''Totoo naman 'yan. Pero pansin ko lang.'' Tumigil ito na wari'y nag-iisip. ''Simula ng umuwi si mommy lagi syang nasa kanila Cassy. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Sabi naman ni Cassy wala naman syang sakit.'' Mahina nitong sabi na parang inaalisa ang bawat pangyayari.
Agad ang pagkalabog ng puso ko. ''Xander?'' May problema ba? Bakit iba ang nararamdaman ko?
''Yeah?''
''Para saan ba ang gamot na iniinom ni Cassy?'' I asked. Fuck it! Bakit ngayon ko lang naisip 'to. Hindi siya pumapasok, at laging nasa kanila si Tita Mariam. Last time na nakita ko sya ay noong may sakit si Cassy.
May sakit ba siya?
Xander shrugged his shoulders. ''Don't know. Vitamins diba?'' tamad nitong sabi. ''Ikaw ang nagpapa-inom tapos hindi mo alam?''
Damn.
Three weeks from now is our graduation. Hindi ko na nakakasama si Cassy. Kaya kahit sa pagsundo lang sa kanya ay gusto kong gawin. I really missed her. Pero hindi sya napasok. Pagdumadalaw naman ako sa kanila ay tulog na siya.
'Paano niya nagawang matulog nang wala ako?'
Dumating ang araw ng graduation, and finally nagkita ulit kami. Akala ko sya ang unang babati sa'kin pero mas pinili nyang magmukmok sa isang sulok habang masayang nagdidiwang ang lahat para sa amin ni Xander. Pinakilala kami bilang susunod na mamumuno sa kompanya ng pamilya namin.
I was expecting na matutuwa sya. But to my dismay she has no reaction.
'Ganito ba baby? After mong magpa miss, dededmahin mo naman ako?'
Kahit na nagtataka at nagtatampo ako sa kinikilos nya ay hindi ko parin maiwasang hangaan ang taglay nyang kagandahan.
I took several candid shots of her. Kumuha ako ng pagkain para sa aming dalawa pero nagulat ako ng sigawan nya si Macy.
I tried to stop her but she keeps on telling me na paalisin ko si Macy. I lost my temper kaya nasigawan ko sya. Kinaladkad ko sya palabas at pinilit na pauwiin. ''We'll talk tomorrow Cassidy Entice.'' mariin kong sabi.
I know hindi sya papayag sa gusto ko. Kahit galit ako sa ginawa nyang pamamahiya kay Macy ay inaantay ko paring sabihin nyang ayaw nyang umuwi.
Nagulat siya dahil sa sinabi ko. Pero mas nagulat ako ng hindi man lang ito umimik. Dahan-dahan itong pumasok sa loob ng kanilang sasakyan.
Gusto ko siyang pigilan pero agad na pinaandar ni Mang Bert ang sasakyan paalis.
I didn't think twice. Sumakay ako sa sasakyan ko at hinabol sila.
BINABASA MO ANG
My Spoiled Brat Princess
Fiksi UmumShe can get whatever she wants, but not his heart.
