Nakagawian na ni Roland ang sundan ang kanyang mag ina, saan man ito magpuntang lugar, kaya hindi linggid sa kanya na ang mga pinadadala niya ay hindi nagagamit ng anak.
Minsan ay naikwento niya kay Rowena ang bagay na iyon, at ang tanging sagot nito sa kanya ay "kahit ako, yun din gagawin ko. Hindi ko isasalalay sa iba ang kalusugan ng anak ko.. Kung ako sayo unti unti ka nang magpakilala.. Kung kinakailangang ligawan mo ang buong angkan niya gawin mo,mapalapit ka lang at magkaroon ng karapatan sa anak ninyo."Patuloy na iyon ang iniisip niya kahit nasa trabaho. Nagpalipat na siya ng posisyon,from clerck/driver, pinili niyang maging full time driver/delivery man, same salary at my chance siyang lumayo para masubaybayan ang kanyang mag ina.
Nakakapagod kung iisipin, pero para sa kanyang mag ina ay titiisin niya.
Pakiramdam niya ay buo ang pagkatao niya kapag nakikita ang dalawang babae sa buhay niya.
Naisip na din niya na gawin ang payo ni Rowena,pero di niya malaman kung saan magsisimula..Waldo's residence...
"Pa,saan ang punta ninyo?" Tanong ni Carla nang magisingan ang ama na bihis na bihis at nakapostura pa.
Asul na polo at itim na slacks, nakasapatos pang leather,.
"Sa embahada anak.."
"Nang ganitong oras??!!"
Alas sinko pa lang kasi at ang bukas ng opisina ay alas syete pa,.
Binilinan kasi si mang waldo ni July na lakarin ang visa at passport ,dahil ipepetisyon na nito ang kanilang ama.. Nais sana ni July ay kasama ang kanyang ate Carla,pero pinili nitong manatili sa pilipinas dahil masaya naman daw siya sa pagpapatakbo ng negosyong ipinamana na sa kanya ng kanyang ate Eunice.
"Mabuti na itong maaga,. Baka abutan ako ng traffic at mahabang pila.. " inayos ang kwelyo at kinuha ang envelope saka nagpaalam sa anak na napapakamot na lang ng ulo sa sobrang pagka excited ng ama.Mula Quezon city ay bumiyahe si mang waldo papuntang maynila at hindi nga siya nagkamali, sobrang trapik agad pagpatak pa lang ng alas sais ng umaga..
Kung kailan naman malapit ka na,saka pa nagkatraffic!
Himutok niya sa sarili.."Yun pong bababa sa embassy, mangyari pong bumaba na dito, nagkaroon daw po ng aksidente sa dulo kya humaba ang traffic,,pasensiya na po,mga sir at maam.." Pakiusap bigla ng konduktor ng bus.
Napailing na lamang ang matandang waldo at kahit ilang metro pa ang layo ng embahada mula sa kinahintuan ng bus ay bumaba na rin siya, kasama ang ilang pasaherong marahil ay doon sa embahada rin ang tungo.."Maigi na din ito. Parang nagehersisyo na din ako.."
Turan niya sa sarili habang tinatahak ang island patungo sa kabilang pedestrian lane.Samantala naman,sa kabilang linya kung saan ang traffic ay napakahaba na rin,. Init na init at inip na inip na naghihintay si Roland sakay ng SUV na gamit niya sa pagdeliver ng orders,. Halos pagpawisan na siya sa loob ng sasakyan,. Kung bakit kasi ay ngayon pa sumabay ang pagkasira ng aircon.
Hindi na siya nakatiis kaya't napilitan na siyang lumabas ng sasakyan pansamantala dahil sa ilang oras ng walang galaw ang mga sasakyan,
Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsang maong pants at tumawag sa opisina,upang malaman ng mga katrabaho kung bakit malelate siya.Sa kanyang pagmamasid, nahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na tao, matagal na, ngunit nakasisiguro siya sa kanyang nakikita. Maari ba naman niyang makalimutan ang ama ng kanyang sinisinta na noong sila pa ni Eunice ay, "tatay" ang tawag niya.
"Ta-------....." Natigilan siya sa pagtawag sana dito sa nakagawian, naalala niyang baka galit din ito sa kanya,sa biglaan niyang pagkawala ng walang pasabi.
Kaya't nagkasya na lamang siyang tanawin itong naglalakad patungo malapit sa kanya pagkat hindi nmn sya nalalayo sa pedestrian crossing.Nakatawid na ang matanda, at ang usad ng mga sasakyan ay unti -unti na ring kumikilos, ngunit si Roland ay di natitinag sa kanyang pagkakatingin sa kung saan patungo ang matanda,
"HOY!!"
Sigaw ng nakasunod na truck sa kotse ni Roland, saka lang natauhan si Roland na sumakay ng kotse at paandarin ito, may kabagalan pa ang usad kaya nakita niya kung saan tutungo ang matandang Waldo.Sa halip na dumiretso,pinili niya ang ibwelta ito para ipark sa tabi ng embahada.
"Pagkakataon ko na ito,marahil,ito ang sinasabi ni Rowena,...sisimulan ko dito..." Buo ang loob na turan niya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...