chapter 2(the letter)

45 0 0
                                    

Gabi.

Seryosong binasa ni Eunice ang sulat..

"Dearest Eunice,
Matagal ko na gustong sabhin ito sa iyo at humahanap lang ako ng tyempo. Pero kapag nkakahanap ako ng pagkakataon,. Inuunahan ako ng hiya kaya idinaan ko na lang sa sulat.
Mahal kita..hindi ka man maniwala pero mahal kita.. Alam mo ba yung awiting ang titulo ay "Hiling"?
Iniaalay ko iyon sa iyo..sana'y lagi mo akong maalala sa tuwing maririnig mo ang awiting iyon.
                         
                        Love,
                           Roland."


Kinikilig niyang basa sa sulat.

Iniisip niya kung totoo ba? O panaginip lang..

Napasubsob na lang siya sa kanyang unan at doon ibinuhos niya ang naguumapaw na kilig sa kanyang puso.

Sabay kuha ng walkman na gamit niya sa tuwing bumibyahe siya sa tuwing dadalaw sa mga kaanak sa Ilocos.

Kinikilig na pinakinggan ang awiting Hiling ni JayR Siaboc..

Kinabukasan,
Muli silang nagkita ni Roland, binati siya nito at ginantihan din naman niya.

Hinihintay niya na magsabi ito ng personal bago niya paniwalaan ng husto ang sulat..

Subalit,
bukod sa madalas na pagsama sama sa kanya kahit saan siya magpunta.. Wala itong binabanggit n kahit ano..

Sa kanya nga kaya galing o pinagtitripan lang ako ni Rowena?

Malalim ang iniisip niya kaya't di niya namalayan na malapit na siya mahulog sa creek,.

natauhan lang siya nang mahila siya ni Roland at aksidente ay napayakap siya sa katawan nitong kahit paano ay maskulado rin nmn..
cguro dahil batak din sa bukid noong ito'y sa probinsya pa nkatira.
Namula siyang dumistansya dito.
"OK ka lang?" May mababakas ng pag aalala sa mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"O-oo..salamat! Sige,una na ako." Dagli siyang bumalikwas at Nagmamadali siyang tumakbo papalayo upang hindi na makita pa ni Roland  ang lungkot at pagka pahiya na namutawi sa kanyang mata.

"Nkakahiya ka,Eunice!! Tanga tanga mo!!" Buyong pabulong  niya sa sarili habang tinatahak ang sakayan ng tricycle patungo ng bayan.

Sa sobrang pagiisip,hindi niya namalayang nkarating n xa sa terminal ng tricycle sa bayan.
"Iha, andito n tayo." Ika ng driver.

Bahagya xang nagulat at nangiti sa driver. Iniabot nia ang bayad saka umalis.

Saglit muna siyang huminto sa isang parke na nadaraanan patungong palengke.

Naupo siya sa isa sa mga bench doon huminga ng malalim,pinipilig pilig ang ulo,tinatampal -tampal ng bahagya ang sariling mukha na tila ba ginigising ang diwang bigla yata ay nawala noong aksidente xang mapayakap sa lalaking lihim na iniibig.

"Gising,Eunice!! Aksidente lang yun,walang kahulugan,walang halaga...umayos ka! 14 ka pa lang,,,pag-aaral ang atupagin mo!"

Bulong niya sa sarili na tila ba pinagagalitan niya ang sarili.
Isang malalim na buga ng hangin at muli siyang tumayo, nagpatuloy sa paglakad tungo sa palengke.

Sa edad ni Eunice na 14anyos alam na niya ang lahat ng gawain, panganay kya responsibilidad siyang umakto bilang tila magulang din sa dalawa niyang kapatid,,taga hatid sa eskwela at tagasundo na rin. Sa totoo lang hindi siya mahilig gumala sa gabi kasama ang mga kaibigan..

kung nais syang makasama ng mga ito, sila ang lalapit.

marahil dahil my pagka istrikta si aling Carmen.
Ang mga katangian na ito marahil ang naibigan ni Roland sa kanya.

"Tito,kelan mo ba sasabihin sa kanya na gusto mo din siya? Sinulatan mo nga siya, pero di naman mawari kung totoo o hindi ang sulat mo,. Wala ko nakitang pagbabago.."
Komprontang sabi ni rowena isang gabi habang nasa balkon sila at nagpapababa ng kinain.
"Maari ba na hinaan mo yang bibig mo!? Mamaya marinig tayo ni ate, sigurado isusumbong ako sa lola mo!" Mahinang sita nito kay rowena.

"Pero,ano nga Tito? Ano ba plano mo?" Mahina na halos pabulong na ang tinig nito.

"Totoo ang sinulat ko,minamahal ko siya;pero paano nmn ang lola mo? Ano na lang sasabihin ni mama sa akin kung malalaman niya na kya ko piniling tumira dito sa maynila dahil sa isang babae?"

Napairap si rowena sa baluktot n pag iisip ng tiyuhin.
Sa kabilang banda ay nauunawaan naman niya ito.

Ulila na sa ama,tanging lalaki sa apat na magkakapatid at siya na lang ang walang asawa,.

Hindi dahil 16anyos pa lang siya kundi dahil, nag aalangan siya sa sasabihin ng mga ate at mama niya.

Magmula ng pumanaw ang kanyang ama ay siya na ang umaruga sa kanilang ina,at kaya lang siya napunta sa poder ng kanyang ate zeny ay dahil sa Hiling ng bayaw niyang si Ramon,upang may lalaking magbabantay daw sa pamilya niya habang siya ay nasa barko pa.

Kasama sana ang kanyang ina,subalit mas ginusto nito sa probinsiya,kasama ang iba pa niyang mga ate.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon