chapter 30

16 0 1
                                    

Dahil sa condition ng baby ni Eunice, halos araw araw ay dumadalaw siya sa silid ng anak. Ilang araw lang ay dinischarge na siya ng kanyang doctor. Naiwan pa ang sanggol kaya naman, naging gawi na niya ang puntahan ito sa hospital araw araw.

Masaya siya sa bawat sandaling nakikita ang magandang pagbabago sa kanyang anak,. Panay ang dasal niyang nawa ay maiuuwe na niya si baby Maurice..
Maurice Yamamoto.
Ito ang isinulat niya sa birth certificate ng sanggol,.at ang ama ay si Kenji. Alam niyang Mali,pero mainam na iyon, dahil ayaw niyang maranasan ng kanyang anak ang alipustang magmumula sa pamilya ng tunay nitong ama.

"Mrs.Yamamoto..."
Sa lalim ng pagiisip ay di niya napansing dumating na ang doctor, tinapik siya nito sa balikat.
At inaya sa kanyang clinic.

"Kamusta na po ang baby ko?"
"Your baby's condition is progressing and I think in a few weeks time, pwede ko na siya I discharge,basta magtuloy tuloy ang changes niya at immune na ang body ni baby Maurice, ay pwede ko na siyang maidischarge." Masayang balita ng doctor.
Tila isang sagot sa dasal ang sinabing iyon ng doktor. At Hindi na siya makahintay sa araw na makakarga na niya ang kanyang sanggol.

After ng ilan pang minuto ng paguusap ay nagpaalam na ito sa doctor. Palabas na siya nang tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng bag.
"Hello?,,ahh! Atty. Lee.. Ah,ganoon ba? Sige, pupunta ako sa office mo..OK bye.." Nagmamadali itong lumabas ng hospital, apuradong sumakay ng elevator. Sakto namang labas ni Roland sa kabilang elevator bitbit ang tatlong medium size boxes.
Patungo kung saan galing si Eunice.

Knock!knock!
"Oh! On time ka ngayon iho?!" Wika ng doctor na kausap ni Eunice kani-kanina lang.
"Kailangan po kasi eh. Saan ko po ba ilalagay ang mga ito?"
"Pakipasok mo na lang rito at ako na mag aayos mamaya."
Iniabot ng doktor ang sobreng naglalaman ng bayad para sa ilang vitamins at supplements na inorder ng doktor sa kumpanyang pinasukan ni Roland after matapos ang contract niya sa food sphere inc.
Ngayon ay nasa isang malaking pharmaceutical comp. Nmn siya at pumasok bilang clerk/driver na rin.
"Ang sipag mo,.ilan na ba ang anak mo?" Tanong ng doktor.
"Anak? Binata pa po ako,doc!" Nangingiti niyang sabi habang nagpupunas ng kanyang pawis sa mukha.
"Totoo?!" Manghang tugon ng doktor.
"Aba naman! Pasensya ka na,iho. Napakasipag mo kasi, clerck ka na, driver at kargador pa! Akala ko tuloy ay may pamilya ka na." Dugtong pa nito habang nakapameywang na nkatingin sa kanya.
Nangingiti lang si Roland sa sinasabi ng doktor. May ilang linggo pa lang siyang nagdedeliver ng orders sa hospital na yun pero nakasundo na niya halos lahat. Lalo na ang doktor ni Eunice.
"Kayo naman dok,. Nagsipag lang may anak agad?, "Biro niya sa doktor na mabilis niyang napapangiti.
Sa kanilang pag uusap ay napatingin ang doktor sa wall clock sa likurang bahagi ni Roland.
3:16pm
"Oh, mauna na muna ako sayo, oras na para bisitahin si baby Maurice."
"Ah,cge po. Salamat po,mauna na rin po ako."
Sabay silang lumabas ng clinic, naglakad sa magkaibang daan.
"Maurice?....kagandang pangalan..." Di sinasadyang naibulalas niya sa sarili.






"Atty. Anong balita sa case ng asawa ko?" Tanong nito habang nasa swivel chair kaharap ang Atty.
"Lumabas na ang translated note ng forensic team sa nkalap na sulat sa kamay ng asawa mo. Eto." Iniabot ni Atty.Lee ang nakatuping white pad kay Eunice. Hindi malaman ni Eunice kung ano ang mararamdaman habang dahan dahang binubuklat ang sulat na iyon. Pakiramdam niya ay mas bibigat ang kanyang nararamdaman kapag binasa na niya ang nasabing sulat.
"Lalabas na muna ako. I'll be back in a short while. Basahin mo na muna ang sulat na yan." Wika ni Atty. Lee na kinabakasan niya ng pagkadismaya ang mukha nito habang palabas ng opisina.

Kenji's letter:

Dear my love,
I'm so bothered, I don't know what to think after I noticed what was your situation today.
Did I make any mistake?
Did I make something by hurting me this way?
I love you with all my heart. I've always do everything your heart desire,but I guess,my best is not good enough and you find someone who can gave you what you really want.
He won,and I loose, loosing you forever.
My life now is worthless.
Forgive me to leave you this way.
I won't allowing myself hurting you every time I see you and your womb keeps bigger. I feel it stabs me time to time.
This is the only thing I should do to stop myself thinking to hurt you..
Forgive me and I hope you'll find happiness to the baby you will be born soon....
I love you my queen..
Sayonara, Eunice

Yours forever,
Kenji.

Pumatak ang mga luha sa kanyang binabasang sulat.
Luha ng paghihinagpis at labis na pagsisisi.
Pakiramdam niya ay siya ang pumatay sa asawa,sa isang pagkakamali lamang.
Tila naninikip sa sama ng kalooban ang kanyang puso.
Tila sasabog iyon kung hindi niya isisigaw.
"Kenji!!!!!"
At napasubsob na lamang niya ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.

Habang sa labas ng opisina,naroon si Atty. Lee, lihim na lumuluha,. Naaawa sa sinapit ng mag asawang naging malapit sa kanyang buhay.
Dahil sa kahihiyang haharapin ay nagawa ni kenji ang HONOR SUICIDE.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon