chapter 56 (together again)

25 0 0
                                    

"Uy! Kamusta na? Si Maurice,kamusta?" Masayang bati ni Gloria nang isang umaga ay iChat nito ang kaibigang si Eunice via web cam.

" nasa playschool siya,kahahatid ko lang nga sa kanya eh, mabuti kami dito,ikaw kamusta? Si Carla?"

"Maayos lang kami dito.. Wag mo masyadong isipin si Carla kasi masyadong subsob sa trabaho iyong kapatid mo na yun, niloloko ko na nga na mag asawa na tutal nasa tamang age na siya.. Pero ang sabi niya,hihintayin pa raw niya ang tamang lalaki,at ang pag uwe ng inyong papa galing jeddah." Mahabang kwento ni Gloria.

"Si Carla talaga.. Ay! Mabuti pala at nag video call ka,.." Halata ang biglaang excitement sa mukha ni Eunice,. Mamaya ay nagulat na lang si Gloria nang ipihit ni Eunice ang cam sa ibang direction, at makita niya ang di niya inasahang makita sa mga oras na iyon, si Ernest.

"Kamusta ka na, Gloria?" Sabi ni Ernest.

Hindi man nadidinig ni Gloria ang kabog ng dibdib ni Ernest ay kits naman niya sa mukha nito na kinakabahan itong makausap siya. Gayon rin naman kasi ang nararamdaman niya.

"A-anong... Bakit nariyan ka?!"

"Buong akala ko ay narito ka pa sa Japan, last year lang nong makarating ako rito,nagbakasakali na makita ka, pero bigo ako dahil matagal ka na palang umuwi sa pilipinas.." Bumakas ang lungkot sa mata ni Ernest.

"Matagal na tayong tapos,hindi ba? So, what's the reason for you to find me?"

"Para makiusap na bumalik ka sa akin.."

"Ano!?" Hindi malaman ni Gloria kung matutuwa ba siya or maiinsulto sa sinabing iyon ng dating kinasama ng ilang taon. Pagkatapos ng masakit nilang paghihiwalay ay heto ang kanyang dating inibig hinahanap siya para pakiusapang bumalik.

"...nagpapatawa ka ba?"

"Totoo ang sinasabi ko,.. Patawarin mo ako kung ikaw ang sinisi ko sa nangyari..."

"Tapos na iyon. Matagal ko ng tinanggap sa sarili ko na ganito lang ako, kapalaran ko na siguro ito,. Pero hindi ko ginusto, pareho lang kayo ng dati kong asawa..."

Dinig ni Eunice ang paghagulhol ni Gloria. Tahimik lamang siyang nakikinig sa dalawa. Saksi siya sa pinagdaaanan ng dating magkatipan, taon ang hinintay nila magkababy lang at ibinigay naman, subalit sadyang hindi marahil para sa kanila ang sanggol,. Sinisi ni Ernest si Gloria, na nagresulta upang sila ay maghiwalay ng landas.

Napaisip siya bigla,sa hindi mawaring pakiramdam ay naalala niya si Roland.

Kamusta na kaya siya? Hinihintay pa rin kaya niya kaming mag ina? May pag asa pa kaya sa puso niya na mabubuo kami bilang isang pamilya? O ako lang ang humahangad na gagawin nga niya ang mga iyon?

Sa lalim ng pagmumuni ni Eunice ay hindi na niya naulinigan ang ibang pinag usapan ng dalawa. Nagulat na lamang siya nang tumayo si Ernest at maluha luha na siya ay pinasasalamatan.

"..b-bakit? Anong nangyari?"

"Pinatawad na niya ako! At pumayag na siya na magkausap kami ng personal, ibinilin niya na hingiin ko sayo ang address niya sa Batangas at doon daw kami mag uusap!" Bakas ang pagkasabik na sabi nito.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon