Magpapalit na naman pala ang taon, madaragdagan na naman pala ang edad ng aking anak, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tungkol sa kanyang ama...
Wika ni Eunice sa kanyang sarili habang tahimik na minamasdan ang nahihimbing na niyang anak na nakatulog na sa kanyang kandungan habang siya ay nakaupo sa sahig,kaharap ang kanyang laptop, Gabi na pero hindi pa rin xa dalawin ng antok. Kanina pa niya pinag iisipan kung magrereply xa sa message ni zeny kaninang umaga.
Hanggang sa makapagdesisyon na siyang hindi na lang, akma na sana niyang isasara ang laptop,upang mailipat na ang anak sa higaan nito, nang tumunog na muli ang kanyang messenger.
Video call from Rowena...
Hindi niya mawari ang pakiramdam, sasagutin ba niya o hindi?
Paano kung si Rowena mismo ang nasa linya? Pero paano kung si zeny pala?Eunice....inhale..exhale...hingang malalim ..kaya mo yan... Kung babalikan mo ang ama ng anak mo..kasama mong babalikan ang isa sa nagpasama ng loob mo.....
1...2...3...Marahan niyang binuksan ang linya..
And hindi nga siya nagkamali.."Ay! Thank you Lord! Inopen mo rin! Kamusta ka na?" May pgkailang pa rin pero may sigla na bati ni zeny.
"M-mabuti po.." Weird feeling pero pakiramdam niya masaya siyang makita si zeny,even though naroon pa rin ang pain ng mga panlalait at pangiinsulto nito sa kanya before.
"Naistorbo ba kita? Pasenxa kna kung alanganing oras ay tumatawag pa ako.."
Tahimik lang siyang nakikinig,hindi dahil wala naman siyang nais sabihin,kundi nahihiya at kinakabahan na rin. Bata pa siya nang huling kausapin siya nito ng ganito,maayos,walang mataas na boses. Napakahinahon.
"......may nais kasi akong ihingi ng pabor sa iyo kung di mo mamasamain..."
"Pabor?"
"Alam kong wala ako sa lugar,pero sana mapagbigyan mo... Maari ka bang magdiwang ng bagong taon sa piling namin? Kasama si.... Ang inyong anak?"
Panaginip ba ito? Hindi pa naman ako natutulog? Totoo?
"Sana pumayag ka,regalo ko na ito para sa kapatid kong nasaktan KO..."
Tatanggi sana siya,subalit sa gitna ng kanilang usapan ay nagsalita ang batang si Maurice,habang natutulog.
"Daddy....mommy,I want my daddy..."
"Sino iyon?"
"A-ang anak ko po.. Nanaginip ata.."
"Sige,paalam na, sana mapag isipan mo ng maaga..narito kaming lahat sa family house ng aming ina magdiriwang.."
"Goodnight po."
At tuluyan na niyang isinara ang laptop. Bumuntong hininga at binuhat ang anak patungo sa kama nito.
"Masyado ba akong naging makasarili para di makita na kailangan mo ang iyong ama habang lumalaki?"
Nakapagdesisyon na siya, kinuha niya ang cellphone sa bag, nagsearch ng hotel na pwede nilang matuluyan sa Quezon province since taga roon ang family ni Roland sa pagkakatanda niya.
Quezon province..
Roland's family house.."Happy new year!!!" Bati ng pamilya ni zeny sa bawat isa. Kaytagal na rin ng panahong nagsama sila ng ganito kasaya. Halos hindi na nga maalala ni Roland kung kailan ba yung huling beses na ganito sila, almost complete. Full of happiness celebrating the new chapters of their lives.
"Pasensya na kayo at kinailangan ko pa na magkasakit para marealize na ang inasal ko ay mali. Sayang at... Hindi na inabot ni mama ang ganitong tagpo.." Naluluhang turan ni zeny habang nasa salas silang magkakapatid kasama ang kanya kanyang pamilya.
Saglit tumahimik ang lahat,. Subalit dagli rin binasag ni Roland ang kathimikan.
"Hindi ikatutuwa ni mama kung makikta niya tayong laht na sinasalubong ang taon ng may kalungkutan. Chill lang." Wika niya sabay pahid ng hawak niyang panyo sa pisngi ng kanyang ate zeny.
"...isa pa, unang beses magnew year dito ni Henry, kaya dapat enjoy lang tayo,." Habol pa niya habang tinatapik tapik sa balikat ang nobyo ni Rowena.
Lingid sa kaalaman ni Roland, may inaasahang bisita sina Rowena, bigla itong tumayo sa kinauupuang sofa at lumapit sa ina, pasimpleng bumulong dito matapos mabasa ang mensaheng natanggap sa messenger.
Biglang nagningning ang Mata ni zeny sa ibinulong ng panganay.
"Talaga? Oh, eh, tayo na!" May pagksabik nitong aya sa anak.
"Saan ang punta ninyo ate?" Tanong ni Roland.
"Huh? Ahh...ano..." Pilit humahanap si zeny ng idadahilan at dahil batid ng asawa ni zeny,ni chona at Henry ang sorpresang iyon, tumulong na si chona..
" ahh, hayaan mo na sila, maaga pa naman para sa medya noche.. May ipinasuyo ako kay ate..ahh... Cake! Oo,tama! Baka nagmessage na yung bake shop..." Pagsisinungaling ni chona Kay Roland.
"Ah,oo nga po Tito.. Mabilis lang po kami ni mama.." Hinatak na ni Rowena ang ina upang hindi na magtnong pa si Roland.
"May dala akong brandy, tara sa veranda inom na muna tayo.." Mabilis na aya ni Ramon sa bayaw.
"Muntik na tayo roon! " sabi ni Rowena sabay buga ng hangin upang mailabas ang kabang nadarama.
"Oh siya, bilisan mo ang pagpatakbo iho,at baka kanina pa nakalapag ang sinakyang eroplno ni Eunice,.." Sabi ni zeny kay henry na siyang ngmaneho ng kotse ni Rowena.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
Roman d'amourMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...