chapter 9 (heartaches)

16 0 1
                                    

Tila ba nasa ulap si Eunice nang mga oras na yun, na nadala pa niya hanggang pag uwe, daig pa niya ang nanalo sa lotto,.daig pa niya ang nanaginip ng gising.
"OK ka lang ate?" Nakangiting tanong ng pangalawang kapatid niyang babae. Anim na taon ang edad nito sa kanya.
"Oo naman! Bakit?" Malambing ang tinig nito na sinagot ang kapatid.. Pakanta kanta kasi si Eunice habang nag luluto ng agahan. Na hindi naman nito dating ginagawa..
"Wala. Sige,papasok na ko,."
"Teka! Yung baon mo.." Hawak ang lunch box ay humabol ito sa kapatid. Ingat huh,," magiliw nitong paalam sa kapatid na npapakamot na lang dahil sa pagiging wierdo ng ate.

Day off ni eunice ngayon at inaasahan niya na dadalaw si roland sa kanila.. One year and five months na sila at every month patago man o hindi ang relasyon hindi nalilimutan ng nobyo na batiin siya. Pero,iba ngayon..
Tumingin siya sa relong nkasabit sa dingding,
3:00pm
"Bakit kaya?"
Dagli niyang kinuha ang cellphone sa bag at dinial ang cp number ng nobyo.
Sorry,the number you have dialled is out of coverage area please try your call later....
"Bhe,nasaan kb?" Tanong niya sa sarili. Muli niyang dinayal ang numero nito.. Ngunit out of reach pa rin.
Kaya naman lakas-loob na niyang tinanong thru text si Rowena.
Bes,alam mo ba kung nasaan ang Tito mo?
Agad na nkatanggap siya ng reply subalit hindi galing Kay Rowena kungdi....
Tigilan mo na ang kakatext sa anak ko! Wala akong pakialam kung hinahanap mo ang kapatid ko,isa lang masasabi ko,.ayoko sayo!
Tantanan mo na ang kapatid ko dahil ikakasal na siya! Sa taong dapat ay sa kanya at hindi ikaw yun!!
Hilam sa luhang naihulog ni Eunice ang hawak na cellphone sa sahig. Kumalag ang case nito ngunit balewala niya.
Ikakasal?
Yun ang salitang paulit ulit na umuukilkil sa kanyang isip.
Hindi yun totoo....
Hindi!
Hindi...pwede..
Napaluhod na lamang siya habang sinasariwa ang masayang sandali, ang matamis na tagpo nilang dalawa.
Panay ang iyak ni Eunice ngunit tanging siya lang ang nakakarinig..
Siya lang ang nakakaalam,.
Di niya nais maging pabigat sa dalahin ng ama.
Kahit wala pa sa oras ng pagbalik,nagpaal na ito sa ama na babalik na sa trabaho.
"Anak,may problema ba?" Tanong ni mang waldo nang magpaalam n c Eunice.
"Po?" Sa malungkot nitong mukha ay pilit niyang ipinakita sa ama na ayos lang siya."opo naman.."
"Pansin ko,hindi na nagawi mula pa kahapon ang nobyo mo?"
Parang tarak sa dibdib ang salitang nobyo Kay Eunice.
Wala na.
Yun ang nais niyang isigaw.
Subalit pilit siyang nagpapakatatag para sa pamilyang umaasa sa kanya.
"Ah,c-cguro po busy lang... Sige po,pa. Mauuna na po ako. Baka maabutan ako ng traffic."
"Ihahatid na kita kahit dyan lang sa sakayan."
Pilit ang ngiti na sumangayon ito sa nais ng ama.

Habang naglalakad sa eskinita,nagsalita si waldo.
"Alm ko na wala na si Roland sa ating brgy. Hindi siya busy gaya ng sinasabi mo.."
Napatigil c Eunice sa paglakad at pigil ang luhang tumingin sa ama.
"Ama mo ako eunice. Hindi mo kaylangan itago sa akin ang totoo.
Narito ako para damayan ka,kayong magkakapatid.. Kanina ko pa alam ang buong katotohanan at aminado ako na nasaktan ako para sayo. Mabuti na din ito hindi ba? Nalaman mo na ng mas maaga.."
Hindi na napigil ni eunice ang sarili, napayakap ito sa ama at parang bata na umiyak..
"Sige anak,iiyak mo lang yan,. Mas magaan kahit paano kpg iniyak mo.."
Nauunawaan ni mang waldo ang pinaghuhugutan ng anak. Aminado siya na may pagkukulang din siya bilang ama. Hinayaan niyang masakop ng pag ibig ang puso ng kanyang panganay,hinayaan niyang lunurin nito ang puso at buong pagkatao ni eunice, minsan na niyang nahuling naghalikan ang dalawa pero hindi niya kinontra..
Kaya heto,ang kanyang unang prinsesa, durog ang puso.
At hindi niya alam paano bubuuin...

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon