chapter 53

12 0 0
                                    

Four days nag stay sa hospital na iyon si Eunice, at sa four days na iyon, walang araw na hindi niya nakikita si Roland. Palaging may dalang rosas,pagkain,prutas at kung ano ano pa,.
Ayaw man niyang aminin,pero tuluyan ng nalusaw ang galit na nadarama niya sa binatang umaasa,.
Hindi man niya bigyan ng pahiwatig ang mga ginagawa nito,.patuloy lang si Roland sa pag aasikaso sa kanya, hanggang sa tuluyan na nga siyang gumaling.
Hanggang makauwi na siya ng bahay.

"Kamusta na ang mahal ko?.." Malambing na salubong ni Eunice sa anak na abala sa paglalaro sa kanyang playpen.

Agad nagpakarga ang bata pero gustuhin man niya ay hindi maari,.

"Gustuhin ko man,hindi pwede anak,, next time ka na lang ihahug ni mama,ok?"

Pumasok si roland dala ang bag na naglalaman ng ilang gamit ni eunice.

"Pakibaba na lang dito.,salamat."

"Gusto mo ba samahan kita hanggang dumating si gloria?"

"Hindi na. Ok na ako,saka malaking abala na yung pagparoon at parito para lang alagaan ako at silipin c maui. Malaking bagay na iyon na ipinagpapasalamat ko sayo."

"Tungkulin ko iyon bilang magulang ni maui. (At dahil sa pag asang babalik tayo sa dati,mahal ko..)"
Tinungo ni Roland ang anak at binuhat,hinalikan sa pisngi.

"Kaytagal ko ring pinangarap na mangyari ito. Masaya akong ipinaranas mo sa akin ang ganitong pakiramdam.." Nakangiting sabi ni roland kay eunice.

Ang mga ngiti ni eunice ay may tabang. Pilit niyang itinatago sa lalaking kaharap ang tunay niyang saloobin.
Na ito ay mahal niya pa rin.

"Talaga ba na tutuloy kayo sa japan? Pwede ko ba malaman ang dahilan?" Nag aalangang tanong ni roland.

Sasagot sana si eunice,nang mula sa kusina ay sumulpot si clara dala ang feeding bottle ni maui.

"Ate!" Masayang bati nito sa kapatid,subalit nabago ang aura nito nang makita ang kausap ng kapatid.

"...may bisita ka pala." Kunot ang noo nitong nakatingin kay roland. Halatang iritable sa nakitang bisita.

"Narito ka pala? Tinawagan ka ba ni gloria?" Tanong ni eunice.

"Oo. Ngayon daw ang labas mo sa ospital sabi ni ate gloria, kaya gabi pa lang ibinilin ko na sa trusted staff natin ang resto. Kaaalis lang ni ate gloria,may ipinapalakad ka raw na papers sa kanya kasi."

"Kamusta,clara?" Nagaalinlangan man ay binati pa rin niya ito kahit dama niyang nagpapangggap itong di siya nakikita.

Subalit sa halip na gantihan ang pagbati ni roland, ay pairap itong inilapag sa side table ang feeding bottle na may lamang gatas at saka umalis.

"Pagpasensiyahan mo na sana si clara huh..." Wika ni eunice kay roland.

"Naiintindihan ko naman ang pinagmumulan ng ugaling ipinakikita niya sakin ngayon,.." Muling inilapag ni roland ang anak sa playpen at kinuha ang gatas na nilapag ni clara kanina upang ipainom sa anak.

"Aalis na muna si papa,anak.. Magwowork muna si papa huh?" Hinalikan nito ang nangingiting anak na tila nakakaunawa na sa sinasabi ng ama gayong isang taon pa lang ito.

"Mauna na ako,. Tawagan mo sana ako kung kailangan at agad akong pupunta."

"Sige. Salamat."

Nang maramdaman ni clara na wala na ang bisita ay lumabas na ito sa kanyang pinagtataguan.

"Kayo na ba ulit?"

"Ano?!" Gulat na lingon ni eunice sa kapatid.

"Anong,ano? Bakit narito siya? Bakit ipinakarga mo si maurice sa kanya? Makikipagbalikan ka ba o siya sayo?" Clara sounds hysterical.

"Clara,can you please ask those thing one at a time? Mabibinat ako niyan sa mga revelations mo!" Naupo si eunice sa sofa suot ang balabal na regalo ni roland sa kanya mula baguio.

"...una,wala kang itinama sa lahat ng tanong mo. Second,i gave him my authority,you know he is my daughter's biological father,right? So there's nothing wrong with that."

"Fine. Basta ako,nagmamalasakit lang."

"Salamat. But i can handle myself." Tumayo na ito. "...ikaw na muna bahala kay maui, aakyat muna ako at magpapahinga."

"Ate...sorry.."

Hinarap muli nito ang kapatid,

"I understand how you feel.. Just in case,I fall "accidentally" with him,. All I need is your full support. Maari ba yun? Clara?"

Ngumiti lang si clara, pero sa loob niya ay di siya sang ayon.
Mula ng saktan ni Roland ang kanyang ate, nawala na ang paghanga niya rito. Respetong iniukol niya noong ito ay kabahagi pa ng kanyang minamahal na ate.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon