chapter 43

13 0 0
                                    

"Pa,anong oras po uwi ninyo?" Tanong ni Clara habang kausap ang ama sa kanyang cellphone.
Hindi niya inasahang tutungo ang ama ng mag isa sa Batangas. Sa sobrang abala ay saka lang niya nabasa ang text message nito.

"Baka bukas na ako makakauwi dyan,anak. May kailangan lang akong ayusin."

Napapakamot na lang ng ulong pinaboran ni Clara ang kagustuhan ng ama. Marahil dala iyon ng pagiging balisa ng kanilang ama,Simula nang magkrus ang landas nito at ni Ronald.

Samantala, sa apartment na tinutuluyan ni Roland,.
"Kuya, eto na yung pinabibili mong bulaklak." Wika ni Henry.

"Salamat ah. Sana,maibigan niya ito.." Nakangiting sinasamyo niya ang bango ng mga puting rosas na pinabili niya Kay Henry.

"Kuya,hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Biro mo,. Binalewala niya ang haranang ginawa natin noong isang gabi,pero heto ka at muling bibyahe pra lang makita siya!?"

"Kapag nagmahal ka na ng totoo, maiintindihan mo rin kung bakit. Pabor nga pala,. Maari bang ikaw muna ang bahala dito sa inuupahan ko,. May ilang buwan din akong mawawala. Babayaran ko na lang ang ilang buwan Kong pagkawala sa nanay mo."

"OK lang kuya kahit sa pagbalik mo na lang muli,ako ng kakausap Kay nanay. Eh,saan naman ang punta mo?"

"Tuloy na ang destino ko sa Batangas. Lulubusin ko na din ito para gawin ang tama para sa pamilya ko."

"Wow,kuya! Lakas mo Kay Lord! Goodluck!"

Napangiti lang si Roland at muling itinuloy ang pag iimpake, kaya naman iniwan na siya ni henry.
Sa kanyang pag aayos, isang brown envelope ang nahulog sa sahig nang kunin niya sa cabinet ang ilang damit. Inilapag niya muna sa higaan ang hawak na damit at inusisa ang nahulog na envelope.

"Ito yung ibinigay ni sally sa akin noong libing ni mama... " sinimulan niyang usisain ang nilalaman nito.

"Certificate? cenomar??? A-anong mga ito??...."

Kalakip rin ng mga papeles na iyon ang wedding ring nila at isang sulat mula Kay Sally.

Sally's letter;

To my ex husband,
                     Since our parents forcing you to married me, I knew to myself I was the only one who felt happiness.
I choose to be selfish, I choose to feel everything is normal between us because I love you since we're kids. But when papa told me what happened when I'm on sleep and make me realized how stupid I was, that's the time I realize that everything is just an illusion.
Sobrang mahal kita, kaya nagawa Kong ilihim na ang kasal natin ay d totoo. Your free to marry anyone.
Patawarin mo ako,.
Labag man sa kalooban ni papa, ay inutusan ko ang aming abogado na hatian ka sa assets na meron ako,. Bilang naging malaking bahagi ka naman ng aming negosyo. Isa rin yun sa condition ko para paboran ang nais niya.
Used it to raised a new life with someone who you truly loved.
       
                                Sincerely yours,
                                 Sally.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa.
Sa kabila ng pagtrato niya ng d tama kay sally ay kapakanan pa rin nito ang kanyang inisip.
Anong kabutihan ba ang nagawa niya upang bigyan siya ng ganitong biyaya?

"Salamat sally..." Maluha luha niyang tugon habang minamasdan ang hawak na papeles.
"Malaya na ako! Malaya na akong ipahayag sa mundo ang taong minamahal ko!!"
Naputol ang kanyang pangangarap nang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa nakasarang maleta.

"Hello?,,Gloria?"

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon