Halos pasikat na ang araw, si Eunice ay nananatiling gising. Nasa kanyang kama at malalim na nag iisip,.
Paulit ulit na bumabalik sa gunita niya ang naganap kanina.
Hanggang sa tumayo siya,lumapit sa malaking closet na nasa side ng kama.
May secret drawer ito sa sahig at kanya iyong binuksan.
Inilabas niya roon ang medium size box.
Muli siyang naupo,kalong ang kahon ay kanya itong binuksan.
Laman noon ang masasayang alaala nila ni Roland..
Mga larawan, regalong simple ngunit mahalaga kahit mumurahin lang kung tutuusin, at ang huling regalo na pinanghawakan niya para maniwalang may forever nga sila.
Ang singsing at hikaw na huling regalong natanggap niya sa minamahal.Nagsisimula ng pumatak ang kanyang luha.
Masama ang loob niya pero ni minsan ay di niya nagawang itapon,sunugin,oh kung ano man.Mahal ko pa nga ba siya?
Diyos ko! Tulungan mo nawa akong mahanap ang tama..Sa kanyang likuran ay hindi niya namalayan ang paglapit ng kanyang ama.
"Mahal mo pa siya.." Turan nito.
"Papa?"
Dagli niyang itinago ang mga bagay na iyon sa kahon,. Nais niyang ikubli sa ama na hanggang ngyon ay pinakatatago pa rin niya ang mga alaalang iyon."Hindi mo na kailangang itago sa akin ang mga iyan,anak. Batid kong may nararamdaman ka pa sa lalaking iyon."
Naupo ito sa couch,katapat ng kama.
Nakayuko lang si eunice na napapaisip kung ano nga ba ang dapat niyang maramdaman.
Abot hanggang langit ang pag ibig niya para kay Roland,. Tanggap niya lahat ng sitwasyon, sadyang nasaktan lamang siya nang umalis ito ng walang pasabi,.
Walang closure."Nagtataka ka marahil kung bakit narito ako ng ganito kaaga.."
"Bakit nga po ba?" May pagtatakang sumilay sa mukha ni Eunice nang tumingin sa ama.
"May isang linggo na rin mahigit nang muli kaming magkita ni Roland.."
Biglang nakadama ng Hindi maipaliwanag na pag aalala si Eunice sa sinabi ng ama. Hindi niya mawari kung bakit.
"...n-nagkita po kayo?"
"Hindi naman sadya, nagkataon lang marahil,.."
"May sinabi po ba siya?"
"Humihingi siya ng tawad,nakikiusap na pakinggan ko siya, pero, hindi ko pinaunlakan."
"At..." Tila may hinihintay pang sasabihin si Eunice mula sa ama. May pakiramdam siyang may nais sabihin ang ama kaya bigla itong napaluwas,mula Quezon city hanggang Batangas.
"....anak,batid mong hindi ko ugali ang makialam sa takbo ng buhay ninyong magkakapatid,. Pero, may karapatan pa rin naman akong malaman ang totoo, hindi ba?" Pahiwatig ni Waldo sa anak.
"A-ano po bang ibig ninyong sabihin?"
"Si Roland ba ang ama ni Maurice?"
Napatayo sa kinauupuang kama si Eunice nang marinig mula sa ama ang katanungang iyon,. Nagdulot para matapon at magkalat sa sahig ang Kalong niyang kahon.
Agad niyang pinulot ang mga iyon, nanginginig ang kanyang mga kamay natatakot sa maaring gawin sa kanya ng ama kung aamin siya,nagsisimula ng umagos ang kanyang mga luha.
Hanggang maramdaman niyang marahan siyang hinawakan sa braso ng ama para muling maupo sa kama.
Kita niya ang lungkot at awa sa aura ng ama.
Kaya naman nakadama siya ng pagkaguilty.
Hindi man magsalita ay batid na ni Waldo na ang kutob niya ay totoo.
Ang nais na lamang niya ay marinig sa anak mismo kung paano."Patawad,papa...hindi ko ginusto pero-----"
"Tama nga ang kutob ko...tahan na anak. Hindi kita kailanman sinisi sa mga naging desisyon mo,kayat tahan na..." Mahigpit niyang niyakap ang anak.
Parang bata namang humagulhol si Eunice sa bisig ng ama. Parang tinik iyon na biglang nabunot mula sa kanyang lalamunan.
Masyado ng mahaba ang araw para tanungin pa niya ng husto ang anak. Sa kilos nito ay batid na niya ang totoo. Hindi na niya ninais pang alamin kung paano, malinaw na sa kanya.
Si Roland ang ama.
Nagkasya na lamang siya sa pag alo ng anak na dama niya ang labis na pagsiphayo.Batid na rin marahil ng lalaking iyon na siya ang ama ng anak ni Eunice,. Kaya ba siya nagpipilit bumalik? Kailangan ko siyang makausap..
Kinabukasan....
"Good morning ,mang Waldo..." Bati ni Gloria nang makita ang matanda sa kusina at nagtitimpla ng gatas sa botelya.
"Good morning Gloria."
"Natulog na ho ba kayo? Parang ang aga ninyo ho naman magising ata?" Nagtatakang tanong ni Gloria.
Nagtataka sapagkat, pinagbuksan niya ito ng alas kuwatro ng madaling araw. At ang oras ngayon ay alas sais pa lang.
"....at bakit po kayo ang nagtitimpla niyan? Nasaan po si Eunice?""Hinayaan ko na munang matulog,. Nag usap kasi kami kagabi, nakatulog na sa kaiiyak.."
"Tungkol ho saan?"
"Tungkol sa ama ni Maurice."
Naibuga palabas ni Gloria ang tubig na iniinom nang marinig ang rebelasyon ni Waldo.
"Ano po!?"
"Oo,Gloria. Hindi mo na kailangang magkaila pa, batid ko na ang lahat."
"Kinuwento po ni Eunice?"
"Hindi. Pero,sa kilos niya,,batid Kong ang hinala ko ay totoo. Ngyon, may isa lang akong hiling..."
"Ano po iyon?"
"Tulungan mo akong makausap ng sarilinan ang lalaking iyon."
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
Roman d'amourMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...