chapter 25(talking to my ex-wife)

18 0 1
                                    

Hanggang sa maihatid sa huling hantungan ang kanilang ina, ay hindi nagawa ni Roland na makita sa huling pagkakataon ang kanyang ina. Nagkasya na lamang siyang tumanaw sa malayo habang panay ang pagluha. Sinisisi ang sarili kung bakit pumanaw ang kanilang ina ng di sila nagkaka ayos.
Hindi niya alintana ang brasong nakabalot ng tela dulot ng pagkakapilay, masakit iyon pero wala ng sasakit pa sa nagawa niya sa ina.
Matiyaga niyang hinintay na umalis ang mga tao sa sementeryo, sa isang apartment type katabi ang kinalalagakan ng kaniyang ama,inilagak ang kanyang ina. Doon lang niya nagawang lumapit. Lumuluhang inialay ang dalang bulaklak.
Patawarin mo ako mama... Hindi ko gusto ang mga nasabi ko noon.. Bugso lang iyon ng damdaming may pakiramdam na binabalewala..mama,,huli na para magsisi,huli na para makabawi ako sa mga nasabi ko.. Batid kong dama mo na mahal kita kahit ganon ang naging asal ko... Patawarin mo ako mama..Naghihinagpis ang puso ni Roland ng mga oras na iyon. Ang sabi niya noon,hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya,.pero nasubukan nito ang kanyang sarili,. Labis siyang nagsisisi. Sa gitna ng kanyang pagluluksa at patuloy na pag agos ng luha,. Isang tao ang umagaw ng kanyang pansin nang mag abot ito ng panyo.
"S-sally?" Manghang gulat niya sa hindi inaasahang makikita roon.



Napili nilang mag usap sa isang restaurant na malapit sa sementeryo.
Hindi magawa ni Roland na tumingin o makapagsalita man lang. Tila ba tinubuan siya ng hiya sa pag iwan niya rito ng ganoon na lamang. Pero sadyang mabait si Sally. Maganda hindi lang sa itsura pati sa asal.
"My condolences, Roland."
"...salamat."
"Siyanga pala,. Salamat at nakita kita sa tomb ni mama Anita.. Makakapagpaalam ako ng maayos sa iyo." Nakangiti ngunit tipid nitong sabi.
"Paalam??" Nagtatakang tanong ni Roland. Iniisip niya na baka nagpaparinig ito o kung ano man kaya dagli siyang nanghingi ng pasensya para sa nagawa niya.
"No! It's not what I ment. I didn't mean anything, Im just happy I saw you before I go to France."
"Babalik ka na ng France?"
"Yah! Actually dapat noong isang araw pa, but sadly, I tried convincing papa not to sue a case against mama Anita."
Nagugulat si Roland sa mga naririnig. Kaya patuloy siyang nakinig,nagbjgay ng interes na malaman ang mga naganap Simula noong umalis siya.
"...since you left me.. Papa decides to sue a case against mama Anita. Naniniwala si papa na ginamit lang ako ninyo para maiurong ang demanda ng banko at pumayag na bayaran ko ang lahat ng utang niya.. He accuse mama, Staffa.. But I convinced him to drop the case kapalit ng pagsama ko sa France to marry the guy he wants for me.."
Hindi alam ni Roland ang mga sasabihin sa mga oras na iyon. Inaasahan niyang sa ginawa niya ay maghimagsik si Sally, pero, he was totally amazed. Napaka kampante ng paguusap nila. Ang Aura ni Sally ay halatang maganda.
"Sally...patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko..sa mga maling trato ko sa iyo... Kahit na batid mong hindi ko gusto ang nangyare ay ginawa mo pa ring umakto bilang asawa ko...napakaswerte ng lalaking iyon dahil ikaw ang magiging asawa niya.." Pilit na ngumingiti si Roland, pantakip sa kahihiyang nagawa.
"Now I understand the feeling na ipinipilit ka sa taong di mo gusto.. He is such a gentleman, I admit that..but the sparks,, are not there... Maybe when were married, you feel the same way too..." Sabi ni Sally.
After that lunch courtesy of sally, nagpaalam na sila sa isat isa, end every gap into a wonderful friendship,since they started all there..childhood friends.
"Before I go,. I want you to have this.." Inilabas nito ang Brown envelope na nkasilid sa kanyang bag at iniabot Kay Roland.
"Ano ba laman nito?"
"That thing is important. But, you can open that after I go..deal?" Nilahad ni Sally ang kamay tanda ng pakikipagkamay sa dating asawa na hanggang ngayon ay mahal niya ngunit pinili niyang limutin para sa ikaliligaya ng lahat, lalo ng kanyang ama. Sa halip na makipagkamay, isang mainit at huling yakap ang iginawad ni Roland Kay Sally. Kahit paano ay nadama nmn niya kahit kaunti na minahal niya ito, marahil ay dahil kababata niya ito, dangan nga lang at hindi niya talaga makita ang sariling tumanda kasama ito dahil noon pa si Eunice na ang nakikita niyang kasama niya hanggang sa kanyang huling hininga.
"Deal." Wika niya ng may ngiti sa labi.
"Thank you, Sally.. For loving me." Wika niya habang hawak ang kamay ng dating asawa.
"I should be the one to thank you,.. For accepting me even though you know what's the reality we have... Thank you,. You allowed me to be part of your life.. And I'm sorry, for everything..most specially,, for not giving you a child because of my weak condition.."
Matapos iyon ay sumakay na si Sally sa nakaabang na kotse,. Sa labas ng restaurant. Ibinukas nito ang bintana ng kotse at muling nagpaalam.
"I wish you finally found the half of your heart..always take care,and if you need anything,message me,okey?"
"I'll do that. Mag iingat ka.. Tawagan mo rin ako kung may problema ka.."
Masaya at may ngiti sa labi na naghiwalay sila ng landas.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon