Isang taon simula nang lisanin ni Roland ang hacienda de leon, ang buhay na mariwasa, buhay na nagparanas sa kanya bilang tila hari, di lang sa trato ng mga tauhan ng hacienda kundi maging kay sally mismo,. Halos sambahin siyang tila santo, kahit batid nila parejo na walang pag ibig sa sentro ng pagsasama nila,kung meron man yon ay kay sally lamang. Ngayon, heto xa,. Isa na lamang pangkaraniwang empleyado sa isang malaking pabrika ng process food. Ipinasok siya ng isang kaibigang nakilala niya noon sa hacienda kung saan isa ito sa supplier nila ng ilang sangkap na inihahalo nila sa niyog para sa negosyo nilang virgin coconut oil.
Since nakapag aral naman siya kahit undergraduate, natanggap siya bilang assistant supervisor,since yun ang available job sa kumpanya. Napakasimple ng buhay niya ngayon, malayong malayo sa buhay niya sa piling ni sally. Nakatira siyang mag isa sa isang apartment malapit sa trabaho niya..ilang sakay lang ang layo.
Minsan, nautusan siyang tumungo ng batangas para mag assist ng isang conference meeting ukol sa mga process food na pwedeng ituro para sa mga small intreprenur.. Sa laki ng batangas, kung bakit tila tinulungan marahil siya ng tadhana ay napadaan siya at eksaktong nadiskarga ang baterya ng sinasakyan niyang L300,. Sa tapat ng isang ginagawa pa noon na tila restobar,ayon na rin sa pictured tarpaulin na nkapaskil sa gilid at may pangalan ng owner..
Eunice & kenji yamamoto
"Euji japanese restobar,soon to open"
Inisip pa niya na baka kapangalan lang, hanggang maalala niya ang panahong nakita niya sa SLEX si eunice..
At lalo pa nabuhay ang kanyang hinala nang oras ding yun ay makita niya ang babaeng bumaba sa pulang innova, alalay siya ng isang foreigner na tila hapon at may edad na habang bumababa sa sasakyan.. Maganda ito sa suot niya asul na bestida at sandalyas na kulay krema. Morena pa rin ito na bagay pa rin naman sa kanya.
Walang paglagyan ang tuwa sa puso ni roland nang makita muli at masigurong siya nga ang eunice na nakasulat sa tarpaulin.
Doon nagsimula ang palagiang pagpunta punta ni roland sa site, tuwing day off niya,doon ang tungo niya,.hindi para manggulo,kundi para makita ang kanyang mahal.
Hanggang sa isang araw nga ay makita siya ni Gloria......"Kenji...." Pasakalye ni Gloria,isang umagang nasa veranda sila at nag aagahan sa bagong bahay ng mag asawa, ilang dipa lang sa restobar.
"Yes?"
"Can i borrow your wife for the whole day?"
"Whole day?" Nagtatakang tanong ni kenji.
Kahit si Eunice nagtataka rin.
"Please??? You know how much i miss this friend of mine..." Umakbay ito kay Eunice na may ngiti sa labi.
"Alright,. You win. But only for the whole day.." Bilin pa nito.
"Thank you kenji san...."
"San ba tayo pupunta?" Pasimpleng tanong ni Eunice nang tumayo na at umalis sa veranda si kenji.
"Basta."After ng lunch sila umalis ng batangas sakay ng kotse ni Gloria.
"Gloria, saan ba tayo pupunta kasi?"
Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito sa kaibigan at kinindatan pa nya ito.
Vroooommmm!!!!!!
Pinaharurot ang kotse upang mabilis na makarating sa patutunguhan.
Sa lugar na sinabi ni roland.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...