chapter 15(Sally's accident)

18 0 0
                                    

I'm sure na si Eunice ang nakita ko..she's still the same girl I used to love...
"Honey.."
Tila nagising sa isang panaginip si Roland nang marinig ang boses ni Sally. Nasa isang family dinner sila ng pamilya ni Sally; after ng journey niya sa Batangas ay inutusan xa ng kanyang byenan na agad ding bumalik dahil may dinner ang pamilya de Leon..
"Ano yon?" Tanong niya sa asawa ng tila nakabalik na ang diwa niya.
"I said, if you want anything..." Ulit ni sally sa tanong.
"Ahh,no. Thanks." Uminom ito ng wine na nasa wine glass at tumikim ng kaunting stake bago nagpaalam sa pamilya.
"Too early to leave young man.." Biro ni dencio sa manugang.
"Pasensya na po Papa, may trabaho pa po akong nakapending,."
Humingi din ito ng paumanhin sa ilang bisita.
"But its already past ten,. Hindi ba pwedeng ipagpabukas mo na yan?" Lambing ni Sally sa asawa. Subalit hindi alintana ni Roland ang lambing ng asawa. Gusto na talaga niyang umalis sa umpukang iyon.. Tama na ang makipag plastikan xa sa ama ng kanyang asawa,,
Mas gugustuhin ko pa na magpasubsob sa trabajo kaysa ang makipagplastikan dito.
wika ng isip ni Roland habang nakangiting namamaalam sa mga bisita.
"Alright. Let him be,. Aminin natin,because of my son in laws courage,ability, and charm.. Our business will not succeed like this.." Puri ni dencio sa manugang. Pinayagan niya itong umalis.
"Salamat po papa."
Masayang umalis c Roland habang naiwan naman si sally na malungkot, ni hindi niya manlang naenjoy ang bonding with the family dahil tila pakiramdam niya at iniwan siya sa ere ng asawa.
"Are you OK anak?" Tanong ni dencio nang mapuna niya ang lungkot na dumapo sa anak.
Ngumiti lang ito ng mapait, at nagkunwaring sumakit ang ulo. Kaya naman pinahintulutan na din xa na umalis.
Dumiretso si Roland sa study room.
Locks his door and open the computer. Checking his account if there is any progress..but..
Still the same.
Friend request..
Napabuntong hininga na lamang siya sa sobrang pagkadismaya. Two weeks na since nagsend siya and there is no progress...
Marahil ay galit xa sa akin kaya hindi niya ako magawang iadd..
Tumayo na siya at inioff na ang monitor, lalabas na siya nang nagulat siyang kasabay ng pgpihit niya ng seradora ay siyang pagkatok nmn ni Sally.
Nagulat pa si sally ng bahagya sa paglabas ni Roland.
"Ano?' Malamig at tila may inis sa tanong niyang iyon.
"Ah.. Sorry, naistorbo ba kita?" Nahihiyang sabi ni Sally.
Subalit hindi sumagot si Roland, dismayado siya at ayaw niyang ipahalata iyon sa asawa.
Lumabas lang siya para lumipat sa masters bedroom..
Agad namn sumunod si sally sa asawa.
"Hon...."
Naghubad lang ito ng Polo at sapatos saka nahiga at natulog..walang pakialam sa asawa na bumubuntot sa kanya.
Ano bang problema ,...asawa mo ako,pero bakit parang hindi asawa ang trato mo.... Naluluhang sigaw ng isip ni Sally habang pinagmamasdan ang asawa.. Muli na namang kumirot ang puso niya, tila doble ang sakit kaysa sa mga nagdaang araw.. Dagli siyang nagtungo sa banyo.
Naramdaman ni Roland ang parang komosyong dulot ni Sally pero binalewala niya lang..
Si Eunice ang iniisip niya. Kung paano niya magagawang kausapin ito at maipaliwanag ang lahat.
Kaylangang makabalik ako sa Batangas. Aasa na lamang ako sa pag asang makikita ko xa doon muli..
Kablog!
Malakas na kalabog na nagmula sa banyo,agad bumangon si Roland sa kama upang tingnan ang pinagmulan ng ingay..
Nabigla siya sa nasilayan nang buksan ang shower curtain..
"Sally!"

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon