chapter 33

17 0 0
                                    

"Naku eto na! Totoo nga may invitation card na,pakisabi kay eunice salamat dito sa invitation, makakarating kami dont worry.." Masayang tugon ng doktor ni eunice nang iabot na ni gloria ang inbitasyon sa kanya isang umaga.
"Sige po. Makakarating. Mauuna na po ako doc..madami pa ko idedeliver." Lumabas na siya.

Tinungo ang elevator at pinindot ang ground floor.
Sa hindi inaasahan, sakay ng elevator na iyon si roland, kapwa nagulat ang dalawa nang muling magkita pagkatapos ng insidenteng iyon.
At dahil may kinikimkim pang galit si gloria rito ay pinili niya ang umiwas na lang,subalit,maagap si roland.
Dagling hinabol at hinablot ang kamay ni gloria, naihulog tuloy nito ang dalang inbitasyon kaya agad napuna ni roland ang nakasulat, maagap man sa pagpulot si gloria ng ilang sobre na nahulog ay mas maagap si roland.
Maurice yamamoto's christening...
"Ano ito? M-may anak si-----" abot abot ang kaba ni roland, iniisip kung nagbunga ba ang isang gabing pinagsaluhan nila.
Dagling inagaw ni gloria ang hawak nitong sobre,at akmang aalis. Gusto niyang magsinungaling pero, alam niyang darating ang araw na malalaman rin ni roland ang totoo..kya pinili niyang umiwas.
Subalit,mapilit si roland.
Hinawakan nito ang braso ni gloria,pilit na pinaaamin kung kaninong anak ang nabasa niyang bibinyagan.
Tila umabot na sa ulo ni Gloria ang pagkairita kaya napilitan na siyang umamin.
"Fine! Gusto mo malaman ang totoo? Si Maurice lang naman ang naging bunga ng kamaliang nagawa ko nang pagtagpuin ko kayo!?" May kataasan ang Boses nito, himig ng pagkagalit sa kausap.
Hindi nmn makapaniwala si Roland, nangingiti sya sa naririnig, para bang pakiwari niya ay nasa ulap siya, kay gaan gaan sa pakiramdam.
"Huwag kang masyadong matuwa,dahil hanggang riyan lang maibibigay ko sayo!" Iritableng turan ni Gloria.
"N-nasaan ang mag ina ko? Nasaan? Gusto ko silang makita..sa dati ba?"
Isang malakas na sampal sa pisngi ang iginawad ni Gloria kay Roland upang magising ito sa isang panaginip.
"Bakit!?" Wika ni Roland sapo ang pisngi.
"Para magising ka sa katotohanan! Hindi ko sinabi sayo ang totoo para magkaroon ka ng rason na guluhin ang kaibigan ko muli!
Marami na siyang hinanakit! Marami ng luha ang pumatak sa kanyang mata,. Kung may natitira ka pang kahit kaunting kahihiyan,hindi mo tatangkaing lapitan ang mag ina! Hintayin mo ang araw na sila ang unang lumapit sayo!" Matapos iyon ay padabog itong umalis at sumakay ng ibang elevator.
Naiwan si Roland na hindi mawari kung anong mararamdaman, tila naghalo ang tuwa,pagaalinlangan,takot, at pananabik.. Sa halo halong emosyon, muntik na malimutan ni Roland ang dahilan bakit siya nagtungo sa ospital. Inayos ang sarili,at tinahak ang pasilyo patungo sa klinikang pinupuntahan para kumuha ng orders.

Habang si Gloria naman,hanggang sa mga oras na ito, sakay ng kanyang kotse pabalik ng Batangas,ay nanginginig pa rin sa nangyari, bahagyang iniuumpog sa manibelang hawak ang kanyang noo, parang nagsisisi at nagawa niyang sabihin ang totoo..
"Your so dumb Gloria!!" Sabi niya,kinagagalitan ang sarili..bumuntong hininga siya ng malalim, uminom ng bottled mineral water sa kanyang tabi bago inistart ang kotse.

"Doc..?" Si Roland, nasa klinika siya ng doktor ni Eunice. Tila wala ang doktor kaya nagpasya na siyang pumasok at hintayin ang doktor. Sa mesa ng doktor may napansin siyang open chart, since a few seconds na rin siyang naghihintay,hindi naiwasang tumingin tingin siya sa naiwang chart ng doktor, until pinukaw ng isang papel ang na nkaipit sa chart ang paningin niya.
"Maurice Yamamoto's christening.
When: July 5, 2016
Where: st.Peter's parish church Batangas city
Venue: at Euji Japanese resto

"Binyag ng anak ko..." Napapangiti niyang bulong sa sarili. Nais niyang pumunta,subalit pinipigilan siya ng mga salitang binitiwan ni Gloria kanina.
At paano nga kung magpakita siya?
At paano nga kung magharap silang tatlo nina Eunice at asawa nito. Muli ba ay sasaktan niya si Eunice? This time dahil ipipilit na niya ang tama?
Bigla ay parang naguguluhan siya.
Noon iniwan niya ito para sagipin sa kahihiyang dadanasin ng kanyang ina dahil sa pagkagumon sa sugal.
Ngayon naman, bata ang pinag uusapan. Bunga ng malalim niyang pagmamahal kay Eunice.
"Diyos ko! Ano ba nararapat Kong gawin!" Hindi sinasadyang naibulalas niya at tamang dumating naman ang sinadya niyang doktor.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon