chapter 51(back the old days)

16 0 0
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ni Rowena ang matalik na kaibigan habang ang kanyang luha ay nangingilid sa kanyang mga mata.
Hindi niya mawari kung saan nga ba siya mag-uumpisa,ang tanging alam niya ay pagkakataon na niya ito para humingi ng tawad sa matagal na panahong sinayang niya.
Hinahaplos-haplos niya ang buhok ng kaibigan,ginugunita ang kanilang kabataan na magkasama.

"Hindi ko alam kung saan maguumpisa,hindi ko rin alam kung sa mga oras na ito ba ay naririnig mo ako..kung sakali man ay hindi,handa akong ulitin ang mga ito sa paggising mo..sana lang ay may lakas ng loob pa akong gawin iyon.." Wika niya habang nangingilid ang mga luha sa mata.

"....simula pagkabata ay tayo na ang magkasama,magkatuwang sa anumang bagay,.talo pa nga natin ang tunay na magkapatid kung tutuusin. Naalala mo ba,sabay pa tayong hinahatid ni papa sa school, tapos sa kalikutan mo,muntik ka na mahulog sa tricycle,dahil mahilig ka sumakay ng nakatalikod sa driver..." Napapangiti siya,ngiting may pait habang ginugunita ang araw na iyon,.

Maya maya ay tuluyan ng umagos ang kanyang mga luha, tila pakiramdam ni rowena ay may batong nakadagan sa kanyang puso.

"....patawarin mo ako sa mga panahong kinailangan kong mamili sa inyo ni mama, patawad sa mga panahong kinailangan mo ng kaibigan pero pinili kong tikisin ka at sundin ang nais ni mama...maraming pagkakataon pero mas pinili kong hindi makipagkomunikasyon sayo dahil nagpadala ako sa salita ni mama,.." Napasubsob na lamang siya sa hinihigaang kama ng kaibigan,hindi niya alam, kanina pa may malay si Eunice at lahat ng sinabi niya ay narinig nito.
Gayon na lamang ang gulat ni Rowena nang may magsalita.

"Namiss kita...."

Nang iangat niya ang kanyang ulo at pahiran ang luhang humilam sa kanyang mga mata, isang Eunice na may tamis ng ngiti ang kanyang nakita.

"E-unice.." Nauutal niyang sambit.

Tumango lang si Eunice, aakma sanang babangon para yakapin ang kaibigan pero inunahan na siya ni Rowena,.mainit na yakap at bakas sa kanila ang pagkasabik sa bawat isa.

"Oh,God! Sobrang namiss kita,.." Bulalas ni rowena habang yakap ang kaibigan..

Samantala, parating na ang tatlo, sina roland,gloria at henry,. Bumili na rin ng breakfast meal at fruit basket si roland.

"Gising na kaya si eunice?" Nag aalalang sabi ni roland habang kapwa nila tinatahak ang hospital lobby patungo sa private room ni eunice.

"Relax,. Malapit na tayo.." Sagot ni gloria. "Boyfriend ka ba ni rowena?" Biglang tanong niya sa kabuntot nilang si henry.

Dagling nagblush si henry sa tanong na iyon.
"Ah,hindi. Friend lang."

"Friend? Diyan naguumpisa ang lahat..." Buyo pa ni gloria.

Until makarating na sila sa silid ni eunice. Its been less than a minute since they left, and now miraculously,,they heard eunice giggling while rowena laughing out loud.

Binuksan nila ang pinto, nakahiga pa rin si eunice,pero ngumingiti na ito.. Agad na binitiwan ni roland ang bitbit na fruit basket at nag aapurang lumapit kay eunice.

"Kamusta ka na? May masakit ba? Ok ka ba?" Sunod sunod na tanong ni roland habang hawak ang kamay ni eunice.
Subalit tahimik lang si eunice,ang ngiti nito ay biglang nawala, bakas ang gulat dahil sa biglang pagtatanong ni roland.

"Tito, eunice is okey,,dont worry.. Kagagaling lang ng doctor niya dito at ok na daw ang blood counts niya,."

"Oh,God! Thank you!" Bulalas ni gloria.

"Nagugutom ka ba?" Muling tanong ni roland.

Umiling lang si eunice.

Ano bang nangyayari sa akin? Nahihiya ba ako?
Naiilang?? Pero bakit?

Bulong ng isip ni eunice habang nakatingin kay roland na tila may mga itinatanong pa pero tila di niya naririnig, she felt sleepy again, siguro dahil sa gamot at white blood na isinasalin sa katawan niya.

"C-can i go to sleep?"

"Oh,roland tama na muna ang tanong mo,di pa lubos na magaling si eunice. Hayaan na muna natin siyang makabawi ng lakas."

"Opo nga naman tito,,"

"Mabuti ka pa, mukhang maayos na.. Kami kaya?" Malungkot na sentimyento ni roland habang nakatingin sa minamahal na ngayon ay mahimbing ng natutulog.

"Naku,naku,naku!! Umeemo ka na naman,, dont tell me suko ka na?"

"Hindi ah! Ngayon pa? No way!"

"Tiyaga lang tito,, magbabati rin kayo."

"Sana nga,bago sila umalis ng bansa."

"Aalis?? Sino?" Gulat na tanong ni rowena.

"Sinabi ba ni eunice sayo bakit sila aalis?" May lungkot na tanong ni Roland.

"Bakit nga ba?" Tanong rin ni Rowena.

"Bakit hindi mo mismo alamin?" Ang tanging sagot ni Gloria,habang isa isa silang lumalabas ng silid ni Eunice.

Nag iwan ng malaking palaisipan yon kay roland. Sapagkat wala siyang ideya kung saan at bakit kaylangan umalis ng kanyang mag ina.

Nanumbalik lang sa realidad si Roland nang sabay magring ang cellphone niya at Kay henry.

"Hello..... Sorry sir, but can I have my leave just until tomorrow?..... An emergency reason sir... Thank you sir!" Masayang malungkot na inioff ni Roland ang cellphone.

"Bakit ganyan naman ang mukha mo?" Tanong ni Gloria.

"Nag aalala lang ako kay Eunice,.. Kaya nagleave muna ako para matutukan siya."

"Ok lang naman kahit hindi ka magleave, narito naman ako." Pasiguro ni gloria.

"At syempre,ako!" Pabidang sabi ni rowena.

"Anong pati ikaw?! Unahin mo muna ang issue mo bago ka mag stay dito, isa pa, may trabahong naghihintay sayo sa maynila, nakakalimot ka ata?!" Sermon ni Roland sa pamangkin.

"At itong bodyguard mo,...." Tuya ni Gloria habang may ngiting nanghihiwatig na nakatingin Kay Rowena.

"Grabe kayo... He's not my bodyguard Gloria,. He was just a new friend. Right,Henry?"

"Pwede rin.. Ah, maiba lang ako, alam kong nangako akong sasamahan kita till here, pero kasi,tumawag ang boss ko,,they need me after lunch, pwede bang mauna na ako?" May pag aalinlangang pagpapaalam ni henry sa kanila.

"Sabay na kayo ni rowenang lumuwas,. You can go here anytime you want, pero ayusin mo muna ang issue mo!"

Walang nagawa si Rowena kundi ang sumama Kay henry pabalik ng maynila,. After all, magaan na ang feeling niya ngayong nagkaayos na silang mag kaibigan.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon