chapter 3(this is it!)

35 0 0
                                    

Mula ng maibigay niya ang sulat na iyon, halos hindi na siya nagparamdam Kay Eunice.

Oo,nalungkot si Eunice na parang umiwas bigla si roland sa kanya,
pero ano nga ba magagawa niya?
Hindi naman sila official,.

Hanggang isang umaga,nabalitaan na lamang niya na, umalis na ito sa kanilang barangay,

kinumpirma niya ito kay rowena at totoo nga.

"Pasensya ka na raw,at hindi na siya nakapagpaalam sayo.."malungkot na Sabi ni Rowena.

"Ganoon ba? Babalik pa kaya siya dito sa atin?" Umaasang tanong ni Eunice.

"Sabi ni mama, kinuha daw siya ng isa kong tita pra magasikaso ng bakery nito, at dadalaw dalaw na lang daw siya sa bahay pag may pagkakataon."

"A-akala ko,kinuha siya ng papa mo para may magbabantay sa Inyo?" Muli niyang tanong. Mukha mang namemersonal ang dating niya,ay ayos lang,. Mahalaga ay may makuha siyang dahilan kung bakit.

"Ahhh..oo,kaso nakiusap ang tita ko Kay mama,na kailangan nila ng tatao sa bakery nila habang wala pang nakukuhang masador na mapagkakatiwalaan nila,. Pumayag naman si mama,kaya,ayun..."

Tumango tango lang si eunice pero ang totoo,parang sinasakal ang puso niya sa bigat ng nararamdaman...

Biglang nawala ang pag asa niyang may kahulugan nga ang natanggap niyang sulat mula sa binata.

Isang ilusyon.

Na mabilis niyang pinaniwalaan.

Ibinuhos ni unice ang lahat ng atensyon sa pag aaral, sa pag asikaso sa mga kapatid, at sa iba pang bagay.

Lumipas ang maraming taon,.

Biente dos anyos na siya at nagtatrabaho na.

Isang araw ay natanaw niya ang isang pamilyar na tao,.

Nakatayo ito sa isang bagong bukas na bakery,mga limang bahay ang layo mula sa kanila,.

Galing siya ng trabaho bilang service crew sa isang bagong bukas na foodhouse sa bulacan.

Hindi pa nmn niya nakikita ng harapan iyon pero ang kaba niya ay di niya mawari,.halong saya,tuwa,takot,pagaalinlangan...

Biglang napalingon sa gawi niya ang nkitang tao kaya't automatiko siyang bumuwelta pabalik..

Huminga ng malalim at nag iba ng daan para makauwi..

"Siya nga ba yun?"nagtataka niyang tanong sa sarili.

"Kaylan kya siya dumating?" Muli niyang tanong sa sarili nang makauwe at patuloy na iniisip ang nakita, habang ibinababad sa palanggana ang uniporme upang mabilis matuyo at maisuot kinabukasan..

Nang gabing iyon,. Dumalaw si rowena sa kaibigan,.

"Kamusta ang stay in serbidora ng bulacan?" Biro nito sa kaibigang abala sa pagpaplantsa ng unipormeng nilabhan niya kaninang tanghali.

"Ayos nman,eto laging pagod at puyat.."
Wika niya habang patuloy na pinapasadahan ng plantsa ang kanyang uniporme.

"Halata nga, ang itim ng ilalim ng mata mo eh.. By the way, ipinaaabot ni tito sa yo."

Inabot ni Eunice ang isang maliit na tarheta. Nakasulat roon ang isang cellphone number..

"Kanya ba ang number na narito sa card?" Nagaalangan niyang tanong.

Nakangiting tumango lang si rowena.

Mabilis na binitawan ni Eunice ang tarheta na Tila napaso ito.

"B-bakit mo binibigay sakin ito? Aanhin ko naman ito?"
Kinakabahan niyang tanong.

"Ano ba,besty!? Isave mo sa cellphone mo at itry mo itext tito ko!" Kaswal na sagot ni rowena.

Kamuntik na niyang maihulog ang plantsang hawak sa sinabi ng kaibigan..

"Ano naman ang palagay mo sakin,basta-basta lang?!"
Irit nito sa kaibigan.

"Naku,naku,naku!! Bes,don't me... Kilala kita! Alam ko, umaasa ka pa,."
Natatawang panunukso ni Rowena Kay Eunice.

"Umaasa,,,?" Pagmamaang maangan niya.

"Ah,basta.Iiwan ko na iyang card sayo,.its up to you kung susundin mo payo ko o deadma ka lang. Babush!"

Bumeso na ito sa kaibigan sabay alis.

Naiwan naman si eunice na nag aalangan kung ititext ba nya o hindi ang nasabing numero..

Natatakot siya na mabalewala,takot na mareplyan ng "hu u?"

Hanggang matapos na niya ang gingawa,at ngyon ay nakahiga na siya,,,

Biente dos anyos na siya,. Halos sampung taon din ang lumipas mula ng mangyari na inibig niya ang taong iyon at buong akala niya ay infatuations lang,.

pero hindi, the feelings she felt before is the same feelings she feel right now.

"Bahala na nga."

Sinimulan niyang itext ito.

Hi.

Ilang minuto ay sumagot ito.

"Musta ka na?"

"Mabuti."

Upang makasiguro kung siya nga ang katext niya.

Naidugtong niya sa text ay....

",,,ikaw ba talaga yan?"

"Oo naman...pwede ba tayong magkita?"

Abot abot ang kaba ni Eunice nang mabasa iyon...

"Magkita? Nasaan ka ba?"
Reply ni Eunice.

"Nandito sa labas ng bahay ninyo."

Napabangon sa kinahihigaan niya si Eunice,.

Ano daw?
Nasa labas?
Agad?

Hindi mawari ni Eunice ang mararamdaman...lalo na nang muling nagtext ang kausap,.

"Pwede ka ba lumabas?"

Napalunok ng laway si Eunice,at ang tibok ng puso niya ay Tila trumiple pa..

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon