chapter 47

11 0 0
                                    

Its been half a week since naganap ang tagpong nagpabago sa takbo ng desisyon ni Eunice.
Hindi man niya inaprubahan ang panliligaw ay hindi na rin naman niya ito tinataguan.
Every other day kung dumalaw si Roland, minsan ay wala dahil busy sa trabaho pero ang bawat padalang regalo sa anak at bugkos ng rosas para sa mahal ay walang palya.

"I'm glad to see na pinakikiharapan mo na siya ng maayos. Does this also mean of reconciliation?" May ngiti sa labing bati ni Gloria habang nasa harap sila ng mesa para mananghalian,

Hindi tumugon si Eunice sa bati ng kaibigan,hindi dahil busy siya sa pag papakain kay Maurice na nasa kanyang tabi, kundi dahil nais lang niyang maging tahimik ang lahat. Di niya gustong makita ng kaibigang unti unti na namang nahuhulog ang puso niya sa taong iyon.
Ipinangako niya sa sariling pipigilan ang nararamdaman hanggang mapatunayan na totoo na ang Roland na bumabalik sa kanya.

"Oh,well..silence means yes." Buntong hiningang tugon ni Gloria sa hindi pagsagot nito sa tanong niya.

"Oh,siya..mauna na muna ako maligo para makapag prepare.."

"Saan ka pupunta?"

"Naku huh,,niligawan ka lang ulit ng one great love mo nag ulyanin ka na agad?! Check up po ni Maurice today.."

"Shocks! Oo nga pala! Anong oras na ba? Baka di natin maabutan si doktora!" Nag aapurang inayos nito ang anak at saka binuhat.

"Relax. May one hour pa tayo to prepare. "

After an hour.....

Bzzzt!!Bzzzt!!

"May tao, pakitingnan mo nga at baka ang staff natin yan sa resto." Pakiusap ni Eunice Kay Gloria habang inaayusan ang anak.

"Sarado po ang resto.. Malamang si Roland yan."

Napataas ng kilay si Eunice sa tinuran ni Gloria.
Nakangiti namang tumugon si Gloria sa mapanuring tingin ni Eunice.

"Nasira kasi ang kotse ko,kaya nakisuyo ako kay Roland..ang kotse mo nmn ay hiniram ni Clara so no choice ako."

Buhat ang anak ay napapailing na tumingin ito Kay Gloria,.

"Really now? If I know, modus mo na naman yan." Wika ni Eunice habang nauna na lumakad karga ang anak at sukbit sa kaliwang balikat ang baby bag.

"Grabe xa oh! Hindi ba pwedeng nasira talaga at no choice ako?" Kaila pa nito habang bumubuntot sa mag ina pababa ng staircase.

"Tama ka na diyan sa "no choice" mo,.let's go at baka di natin maabutan si doktora."

Sa sala,nakaabang na si Roland.
Pormal na pormal sa suot niyang long sleeves at black pants with matching leather shoes.

"Wow...Nahiya naman ako sa suot mo,. " pairap na tugon ni Eunice habang tinatahak ang labas upang makasakay na sa kotseng nakaabang sa tapat ng gate.

"May problema ba sa suot ko?"

"Duh.. Tingnan mo nga, hospital ang pupuntahan natin hindi party, look at us!?" Buyo ni Gloria.

Nakabestidang asul lang si Eunice at flat shoes,habang si Gloria ay nakaloose blouse na pink at fitted jeans at sandals.

Bahagyang napahiya si Roland, subalit dagli rin siyang nakaisip ng paraan.
Inalis niya ang butones upang bumuka ng kaunti ang kwelyo, iniangat ang sleeves hanggang siko.

"How do I look?"

"Hmm...not bad."

"Hindi pa ba tayo aalis?!" Bulyaw ni Eunice na kanina pa nasa loob ng kotse at nag aabang.

At the hospital.....

"Kami na lang ni Maurice ang aakyat,.you wait here." Utos ni Eunice kay Roland.

"Maari naman kami sumama.."

"No! Para ano? Para magtanong ng kung ano si doktora esguerra? No way!"

"Hayaan mo na..
Cge na,text mo na lng ako kung tapos na check up, magpapasama muna ako kay Roland sa city Hall."

Pairap na bumaba ng kotse si Eunice at walang lingon likod na iniwan ang dalawa. Nalimutan pa niya ang medical card ng bata sa pag mamadali.

"O,siya..halika na?"

"Galit ba siya sa pagprisinta ko?"

"I guess so? Bakit? Suko ka na?"

"Of course not!" Tumingin siya sa rare view mirror habang kumakambyo para bumalik sa dinaanan nila para ihatid si Gloria sa city hall.
On the way to city hall ay tuloy ang conversation ng dalawa.

"Good to see na hindi kna bumibitaw. But tell me, is it because alam mong ikaw ang ama at byuda na siya or dahil sadyang natauhan ka lang?"

"Both. But the great reason is I still love your friend. And I will do anything just to win her heart again."

Napapangiti na lamang si Gloria sa sagot ni Roland. At umaasang hindi na lang sa salita aasa ang kanyang kaibigan.

"We're here!" Wika ni Roland habang iminemenor ang kotse sa gilid ng city hall.
"Ano ba ang sadya mo?"

"Pinapaayos kasi ni Eunice ang tungkol sa euji resto bar.. Hindi na kasi niya naaasikaso sa dami ng ganap. Kaya naisip niyang ibenta na lng sa may gusto. Isusunod na rin niya ang bahay, kaya pagpasensyahan mo na kung medyo mainit ulo." Sagot ni Gloria habang dinodouble check ang dalang brown envelope, hanggang sa biglang humangin at dahil yun sa half opened window ng kotse lumapag sa backseat ang isang paper.. Hanggang mapansin niya ang medical card ni Maurice sa sahig ng kotse.

"Gosh! Naiwan ni Eunice!"

"Ako na magbibigay."

"Sure ka?"

"Sure. Sige na, baka maabutan ka ng last hour sa pila. Tawag ka na lang kung ok ka na."

"OK. Sige, ingat . pakibigay na lang,. See you!" Tugon ni Gloria nang makababa sa kotse.

Kumaway pa si Roland, bago dagling pinaharurot ang kotse pabalik ng hospital upang ihabol ang med.card ng anak.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon