"Hello my favorite patient.." Lambing na bati ni doktora sa batang si Maurice.
"Sorry doc,medyo late kami..." Paumanhin ni Eunice habang inilalapag sa patient's bed ang batang c Maurice para sa gagawing check up.
"Its OK,.I know how busy you are Mrs.Yamamoto. Please turn Maurice's med.card to my assistant while I check on her?" Bilin nito Kay Eunice habang inihahanda ang stethoscope na nasa bulsa ng kanyang med.suit..
Agad hinanap ni Eunice ang nasabing record pero Hindi niya makita sa bag na dala. Naisip niya kung saan iyon pwedeng mapunta?
Naiwan ko ba sa bahay?
O nahulog sa kotse?"Something wrong,?" Tanong ng doktora nang mapunang tila tuliro so Eunice sa kahahanap ng kung ano sa loob ng kanyang bag.
"Dok...Im afraid to say that...."
Bago pa niya nasabing nawawala ang med.card ng anak, ay may kumatok na sa clinic..
"Come in!"
Iniluwa ng pintong iyon si Roland dala ang card na kanyang hinahanap. Hindi malaman ni Eunice kung anong madarama, magkahalong kaba,inis,at kaunting kahihiyan at takot ang bumalot sa kanya,.
Tila ba gusto niyang sabihin dito na kung bakit siya sinuway..."Oh! Its you!" Masayang reaksyon ng doktora.
"Magkakilala po kayo?"
"Yah! Siya ang nagsusupply sa amin ng mga vitamins dito sa hospital. Wait? Are you related with each other?"
"No!" Maagap na wika ni Eunice kasabay ng wika ni Roland na "yes."
Kaya naman napatingin ng matalim si Eunice sa binata."Ang ibig Kong sabihin dok, yes, related kami kasi.... Ano... Magkababata kami! Yun!" Pasakalye ni Roland.
"Oh,what a small world. Anyway, let's talk some other time huh, papasok muna namin si baby para sa kanyang timbang at iba pang test,OK? See you later.. " kasunod ang assistant nurse ay pumasok ang doktora sa isa pang silid nito karga si Maurice.
Naiwan sa labas ang dalawa.
Nanatiling tahimik ang paligid.
Hanggang sa magsalita na si Roland."Pasensya ka na.. Alam kong binilinan mo ako,pero kasi no choice ako..."
"Ok lang.." Malamig na tugon ni Eunice.
"Pero promise,last na to..."
"I said its ok.. By the way,...thank you."
"San? Sa paghabol ko sa med.card ni Maui?"
"Maui?" Kunot noong napalingon ito kay Roland.
"Sorry, ok lang ba kung maui na lang? Napakahaba kasi ng Maurice? P-pero kung hindi ay ayos lang naman."
"Ok. You have your own right to call my daughter any name you like...after all your her..." Bigla siyang natigilan sa sasabihin, muntik na niya malimutang nasa kabilang silid lang si dok.
"I thank you for keeping Maurice's life in private.. I know how hard for you to keep it but you did..."
"Igagalang ko ang pasya mo, hihintayin ko ang araw na maging handa ka na... Kung kinakailangan kong ikaila ang sarili ko sa iba,maging pribado lang ang buhay ni maui ay gagawin ko.."
Tipid na ngumiti si Eunice,. Labis na galak sa puso naman ang nadarama ni Roland,. Sa kauna-unahang pagkakataon Simula nang magtagpo ang kanilang mga landas muli, doon niya lang muling nasilayan ang ngiti ng kanyang mahal.
Diyos ko! Sign na po ba ito? Na may pag asa pa? Kung ganoon po ay maraming salamat Diyos ko!
"We're done!"
Natapos na ang check up. At inihahabilin na lamang ni doc Kay Eunice ang mga vitamins na dapat inumin ng bata. Habang karga ni Roland si Maurice."Oh,bagay pala sayo Roland!"
Biro ng doktora nang maituon ang tingin sa dalawa na nasa bukana ng pinto at naghihintay kay Eunice."Talaga po dok?"
"Oo kaya!"
"Mauna na po kami dok . till the next check up po ulit.
"Ok,Mrs. Yamamoto.. Remember always huh, allergic c Maurice sa seafoods,. Mostly hipon, so please,. If she is on her stage eating more solid foods,avoid seafoods,.kahit sabaw lang. Clear?"
"Clear po. Bye dok."
"Roland! Pasyal ka minsan dito ah, kwentohan tayo!"
"Opo!" Kumaway pa ito sa doktora bago sumunod Kay Eunice.
Muling naging tahimik ang paligid, nilalakad nila ang pasilyo pababa ng lobby, nauuna sa kanya ang kanyang mag ama kasunod siya bitbit ang baby bag ni Maurice.
Till marealize niya kung gaano kasaya sa pakiramdam na magkasama ang kanyang mag ama.
Para bang pakiramdam niya ay buo sila.Hanggang ipilig niya ang kanyang ulo upang magising sa katotohanan.
Pilit pinipigil ang sariling mahulog muli sa kabutihang ipinapakita ng binata.Hanggang marating na nila ang kotse. Maagap na pinagbuksan ni Roland ng pinto ang minamahal, nang makapasok na sa loob ng kotse sa likurang bahagi ay sunod naman niyang iniabot ang kargang anak sa kanlungan ni Eunice para magdahilan na magdikit ang kanilang balat,tila kuryenteng dumaloy kay Eunice ang spark na yun, halos umiwas si Eunice pagkat pati ulo nila ay halos magdikit na din. Amoy niya ang mabango nitong pabango,.same fragrance, same as before..
Yakap ang anak tila natulala saglit si Eunice at ang kaba ay di maipaliwanag."Tatawagan ba o pupuntahan na lng natin sa city hall si Gloria?" Wika ni Roland na Hindi namalayan ni Eunice na nasa driver's seat na pala,
Tila nakadama siya ng pagkapahiya sa sarili, agad umayos ng upo at nagkunwaring wala lang ang naramdaman niya."Itetext ko na lang siya.. Maari ay ihatid mo na kami sa bahay. Mag iimpake pa ako eh."
Natigilan si Roland sa pagstart ng kotse, dagli ay nakadama siya ng kaba.
"A-aalis ka?"
Kimi lang si Eunice,. Hindi niya obligasyong magpaliwanag dito.
Napabuntong hininga na lamang si Roland sapagkat walang klarong sagot na ibinigay si Eunice.
Pero, may pakiramdam siya sa turan nito na mag iimpake,.
Muling lalayo ang kanyang mag ina."Can you start your car and let's leave!" Sarkastikong wika ni Eunice.
Malungkot na pinaandar ni Roland ang kotse habang si Eunice ay abala sa paghele sa anak at pagtetext Kay Gloria.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...