chapter 46

24 0 0
                                    

Lubos na naunawaan ni Roland ang mga narinig mula Kay Eunice.
Ang ate zeny niya ang reason kung bakit lumala ang hinanakit ni Eunice sa kanya.
Tatanggapin na sana niyang wala na at sarado na talaga ang yugto sa pagitan nila subalit nang sabihin ni Eunice na mahal pa siya nito, nanatili ang paninindigan niya.
Naisip niyang totoo naman ang lahat. Naging magkarelasyon sila pero patago,dahil sa takot.

Paalis na sana siya nang may maaninag ang gilid ng kanyang mata, nasinagan ng araw nang humawi ang kurtina sa bintana dulot ng hangin.

Sa sulok ng kama,nilapitan niya ito,ilang taon na ay nakasisiguro siyang ito ang singsing na iniregalo niya sa minamahal.

"Ito nga!"

Napaluha siyang muli,hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa pag asang nakita.

Agad niyang isinara ang pinto ng silid upang humabol sa sinisinta.

At the park.....
"Sabi ko na nga ba,andito ka." Wika ni gloria. Nakita niya ang kaibigan, nagmumukmok sa swing sa playground na ilang metro lang ang layo mula sa tinitirhan nila.
Recently lang itinayo ang playground, and dito ang punta nila every after church.
Tumabi si gloria sa kaibigan,naupo sa katabing swing kalong ang batang si maurice.

"Pasensya ka na gloria sa nasabi ko,. Hindi ko naman pinagsisisihan na dumating sa buhay ko si baby maurice,pero kasi-----"

"Sus! Ano ka ba?! Hindi namn kita sinisisi... Nauunawaan kita. So, kamusta? Nakagaan ba?"

Muling lumuha si Eunice habang nakasandal ang ulo sa kadenang bakal ng swing.

"Bakit ganoon,Gloria? Bakit,ang sakit pa rin? Bakit ang bigat pa rin sa loob? Nasabi ko na pero mabigat pa rin?"

"Dahil yun sa mahal mo siya.. Eunice, hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo? Hanggang kailan mo paniniwalain ang sarili mong wala na nga,. Hanggat hindi ka nagpapakatotoo at patuloy na magpapakain sa "pride" mo, hindi gagaan yang nasa loob mo."

Sa kanilang likuran naroon na si Roland, palapit sa kanila ng hindi nila namamalayan. Napahinto ito sandali sa iwinika ni Eunice.

".....marahil nga ay tama ka. Marahil nga ay natabunan ng galit at pagkapahiya ang puso ko para makita ang sinseridad niya."

"Bigyan mo ng pagkakataon ang puso mo na makita ang tama. Ilang taon na ang lumipas, at heto siya,para itama ang mali. "

"Eunice..."

Napalingon sila sa kanilang likuran. Sumunod pala sa kanila si Roland.
Lumapit ito at iniabot kay Eunice ang singsing.

"Paalis na ako nang makita ko yan sa sulok ng kama.. Marahil, pinapaalala sa aking, manindigan. Kaya kung papayag ka, hayaan mo akong patunayan sana sa iyo na hindi na ako ang Roland na kilala mo, ang duwag at takot.
Maninindigan na ako sa iyo at sa ating anak."

Lumuluhang tumayo si Eunice, kinuha ang bata sa kandungan ni Gloria. Ingat na iniabot kay roland.
Hindi maipaliwanag na pakiramdam ang nadama ni roland nang sa wakas ay makarga ang bunga ng pagkasabik niya. Lumuluha siyang nakatingin rito,gayon rin nmn si baby maurice.

"Tingnan mo si baby maurice oh! Hindi nagtantrums for the first time!" Bati ni gloria,nang mapuna ang pagkatahimik nito sa bisig ng kumakarga. Kahit sino ang kumarga kasi kay baby maurice ay automatic ang tantrums nito maliban kay gloria at eunice.

"Marahil,naramdaman niya ang lukso ng dugo sa aming dalawa... Hello,ako ang papa mo.. "
Pakilala nito sa bata kahit ang totoo hindi pa siya lubusang mauunawaan nito.

Habang si Eunice,seryosong nakatingin sa singsing na inabot ni roland. Na agad napuna nito.

"I think we should go or better,i go alone?" Wika ni Gloria nang matunugang may part two ang conversation ng mag ex lover.

"Ok lang gloria?" Tanong ni roland habang iniaabot pabalik ang bata. Humalik pa siya sa pisngi ng anak. Gayon rin si eunice.

Naging tahimik ang mga sumunod na kaganapan,nakikiramdam kung sino ang dapat na mauna sa kanila.
Hanggang sa si roland na ang bumasag ng katahimikan.

"Hindi ko sadyang marinig ang usapan ninyong magkaibigan,pero lubos akong nagpapasalamat kung pagbibigyan mo ako..."

Tikom ang bibig na muling lumuha si eunice. Pinagagalitan ang sarili dahil sa nararamdamang ayaw na sana niyang maramdaman. Takot na siyang umasa sa wala.
At tila nabasa naman ni roland ang iniisip ni eunice.

"Alam kong mahirap na pagkatiwalaan ang mga sinasabi ko,hindi kita pipilitin,pero pakiusap,hayaan mo akong patunayang hindi na ako ang taong iyon,na minsang nagkamali,. Na pinili ang alam ko ay makabubuti para sa pamilya at hindi nanindigan sa pag ibig mo..."

Higpit na hinawakan ni roland ang kamay ng sinisinta, at nakita ni eunice ang sinsero sa mata nito.

"Ayoko ng umasa,isinara ko na ang puso ko sa iyo. Ayoko na rin sana ipaalam sayo ang tungkol kay maurice pero,ayoko naman ipagdamot sa kanya ang totoo. Itong singsing na ito, marahil nakita mo hindi dahil sa ating dalawa,kundi ipaalala sa iyo na may dapat kang panindigan." Malamig ang mga tugon ni eunice.

"Alam ko,pero sabay ng paninindigan ko sa ating anak ay ang patunayan rin sa iyong may pag asa pa na tayo ay mabuo. Basta hayaan mo lang ako.."

Kibit balikat lang na umalis si eunice.
Walang tugon kung payag o hindi siya sa panliligaw basta umalis lang ito.

"Ano at anuman ang tugon mo, maninindigan ako hanggang sa tayo ay maging isa.."

"Hihintayin ko ang araw na maninindigan ka na,hindi lang para sa ating anak,kundi para sa akin na rin...patawad kung ganito ako,. Mahal kita hanggang ngayon,pero kailangan kong itago upang makita ang totoong ikaw.."
Bulong ng isip ni eunice habang palayo kay roland.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon