chapter 20(finally meet again)

29 0 2
                                    

Huminto sila sa Ayala, sa isang four star hotel.
"Ano bang gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni Eunice habang sumusunod lang sa kaibigan. Wala siyang idea kung bakit dito naisip ni Gloria na magspent ng whole day.
"Room 143" wika ni Gloria sa receptionist na nasa lobby.
Sa nakikita niya ay tila planado ni gloria ang lahat. Naisip niya na marahil gusto ng kanyang kaibigan ng girls bonding.
Sakay ng elevator, lumabas sila sa fourth floor, lumakad sa pasilyo,hinanap ang numero.
Rm.143
"Eto na tayo!"
Binuksan ang pinto. Tumambad sa kanila ang napakagandang silid.
Kumpletong pagkain sa center table,katabi ang bugkos ng dilaw na rosas na binalot ng makulay na papel.
Hmm.....in fairness kay roland huh, inubos ata ang lahat ng pera na meron siya para lang dito...
"Sigurado ka ba na dito tayo magbabonding?" Tanong na muli ni eunice habang minamasdan ang buong paligid..

Biglang tumunog ang cellphone ni gloria kaya nagpaalam siya saglit sa kaibigan..
Naiwan si eunice sa loob, naupo sa sofa at palinga linga sa paligid.
Habang sa labas ay kanina pa nakaabang si roland.
"Oh, ayan na.. Pagkakataon mo na ito. Sabhin mo na ang gusto mong sabihin,.ipaliwanag mo na lahat ng gusto mong ipaliwanag. This is only once,wala ng ulitan at ayoko na rin ulitin!" Wika ni gloria.
"Oo alam ko,.kaya nga itinodo ko na lahat ng pera na meron ako...salamat talaga,," masayang sabi ni roland.
"Goodluck!"
Bago ito tuluyang umalis ay nagbilin pa ito."....usapan ,.hanggang usap lang huh,,umayos ka!?"
Ngumiti at tumango lang si roland. Yun lang naman talaga ang nais niya,,makausap si eunice.
Isang malalim na buntong hininga bago binuksan ni roland ang pinto. Dahan dahan ang kanyang pasok.
Si eunice naman ay nakatayo sa harap ng wall to ceiling window at tahimik na pinagmamasdan ang buong view ng ayala.. Tila naramdaman niya ang pagpasok ng tao,inakalang si gloria yun...
"Ang tagal mo naman makipag-----......" Natigilan siya nang pagharap ay hindi si Gloria ang makita niya.
Ang puso niya ay tila muli niyang naramdaman sa lakas ng kabog nito. Napakahabang panahon din ng huli niyang marinig ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.. Matagal bago nagawa ni eunice na magsalita.
"Ikaw?!"
"Ka-kamusta ka na?" Tanging nasabi ni roland.
Lahat ng sakit na ilang taon pinag aralan ni eunice na kalimutan ay muling nagbalik. Mga panahong nagising siya at makita ang sariling pinagmukhang tanga ng taong ito na nasa kanyang harapan.
"Aalis na ako.." Dagling kinuha nito ang bag sa sofa at akmang aalis pero maagap si roland sa pagpigil kay eunice, agad hinawakan nito ang kamay ni eunice.
Awtomatikong nakatikim ng sampal si roland mula kay eunice,. Sabay ang pag agos ng mga luha,. Luhang mula sa pusong labis na nasaktan.
"Kung kulang pa, sige saktan mo ako.. Ilabas mo ang galit sa puso mo.." Lumuluhang tugon ni Roland sa iginawad na sampal ni Eunice.
Nanginginig ang mga kamay ni Eunice, maging ang buo niyang katawan, tila ba kinakapos siya ng pghinga habang matalim na nakatingin Kay Roland.
"Ano pa bang gusto mo!!?" Sigaw na may kasamang pagiyak ni Eunice.
"Tahimik na ang buhay ko, bakit ba nagpakita ka pa!? At ginamit mo pa talaga si Gloria sa plano mo?! Ganyan na ba kakapal ang mukha mo ngayon?!" Patuloy na paghihimagsik ng puso ni Eunice.
"Patawarin mo sana ako Eunice, pero ito lang ang tanging alam ko para makapag usap tayo ng maayos.."
"Maayos!? Wala ka ng aayusin! Durog na ang puso ko dahil sa ginawa mo!" Ibinalibag nito ang hawak na bag at hinawakan sa kwelyo si Roland,.
"Sa tingin mo ba maibabalik ng sorry mo ang lahat? May magbabago ba? Ibinigay ko ang lahat sayo dahil umaasa ako na ang pagkakadulas ng dila kong iyon ay talagang totoo sayo,. Pero umaasa lang pala ako, ako itong si tanga, nagpakabulag sayo ng halos kulang dalawang taon.."
"Kaya nga humihingi ako ng tawad at sana pakinggan mo ang aking paliwanag..."
Pabiglang binitiwan ni Eunice ang kwelyo ni Roland at kinuha ang bag sa sofa, she tried herself to calm.
"Its been seven years.. We both have our own life.. This shit talking was nonsense to continue.." Aalis na muli sana ito subalit hindi inasahan ni Eunice ang sumunod na gagawin ni Roland...

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon