chapter 45

16 0 0
                                    

"Nang iinis ka ba talaga!?" Nagpipigil sa galit na tanong ni Eunice,impit na maitaas ang boses sapagkat baka magulat ang anak na nasa loob lamang ng silid.

"Hindi! G-gusto ko lang naman itama ang mga------"

"Ilang beses ko ba dapat ulit ulitin sayong wala ka ng magagawa!? Damage has been done! Bakit ba ang kulit mo!?"

"Dahil mahal kita, at ikaw pa rin hanggang ngayon ang hinahanap ng puso at isip ko!"

Saglit na natahimik si Eunice,subalit hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niyang batid niya sa sariling magulo,.ang alam lang niya, galit siya sa lalaking ito na ngayon ay nasa kanyang harapan.

"Alam ko,we both have the same feeling,. Kung hindi ay kinasuhan mo na sana ako ng rape."

Nanatiling tahimik si Eunice, pigil at kuyom ang palad na nakatingin lang kay Roland.

"Ginagawa ko ito, dahil gusto ko. Dahil alam kong nagkamali ako,at handa akong harapin at saluhin ang galit mo,mabuo lang tayo.."

Bumuntong hininga si eunice, ibinuga na tila isa siyang lobong nasobrahan sa hangin kaya kaylangang bawasan,.saglit nabawasan ang kinikimkim niyang galit.

"Tapos ka na?....pwes,ako naman ang pakinggan mo.. Una sa lahat, matagal ko ng isinara ang pinto ko para sayo. Pero pilit ka pa ring pumapasok, tingnan mo,sa kapipilit mo,. Nagulo ang buhay ko! Masaya ka na ba?
Na ang tahimik kong buhay ay muli mong ginulo?! Talo mo pa ang tulisan!"

"Itinatama ko lang naman ang mga nagawa kong kamalian...mahal na mahal kita! Pilit kong inilalapit ang sarili ko sayo,higit pa ngyong nalaman kong nagbunga ang ating pagtatalik."

Mabilis tinakpan ni Eunice ang kanyang magkabilang tenga, she starting to be paranoid every time she hears that word.

"Stop saying that!"

"Bakit?"

"Dahil lalo mo lang pinamumukha sa akin kung anong katangahan ang nagawa ko para masira ang pagsasama naming mag asawa!"
Napataas na ang kanyang boses at ang mga luha niya ay di na niya nagawang pigilan.

Nabigla si eunice sa sumunod na ginawa ni roland. Lumuhod ito sa kanyang harapan, nakayukong humingi muli ng kapatawaran..
Nagpadama lalo kay eunice ng pagkainis ,kaya't kanyang ipinikit ang mga mata,upang di makita kung paano magsumamo ang dating sinasamba.

"Nagsusumamo ako,patawarin ako..."
Tumatangis si Roland na nakatingin kay Eunice na hanggang sa mga oras na iyon ay nkatakip pa rin ang palad sa magkabilang tenga.
Pikit ang mga mata,subalit hindi rin nakatiis ay iminulat niya rin ito at nakita niya kung paano magmakaawa ang taong dati ay halos kanyang sambahin..

Dahan dahan,ibinaba niya ang kanyang mga kamay..pinagmasdan ang hindi matinag sa pagkakaluhod na lalaki.

Ano nga ba ang pumipigil sa akin para mapatawad ka,Roland? Dapat ba ay matutunan ko muna ang magpatawad,una na sa ate mo?
Naguguluhan na ako....

Banggit ng isip ni Eunice habang nakatingin kay Roland.

Hindi nagtagal,ay inutusan niya itong tumindig na.

"Fine." Huminga ng malalim si Eunice bago muling nagsalita.
".....nasa hustong gulang na tayo para umakto pa ng ganito,.tumayo ka na riyan sa pagkakaluhod mo."

Dagli naman siyang sinunod ni Roland. Pinahiran ng kanyang manggas ang mga luhang pumatak.. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa sa likod ng kanyang pantalon upang pahiran ang mga luha sa mata sana ni eunice subalit dagling umiwas ang babae.

"Its been a month,,or should i say, more than a month since you start courting me.. Una pa lang,i have a feeling na you knew everything.. "
Huminga ng malalim si eunice,pinahiran ng kamay ang sariling luha saka muling nagsalita..

"....kaya,sige. I gave you my authority to see my daughter..... Our daughter."
Tila nabulunan pa siya sa huling salitang binanggit,.

Masaya si roland sa desisyong iyon ni eunice,subalit hindi lubos na masaya sapagkat may kulang pa.

"Salamat eunice...p-pero..tayo? Paano?" Tugon ni Roland sa babaeng minamahal.

Pilit na itinatago ni Eunice ang bigat ng saloobin at napilitan na nga lang siya dahil narealize niyang may karapatan ito dahil ito ang ama ng kanyang anak.
Subalit sa tanong ni roland na iyon ay tila isang bulkan na sumabog sa galit si eunice.
"Tayo? Walang tayo!? Matagal na,simula ng iwan mo ako ng walang dahilan,simula ng pagmukhain mo akong tanga na umaasang babalik ka! " pabiglang binuksan ni eunice ang pinto ng silid kung nasaan ang kanilang anak at si gloria na bahagya pang nagulat.
"...siya! Siya ang dahilan kung bakit natitiis pa kitang harapin! Hayan! Pagmasdan mo ang bunga ng kapusukang nagawa mo!"

Binuhat ni Gloria ang batang si Maurice, inaalo sapagkat nagulat sa biglang pagbukas ng pinto kaya ngayon ay umiiyak.
Habang si roland ay nakatingin lang sa nagngangalit na si eunice.

"....ilang taon kong sinanay ang sarili ko na wala ka na! Nagpakalunod,nagpalipat lipat ako ng trabaho,maitago lang kay papa at sa mga kapatid ko ang sakit na dinulot mo.. Ilang beses Kong nilunok ang pride ko sa mga parinig ng ate zeny mo! Araw araw kung ipamukha niya sa aking wala kna at pilit pa rin akong humahabol! Oo! Mahal pa rin kita! Ikaw pa rin ang sinisigaw ng lecheng puso na ito kahit ayoko na! Ngyon,masisisi mo ba ako kung bakit ang dating minahal mo ay wala na?
Ang eunice na pumapayag sa tagong relasyon,ang sumusunod lang sa gusto mo,ang umuunawa sa kalagayan mo ay wala na!?"

Hindi na kinaya pa ni Eunice itago ang kirot na matapos ilabas ang saloobin ay dali daling tumakbo palayo, na agad naman sinundan siya ni Gloria karga si Maurice, sandali pa itong huminto kay Roland na tila naging tuod sa kinatatayuan,tila Hindi makapaniwala sa binitiwang salita ni Eunice.

"Siguro naman,sapat na ang mga narinig mo para lubos na maunawaan mo kung saan nagmumula ang hinagpis niya."
Wika ni Gloria bago tuluyang iwan si Roland at humabol Kay Eunice

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon