Kabado man ay naguumapaw pa rin sa tuwa ang puso ni Roland nang malaman mula kay Gloria na nais siyang makausap ni mang waldo.
Salamat na lang at nakasave pa ang contact number niya sa sim card ni gloria.
Nag laan ng isa pang araw si waldo sa batangas nang mapag alamang nakontak ni gloria ang iniuutos niya.
Lingid sa kaalaman ni eunice ay nais niyang maging malinaw ang lahat sa kanya,at ang pakiusap ni roland lamang ang sagot para malinawan ang kanyang pagiisip.Sa isang kainang malapit sa palengke ng lipa ay nagtagpo ang dalawa.
"M-mang waldo.."
"Upo." Kaswal nitong utos nang hindi tinitingnan ang kausap, sa halip ang mga mata niya ay nakatutok sa tasa ng kapeng hinahalo halo niya ng kutsarita.
"S-salamat po at pinagbigyan ninyo ako..." Parang tambol na dumadagundong ang dibdib ni roland,may panahong napapalunok siya at pakiramdam niya ay matutuyuan siya ng laway kayat panay ang lagok ng tubig na isinerve ng waiter kanina bago siya dumating.
Tumikim muna ng kape si mang waldo bago nagsalita.
"Ang sinabi ko noon ay hindi pa rin nagbabago. Mapapatawad lang kita kung mapapatawad ka ng anak ko. Isa lang ang nais kong malaman; anong dahilan mo?""Dahilan po?" Nagtataka niyang tanong,subalit dagli rin niyang napagtanto ang ipinupunto ni mang waldo.
"....hindi ko po ikakailang ako ang puno at dulo ng pighating dinanas ni eunice,. Ang pag alis ko po ay may dahilan at sana po ako ay inyong pakinggan.."
"Sige. Makikinig ako."
Sa seryosong pakikinig ni waldo,napagtanto niyang isang biktimang walang anumang pagpipilian ang lalaking ito,. At kung kaya ay naapektuhan ang kanilang relasyon.
"....binalot ako ng takot,pero ngayon,.o kahit noong hindi ko pa alam na nagbunga ang isang saglit na iyon, buo na ang loob ko,.harapin ang bukas ng siya ang kasama ko,lalo pa at nalaman kong walang bisa ang naganap sa aking kasal!" Sabik niyang tugon.
Masaya si mang waldo na marinig iyon.,pero dapat masubok muna niya, isa pa ay nakay eunice pa rin nakasalalay ang desisyon.
"Patunayan mong nawala na ang takot riyan sa dibdib mo."
"Kung gayon ay pumapayag na po kayong suyuin ko si eunice?" Bumakas ang pananabik sa mukha ni roland.
"Oo,pero ang desisyon ay nasa anak ko pa rin. At ang sinabi ko ay ganoon pa rin. " simula hanggang matapos,ang mukhang seryoso ni waldo ay hindi nagbabago, ni hindi ito ngumiti kahit minsan habang kausap ang binatang umaasa.
Bilang assistant supervisor,ang oras ni roland ay dapat nasa opisina lamang. Ngunit,sadyang nangingibabaw ang kapangyarihan ng pag ibig para magawa niyang mapagsabay ang trabaho at ang panunuyo sa minamahal. Kahit na sa una pa lang ay hindi siya hinarap ni Eunice kahit kaylan. Si gloria lang ang tanging humaharap dito at tumatanggap ng regalo.
Hanggang sa umabot na ng ilang buwan,.
"Hey,sister! Your suitor is in here again.." Buyo ni gloria isang umaga kay Eunice na abala naman sa pagbibihis ng damit sa anak dahil linggo at araw ng misa.
"Ano ba yan,Chinese?! Umagang umaga nanliligaw?!" Iritableng sagot ni Eunice.
Nakapameywang na lumapit si gloria sa kaibigang abala sa ginagawa,iniwang bukas ang pinto ng silid.
"Uy! Grabe ka.. Ilang buwan na nanunuyo sayo yong tao,ni minsan hindi mo hinarap,."
"Bakit ba? Obligasyon ko bang harapin siya? Sinabi ko bang pumunta siya dito at ubusin ang panahon niyang suyuin ako?! Wala naman di ba?"
"Wala. Pero ginusto ko."
Nabigla ang dalawang babae nang sa kanilang paglingon ay naroon si Roland. Hawak ang puting rosas na lagi niyang dala sa tuwing aakyat ng ligaw.
Awtomatikong binuhat ni Eunice ang anak at ipinasa ng karga kay gloria sabay alertong lumabas, isinara ang pinto upang harapin ang binatang hindi marahil nakatiis kaya pumanhik na upang sila ay puntahan.
Kahit ayaw niya ay napilitan na rin siyang harapin ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/75535956-288-k547635.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...